Chapter Forty Three - Piggy Back

5 1 0
                                    

- Jang's POV





"Hungry much?" biglang sambit ng isang gwapong unggoy na ngayo'y nakaupo na sa harapan ko. Ay wait! di pala siya gwapo! Duh.


Nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot kaya nabulunan ako. Ubo ako ng ubo na sinabayan pa ng puso kong sobrang bilis na naman kung makatibok. Bakit ba kasi nagiging abnormal 'tong puso ko pag nakikita ko si Sehun? Feeling ko aatakihin ako sa puso nito pag nagtagal. Buti nalang at natakpan ko agad ang bibig ko dahil kung hindi eh baka nagsiliparan na tong laman ng bibig ko papunta sa kanya.



"Here.." inabutan niya ako ng tubig na agad ko namang kinuha. Ayoko na maging choosy no. Kasalanan naman to ng unggoy na to kung ba't ako nasamid. Walang hiya talaga. Kaasar.


"You okay now?" tanong niya na naman ulit. Ang ingay naman ng lalaking 'to. Naririndi ako sa boses niya. Tsk!



Napadapo saglit ang tingin ko sa kanya. Nakangiti siya habang nakatingin sakin and sheet of paper, ang kyuuut niya! Huehue! Sige na! Gwapo na siya. Pagbigyan natin. Ngayon lang naman eh. Aigoo~ :>



Nang maikalma ko na ang sarili ko ay lumipat agad ako ng mesa. Nasa isang eat all you can restaurant kami ngayon dito sa resort. Dito ako kumakain pag gutom na gutom ako. Eat all you can eh so di ka talaga mabibitin. Masarap din lahat ng nga pagkain dito. Saka di ako nakuntento sa kinain kong noodles kanina kaya gutom na gutom ako ngayon. Nakita siguro ni Sehun na punong-puno ng pagkain 'tong pinggan ko kaya ganun siya kung makapag-react. Hungry much? Duh! Hungry much yung mukha niya. Kasalanan niya 'to kung bakit ako nagutom. Kaasar talaga. Dito na nga ako pumuwesto sa pinakadulo at pinakatagong mesa para di niya ako makita kaya lang nahanap pa rin ako ng asungot na 'to. Ibang klase.



Hindi na din naman ako ginulo ni Sehun kaya binilisan ko nang nguyain yung pagkain para maubos na't makabalik na ako sa kwarto. At nang maubos ko na nga lahat ay lumapit na ako sa counter para magbayad.



"Bayad po," sabi ko sa babaeng nagbabantay sabay abot ng pera kaya lang di niya ito tinanggap.


"Bayad na po yung sa inyo Maam," sagot niya habang nakangiti.


"Pero di pa po ako nagbabayad..."


"Binayaran na po nung kasama niyong lalaki ma'am."


"Kasama? Wala naman akong kasama..."


"Sabi niya po kasi magkasama kayo ma'am. Yung lalaking maputi po tapos matangkad at gwapo. Koreano po ata yun."


Napabuntong-hininga nalang ako nang makilala ko ang tinutukoy niya.



"Sige. Thank you po," nginitian ko ang babae bago ako naglakad pabalik kay Sehun. Agad kong inilapag sa mesa na inuupuan niya ang isang 500 peso bill sabay lakad paalis. Bakit niya ba ginagawa 'to? Para magkautang na loob ako sa kanya? Nah, thanks but no thanks.

Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon