- Jang's POV
"Jang ready kana?" tanong ni Zoe sakin nang makapasok ito sa kwarto ko.
"Malapit na," sagot ko sa kanya bago naglagay ng lipstick.
Tatlong araw na ang lumipas simula nung Birthday ko. Tatlong araw ko na ding hindi nakikita si Sehun. Sa loob ng tatlong araw na yun, wala man lang siyang paramdam sakin. Ewan ko nga kung anong nangyari sa kanya. Last text na natanggap ko mula sa kanya ay nung gabing iniwan niya nalang ako bigla sa kwarto. Nung nakaalis na siya, nagtext ako agad sa kanya nun.
• FLASHBACK •
Naiwan akong tulala sa kwarto. Bigla nalang naging cold si Sehun.
May nagawa ba akong mali? Galit ba siya sakin? May problema ba siya?
Ang daming tanong na pumasok sa isip ko. Kinuha ko nalang yung phone ko saka tinext ko siya.
"Oppa? Are you alright? Are you mad at me?"
After kong ma-send iyon ay nag log-in ako sa Facebook. Ang dami nang bumati sakin. Mga kaibigan ko, kasamahan sa trabaho, pinsan, at syempre di mawawala yung pamilya ko. Ngunit wala akong natanggap mula kay Jim. Alam kong galit yun sakin :(
I dialed his number but unattended yung phone niya. Ugh!
Bigla namang nag-vibrate yung phone ko. May message ako galing kay Sehun.
"Aniyo."
Yan lang ang nireply niya. Ang tipid naman kung magtext -__- Tss whatever.
"I thought you're mad at me. :<
Anyways, thanks again for earlier. Saranghaeyo oppa ❤"After 10 minutes ay nagreply din ito.
"Don't say that word to me. Say that to the person whom you love truly. I know you're just infatuated by me coz I'm your bias. And I know that you only like me bilang isang member ng EXO na iniidolo mo at hindi bilang ako. That isn't true love Jang-ssi. So stop this nonsense."
Ouch! Ang sakit naman nun. Ganun na ba talaga ang tingin niya sakin? Sa tingin niya pipiliin ko siya kesa kay Jimyeon kung di totoo 'tong nararamdaman ko?I tried calling him but ayaw niyang sagutin. Ugh! Tinadtad ko nalang siya ng mensahe. Tsk.
- End of FLASHBACK -
So ayun na yung huli niyang text sakin. Kainis lang. Bigla-bigla nalang siyang nagbago. Mamaya lang talaga't makita ko siya. Lagot talaga sakin yung lalaking yun. Tsk!
"Tapos ka na ba?" tanong ulit ni Zoe sakin. Tumango lang ako't kinuha ko na ang bag ko.
"Let's go?" aya ko sa kanya saka lumabas na ng kwarto.
Papunta pala kami dun sa company ng Magazine na pinag-shootingan namin. Mag-c-celebrate daw ngayon dahil naging successful yung shoot.

BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanficEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...