Chapter Twenty Nine - Jimyeon's Thoughts

9 5 0
                                    

- Jimyeon's POV




"Tama na Jim.. Please.."

"Ayoko na. Maghiwalay na tayo.."

Hindi...

"Alam ko na lahat.. Maghiwalay na tayo..."

No..

"Bitawan mo ko.. Tama na!"

Please no..

"Maghiwalay na tayo..."

Jang!!!

Napabangon ako agad. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Napahawak nalang ako sa ulo ko nang bigla itong sumakit. Feeling ko sasabog na ito sa sobrang sakit. Uminom kasi ako kagabi. Hindi ko kasi talaga matanggap yung nangyari. Sobrang sakit.

Nakipaghiwalay siya sakin. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko siya ngunit hindi niya man lang ako binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag. Sasabihin ko din naman sana sa kanya lahat.

Totoong may anak ako. Anak namin ng ex ko. Naging kami nung panahong nasa Korea pa ako tumira. Sobrang saya namin dati. Balak ko na nga sana siyang pakasalan kaya lang may humadlang.

Tinago nila ang ex ko mula sakin. Sinubukan kong ipaglaban yung relasyon namin nung mga panahong yun kaya lang ang hirap pala. Ang hirap lumaban mag-isa. Sumuko na siya eh.

Nakipagkita nalang siya sakin isang araw at sinabing maghiwalay na raw kami. Hindi ako pumayag syempre pero wala na akong nagawa. Napakahina ko.

Sobrang nasaktan ako sa mga pangyayari. Balak ko na nga sanang putulin ang buhay ko that time ngunit nalaman kong buntis pala ang ex ko.

Pinuntahan ko siya't kinausap kaya lang nagmakaawa siya sakin na wag ko daw sabihin kahit kanino na ako yung ama ng bata dahil natatakot siya na baka ipalaglag ng mga magulang niya ang anak namin.

Lumuhod siya sa harapan ko habang umiiyak nang hindi ako pumayag. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa nakikita ko kaya niyakap ko siya. Pumayag ako sa gusto niya. Labag man sa loob ko pero ayokong nakikitang nasasaktan ang taong mahal ko.

Nangako ako sa kanyang lalayo na ako dahil yun din naman ang gusto niya para maging safe yung bata. Ayaw niyang magduda ang kanyang mga magulang. Pero nangako din siya saking palagi niya akong padadalhan ng mga larawan ng bata.

Umuwi ako ng Pinas pagkatapos nun. Nasa Pinas na kasi nakatira ang pamilya ko. Sa Seoul ako pinanganak pero sa Pinas na ako lumaki. Bumibisita lang kami ng Korea taon-taon. Pinili ko lang tumira ng Korea dahil sa ex ko. Simula nung naging kami ay hindi na ako nakauwi ng Pinas. Nakauwi lang ako nung hiwalay na kami.

Madalas na akong pumupunta ng Korea dalawang taon ang lumipas simula nung manganak ang ex ko. Hindi na kasi ako nakuntento sa mga larawan na pinapadala niya. Gusto kong makita sa personal ang anak ko.

Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon