Chapter Twenty Five - Home

16 5 0
                                    

- Jang's POV



Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sobrang sakit nito.

Dahan-dahan akong bumangon. Inalala ko kung anong nangyari kahapon. At nang maalala ko na lahat ng nangyari, parang pinupulupot na naman ang puso ko.

Gusto ko na namang umiyak. Gusto kong magwala. Hindi ko na alam anong gagawin ko.

Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa sakit. Huling naalala ko kagabi ay pumunta ako sa kwarto ni Zoe tapos nakipag-inuman ako sa kanya. Tapos sinabi ko sa kanya yung nangyari. Tapos...Tapos...hindi ko na maalala.

Tinignan ko ang paligid. Nasa kwarto ako ni Zoe. Sa kama niya din ako natulog at ibang damit na yung suot ko. Ano bang nangyari kagabi?

Ito na ba yung sinasabi nilang magkaka-amnesia ka nalang kinabukasan dahil sa sobrang kalasingan? First time ko pa kasing uminom ng marami kagabi. At hindi ko din alam ilang cans yung nainom ko.


Paano kung may ginawa akong kabaliwan kagabi? Aish!! Ayoko nang maalala kung ganun nga.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Zoe.

"Gising ka na pala," sambit nito saka lumapit sakin. "Kape ka muna," iniabot niya sakin ang dala-dala niyang kape bago ito umupo.

"Thank you," I smiled. "Zoe?"

"Hmmm?"

"Anong nangyari kagabi?" tanong ko sa kanya.

"Wala kang maalala?"

I nodded.

"Pft! Gusto mo bang ipaalala ko sayo? Baka magsisi kang tinanong mo pa kung anong nangyari kagabi. Alam mo, advice ko sayo wag ka na uminom ulit," she said while grinning. Mas lalo lang tuloy akong na-curious kung anong nangyari kagabi.

"Huh? Bakit ano bang nangyari kagabi?"

"Hmmm.. Ganito kasi yun~"



- Flashback (Last Night) -

- Zoe's POV


"Inom pa tayo! Inom pa! Hahaha!" kumuha ng isa pang can ng beer si Jang kaya binawi ko ito mula sa kanya. Tatlong cans palang yung nainom niya pero ito ang lakas na ng tama.

"Ya! Bakit mo binawi?! Akin na.. Kinayan Zoe!!" pilit niyang binabawi sakin yung beer.

"Tama na Jang.. Lasing kana."

"Ako? Lashing? Hahaha. Ani~ Andwaeee~ " she whined. Okay? para siyang bata.

Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon