- Third Person POV -
Pagkatapos mag-usap nina Jang at Sehun ay nagpaalam muna ang dalaga upang dalhin ang kanyang mga gamit pabalik sa taas. Tumango lamang si Sehun at sinabihan si Jang na bumaba agad dahil ipagluluto niya ito ng paborito nitong adobo.
Umakyat na si Jang habang ang binata naman ay dumiritso sa kusina. Nang makapasok ang dalaga sa kanyang kwarto ay agad niyang binuksan at hinalungkat ang bawat sulok ng kanyang maleta upang hanapin ang nawawalang kwentas ngunit hindi niya ito mahanap. Ang huling naaalala niya lang ay nung hinubad niya ang kwentas tapos itatapon niya na sana sa dagat ngunit hindi niya natuloy dahil may biglang lumapit na bata sa kanya tapos.....
"Ah! In my pocket!" aniya saka agad na hinanap ang damit na suot-suot niya ng araw na yun. And luckily, nasa bulsa nga nito yung kwentas. She excitedly went downstairs to tell Sehun that she found it.
"Oppa! I found it!" masayang sabi ni Jang.
"Jinjja? Where?"
"In my pocket."
"Oh," he smiled. "Come here, let me put it on you," wika ng binata sabay punas sa kamay niyang basa. Agad niyang isinuot sa dalaga ang kwentas nang makalapit na ito sa kanya. "Bagay. Parehong maganda."
"Suuus! Don't me Oppa, don't me!" kilig na sambit ng dalaga. "Let me help you."
"No. Just sit there and let your future husband cook for you."
Jang snorted. "Ang corny! I'm cringing yay!" biro ng dalaga. Tumawa lang si Sehun at nagpatuloy na sa ginagawa.
Lumabas si Ezekiel mula sa kanyang kwarto at gulat na gulat ito nang madatnan si Sehun sa kusina na kasama si Jang. "JAAAAANG?!" he screamed. "Bumalik ka!" agad na lumapit si Kiel kay Jang at niyakap ito. Nang makita ito ni Sehun ay agad siyang tumikhim upang makuha ang atensyon ng kaibigan.
"Stop...stop hugging her," mahinahong sambit ni Sehun habang sinisenyasan si Ezekiel na lumayo kay Jang.
"Arte naman nito. Kayo na ba ni Jang?" Kiel asked after letting go of her. Jang shook her head.
"Yun naman pala! Kung makaasta to eh no dinaig pa yung asawa. Nakuuu! Jang wag mo sasagutin yan ang arte eh," biro ng binata. Agad namang pinukpok ng mahina ni Sehun ang ulo ni Ezekiel gamit ang hawak-hawak niyang sandok. Napatawa nalang si Jang dahil sa inaasta ng dalawa. Masayang nagkwentuhan ang tatlo sa kusina habang hinihintay na maluto ang pagkain.
~*~
♪ sebeon kkajin budichyeo bwa
yeoseot beonjjeum uljirado ♪Nagising si Jang dahil sa ingay ng cellphone niya. Kanina pa ito ring ng ring ngunit hindi niya lang pinapansin dahil inaantok pa siya. Nang maingayan na ang dalaga ay sinagot niya na ang tawag.
"Hello," sambit niya habang nakapikit pa rin.
"Jaaaaang! Ba't ang tagal mong sumagot?!" reklamo ni Zoe sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanfictionEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...