- Jang's POV
Kasalukuyan kaming nakasakay ni Sehun sa Ferris Wheel ngayon. Nakatingin lang ako sa malayo habang si Sehun naman ay busy sa kinakain niyang Ice cream sa harapan ko.
Naiisip ko kasi si Jim. Ano kayang nasa isip niya o naramdaman niya nung ni-reject ko yung tawag? Alam kong nasaktan yun. Saka baka mas lumala lang ang tampo niya sakin. Hay.
Bakit ko ba 'to ginagawa sa kanya? Saka yung panaginip ko. Anong ibig sabihin nun? Bakit ayos lang sakin na maghiwalay kami? Minahal ko nga ba talaga si Jim?
May nararamdaman naman ako sa kanya eh. Ngunit sapat na ba 'tong nararamdaman ko ngayon para masabing mahal ko nga talaga siya? Nalilito na ako. Pakiramdam ko din kasi talaga na parang may mali sa relasyon namin. Hindi ko lang alam kung ano pero feel ko talaga meron.
Napabuntong-hininga nalang ako.
"Pang-ilan na yun?" biglang tanong ni Sehun kaya napatingin ako sa kanya.
"Huh?"
"You sighed for the 10th time already and lusaw na yang ice cream mo oh," aniya sabay turo sa ice cream na hawak ko.
Napatingin ako sa kamay ko. Tunaw na nga. Hayst! Kumuha ako ng tissue sa bag saka pinunasan ang kamay ko.
"Something's bothering you. Am I right or left?" he asked.
"It's nothing."
"Hmm, what is it? Tell me Jang-ssi. What are friends for?"
"Really its nothing. I'm fine Oppa," nginitian ko siya. Inalis ko na muna sa isipan ko si Jim.
"So Oppa, sino yung babaeng kasama mo sa Starbucks before?" pag-iiba ko ng topic.
Kumunot ang noo niya.
"How..."
"Nah, I saw you. I mean we, Zoe and I. Siya ba si Irene?"
Nagulat siya sa tanong ko.
"Where did you hear that name?" napakaseryoso ng mukha niya at ang lamig ng boses niya. Ops. Mali ata na tinanong ko pa yung tungkol dun. Pabo pabo!
"Uhm, n-nakita ko l-lang sa p-phone mo. T-tumawag kasi s-siya," pautal-utal kong sagot. Wala kang makikitang kahit na anong emosyon sa mukha niya ngayon. Ito ang unang beses na nakita kong ganito si Sehun.
"Look, I'm sorry. Hindi ko naman sinadyang tignan ang cellphone, uhm I mean oo tinignan ko kasi may tumatawag sayo eh tapos malay ko bang sayo yun," I explained.
Di siya sumagot. Bumuntong-hininga lang ito saka tumingin sa baba. Oh no! Eotteoke? Di ko alam paano paamuhin ang isang Oh Sehun. Huehuebells.
Tumabi ako sa kanya.
"Oppa! Sorry na. Sorry kung hindi ko inisip kung anong mararamdaman mo pag tinanong ko yun. Alam kong di madali yung pinagdaanan nyong dalawa kasi nga naglasing ka pa nga nung gabing yun na iniwan ka niya diba? Nakita nga kitang lasing na lasing sa daan. Hmmp! Promise di ko na uulitin. Sa susunod pag-iisipan ko munang mabuti ang bawat katagang sasabihin ko."
No response.
"Waaaah! Jebal mianhaeyooo," I whined.
Wala pa din. Ugh!
"Omooo! WAAAAH! BUG!" tumayo ako't umarteng may nakita nga ako kahit wala naman talaga. Alam ko kasing takot si Sehun sa ganun.
Ngunit wala pa din. Para na akong baliw dito tapos wala man lang siyang karea-reaction? Ha! Naupo nalang ako ulit sa tabi niya. Nakaka-frustrate. >_____<

BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanficEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...