- Jang's POV
Buti nalang at nasa loob lang pala kami ng resort kaya hindi na ako nahirapang makabalik sa guesthouse. Agad kong nilock ang pinto nang makapasok ako sa aking kwarto.
"A-anong ginawa ko?! I..I rejected him? Ako? Nireject ang isang OH SEHUN?! Michyeoseo?!! Ahhhh!!!!" napaupo nalang ako sa sahig habang ginugulo ang buhok ko. I'm so shameless. WAAAAAAH~!
Napaangat ang tingin ko sa kama. Nakita ko doon ang bag na dala ko kanina. Naiwan ko 'to sa van na kumuha sakin. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Zoe.
"Hello?"
"Zoe!! Eotteoke~?!" I whined.
"Why? What's wrong? May nangyari na naman ba sayo?" tanong niya.
"Zoe!!! Hulaan mo anong ginawa ko! Huhu..."
"Ano?"
"I REJECTED SEHUN!!" agad akong napatakip ng bibig dahil napalakas ata ang boses ko. Lagot na kung may makarinig sakin baka sabihin nilang assuming ako.
"Wait! Diba ilang araw mo na siyang nirereject like pinagtatabuyan mo kaya siya palayo. Bakit parang bigla nalang atang naging big deal sayo yun? Di kita G. Saka may pahula-hula kapang nalalaman dyan. Ang OA mo teh ha?" sambit ni Zoe.
"Hindi Zoe! Iba 'to ngayon....I mean basta!"
"Why? Did he asked you out this time?"
"Parang ganon na nga. He confessed to me and asked for another chance....." kinwento ko kay Zoe lahat ng nangyari kanina at tungkol don sa ginawa ni Mr. Mendoza cause he betrayed me! Huhu >< di charoot lang.
"Ayiiieeee! Talaga? Kinantahan ka niya? Awwe, how romantic naman. Haba ng hair ni manang," komento niya.
"So kinikilig ka pa talaga dyan? Akala ko ba ayaw mo sa kanya?"
"Kinikilig lang naman ako sa ginawa niya ito naman. Saka akala ko ba pagkatapos nung ano December 8 bibitaw ka na talaga? Bakit parang nanghihinayang ka pa ata dyan na nireject mo siya?"
"Hindi naman sa nanghihinayang. Actually Zoe di ko pa pala naikukwento sayo. Last night kasi, nakausap ko si Sehun. And....he told me what really happened two years ago....." kinwento ko naman sa kanya lahat ng napag-usapan namin ni Sehun kagabi at sobrang nagulat si Zoe nang malaman ang tungkol kina Jimyeon at Irene.
"Wow!! I can't believe this. So alam na ba ni Sehun yung tungkol sa inyo ni Jim?" she asked.

BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanfictionEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...