- Jang's POV
Malaki pala ang gusto niya ah? Hmmm!
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kakagising ko lang at dumiritso na agad ako dito sa banyo. Tulog pa ata si Sehun kasi di ko pa siya nakikitang lumabas ng kwarto.
Tinignan ko sa salamin yung dibdib ko. Hindi naman siya maliit ah. Di din masyadong malaki. Sakto lang. Naalala ko bigla yung kay Miranda. Nanlumo ako. Kalahati lang ata tong sakin sa kanya. Huhu!
Itinaas ko ang shirt ko bago ako nag-pose sa harap ng salamin. Hindi ko alam pang ilang pose na yung nagagawa ko nang biglang bumukas ang pinto.
Iniluwa nito si Sehun na parang na-istatwa habang nanlalaki ang mga mata, mas malaki pa sa mata ni D.O.. Umakyat lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko.
"Kyaaaaaaahhhh!"sigaw ko sabay talikod kaya dali-dali din nitong sinara ang pinto.
"M-mianhae," rinig kong sambit nito mula sa labas.
Hindi ako nakakibo. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang ang init ng mukha ko. Anong nakita niya? Hindi maaari. Nakakahiyaaaaa!! Uggggh!!
Napaupo ako sa sahig habang sumisipa sa hangin. Hiya, inis, at pagkadismaya yung nararamdaman ko ngayon. Kainis! Kainis! Ahhhhhhhh!!!!! Bakit ba kasi hindi ko ni-lock yung pinto????!!!! URRRRGHHHHHHHH!
Nagpagulong-gulong ako sa sahig. Malinis naman dito kaya ayos lang. Saka maliligo din naman ako.
Putspaaaa! Sheeeeettttoooooo!
Di ko na kayang lumabas ng banyo. Ano kayang nasa isip ni Sehun? Bakit ba kasi isa lang ang banyo dito?! Aish!Ilang beses ko ng pinahiya ang sarili ko sa harap niya pero yung nangyari ngayon na ata ang pinakagrabe. Great! Just great.
After ng hindi ko alam ilang minutong lumipas na nakatulala ako ay tumayo na ako saka naghilamos ng mukha. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Sana kaya kong maging invisible para di niya na ako makita. =____=
Pagkatapos kong gawin yung business ko sa banyo ay lumabas na ako. Nakayuko lang ako dahil di ko talaga kayang tignan si Sehun. Pipihitin ko na sana yung knob para makapasok ako sa kwarto nang tawagin niya ako. Napapikit nalang ako. Akala ko matatakasan ko siya. Huhu!
"Jang-ssi, let's eat."
Nakatalikod pa rin ako mula sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang mga titig niya sa likod ko. Gustong-gusto ko nang lumubog sa lupa.
"M-mamaya na a-ako," pautal utal kong sagot.
"But we have a shoot today at 10 so kumain ka na din."
"B-busog pa ako," palusot ko.
"Ohh okay, I'll call Manager Hyung then."
"D-don't!!!" Napaharap ako sa kanya ng di oras. Wait, bakit ko ba siya pinigilan? Ano naman kung tawagan niya si Mr. Noh? Nababaliw ka na talaga Jang.
"Oh-kay? Halika na kasi."
I sighed in defeat. Lumapit nalang ako sa mesa't umupo sa harap niya. Tahimik lang ako habang kumakain kami. Wala na din naman siyang imik.
"I'm sorry," he suddenly blurted out kaya nabulunan ako dahil sa gulat. The eff! -__-
Inabotan niya ako ng isang basong tubig na agad ko namang ininom.

BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
Hayran KurguEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...