- Third Person POV
"Sehuuuuuun!! Eodiya?! Bogoshipo!!! Wae? Why did you do this to me?!!!"
Napaangat ang tingin ni Sehun sa balcony ng kwarto ni Zoe. He saw Jang there standing while crying. Parang pinipiga ang kanyang puso sa nakikita.
"Jang-ssi..." he whispered. Tumulo nalang bigla ang luha ng binata dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.
"Sehuuuuuun!! Saranghaeeee! Saranghaeyo!! Jeongmal saranghaeyo!! Saranghae!" umupo sa sahig si Jang habang iyak pa rin ito ng iyak.
Tuloy-tuloy na din ang patak ng mga luha ni Sehun. Gustong-gusto niyang puntahan si Jang at yakapin ito ng napakahigpit. He want to wipe away her tears. Ayaw niyang nakikitang umiiyak ang dalaga.
"Nado saranghae Jang-ssi. I really do," bulong niya bago siya tumalikod at naglakad na paalis. Baka kasi hindi niya na naman mapigilan ang sarili tulad ng nangyari dati. Mas lalo lang silang masasaktan pag ginawa niya yun. Akala niya kasi noon na magiging okay lang ang lahat. Akala niya na pag ginawa niya yun ay wala siyang pagsisisihan sa huli. But he was wrong after all. Sobrang nagsisisi ang binata ngayon. Sana pala tinuloy niya nalang ang paglayo sa dalaga noon. Hindi sana ito masasaktan ng ganito ngayon. Ayos lang naman kay Sehun kung sana siya nalang ang masaktan at magdusa wag lang si Jang. Kung sana hindi lang siya naunahan ni Hye Rin sa pagsabi ng totoo kay Jang. Pero hindi din naman siya galit sa kaibigan ni Irene because in the first place, all that happened was his fault. He's the one who lied. He have no right to blame others for all the sins that he committed.
Sehun knew when and what time ang flight nina Jang pauwi ng Pilipinas so the next day, hinintay ni Sehun ang dalawa sa labas ng hotel at sinundan ito papuntang airport dahil gusto niyang makita si Jang sa huling pagkakataon kahit sa malayo lamang. Nang kumain muna si Jang at Zoe sa isang resto malapit sa airport, nasa labas lang si Sehun habang tinitignan silang dalawa. Mukha na siyang stalker sa kanyang ginagawa. Hindi nagtagal ay nakita nga siya ni Jang sa labas kaya't agad na nagtago ang binata sa likod ng puno nung inalis saglit ng dalaga ang paningin sa kanyang kinaroroonan. Akala ni Jang na nagmamalik-mata lang siya dahil hindi niya na nakita ulit si Sehun.
Umalis na din agad si Sehun doon. Nung pabalik na siya sa hotel ay biglang tumawag sa kanya si Irene. Nasa isip niya na baka sinumbong na siya ni Hye Rin kay Irene kaya hindi niya sinagot ang tawag ng dalaga dahil alam niyang mag-aaway lang din sila. Ayaw niya muna ng gulo.
Tatlong beses tumawag si Irene but he ignored it hanggang sa may natanggap siyang mensahe na siyang nagpalakas ng tibok ng kanyang puso.
지현 엄마
Answer your phone! Ji Hyun's life is in danger!Nanginig ang mga kamay ng binata. Hindi niya na hinintay na tumawag ulit si Irene. Siya na mismo ang tumawag sa dalaga na agad namang sinagot nito.
"What do you mean? What happened?!" agad na tanong ni Sehun.
"Uri Jihyunnie..she's sick," umiiyak si Irene habang nagsasalita kaya hindi maintindihan ni Sehun ang kanyang mga sinasabi.

BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanfictionEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...