Simula
"Totoo ba talaga 'to?" bulong ko habang nakatingin sa marriage contract na nasa harap. This papers couldn't be fraud, right? Ofcourse not, dahil may magaganap talagang hindi maganda kapag inisahan nila kami.
But do I even want this marriage?
Pinahiran ko ang namumuong pawis sa noo ko at nag angat ng tingin. Jusmiyo!Ba't ba ako kakabahan eh hanggang sa papel ko lang naman siya magiging asawa?
Pwede namang magpatuloy pa rin siya sa mga personal na gawain niya sa buhay na para bang wala ako at ganoon din ako sa kaniya. Papakasalan ko lang naman siya dahil kailangan namin ang suporta nila. Napatango tango na lamang ako habang kinukumbinsi ang sarili.
Apat na tao lang kami dito. Ang huwes, ako, ang papakasalan ko at ang tagapagsalita nito. Lahat sila ay nakatingin sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang habang paulit-ulit na binasa ang kontrata. Nanlalamig ang kamay ko at hindi mapigilan itong manginig habang nakahawal sa ballpen.
'Feeling mo naman luging lugi ka? Ang gwapo ng magiging asawa mo! Tignan mo. Ang makapal niyang kilay, ang mata na parang nakatingin ka sa malawak na palayan, ang napakatangos na ilong, ang maladugong labi. Choosy ka pa? Umapela naman ang isang bahagi ng utak ko sa pagdadalawang isip ko.
'Hindi. Hindi 'to joke time, Louie! Tignan mo. Gwapo nga arrogante naman. 'Yung walang ekspresyon niyang mukha, nakakatakot. Basta. Nakakatakot lahat ng nakapalibot sa kaniya! kontra naman ng isa.
Tangina. Nababaliw na yata ako sa kakausap sa sarili ko.
"Wala na ba talagang ibang paraan?" gusto kong itanong sa kanila pero hindi ko magawa dahil ito lang naman ang tanging paraan na masesecure ang pagbangon namin at wala nang iba.
Akala ko joke lang iyong mga napapanood ko na kailangan silang magpakasal para magkasundo o ano. Pero ayon kay Master Club, may explanation naman iyon.
Philippines is one of the few countries in the world which did not agree to Divorce, so the most sacred process that two parties can do to secure a contract or an alliance is through marriage. Para kapag daw nagka aberya o kung may mangyari man, deretso demandahan ba?
According to what I have researched, it takes 2-4 years of a marriage to be annulled, if the other party does not object to the idea. So ang ibig sabihin noon, ay mas tatagal pa ang proseso kung sakaling hindi papayag ang kabilang partido. And it costs Php 200,000- Php 500,000 to do it. I mean, kaya ko namang pag-ipunan iyon.
Kakayanin.
"May gusto ka bang sabihin, Ms. Montero?" tanong ng tagapagsalita niya.
Umangat ang isang kilay ng lalaki na para bang nawawalan na ng pasensya sa tagal kong pirmahan ang kontrata. Hindi ako sumagot, bagkus ay muling tinitigan ang nakahain na kontrata sa harap.
"Are you going to sign the contract, Ms. Montero? The boss is waiting."
Tinignan ko ito at binigyan ng matalim na titig. Eh kung bugbugin kitang punyeta ka? Huminga ako ng malalim at busangot ang mukha na napagdesisyunan na pumirma na. Kaya ko 'to. Kakayanin para sa organisasyon namin.
Sa bawat tinta na lumalabas sa ballpen ay ang pagguhit ng tadhana ko sa papel na ito. Ito ang unang pagkakataon na nakatingin ako sa pirma ko na puno ng takot at kaba.
Maari ngang ituring ko ang kasal na ito na parang wala lang pero papayag kaya ang lalaking ito? Nakita ko ang paghinga nang malalim ng tagapagsalita nang makita na pinirmahan ko na ang kontrata.
"Ms. Montero, we are not the one's that will benefit from this contract but your organization."
Oo na alam ko, hindi ako bobo. Nagmomoment lang sa mga nalalabing oras na single pa ako. I will miss checking single as my civil status in paperworks. Huhu. Naalis lamang ang tingin ko sa mga papeles nang magsalita ang huwes.
"As the contract was signed with the both of you, I will now announce Mr. Iverson Jade McGregor and Ms. Nemesis Louie Montero as husband and wife!Congratulations!" wika ng judge at inabot ang kamay nya para makipag kamay.
Aabutin ko sana ang kamay niya nang may biglang tumikhim. Tumayo ito at siya ang nakipagkamay sa huwes. Sa marahan niyang pagtayo ay binigyan niya ng isang nakakatakot at malamig na ngiti ang huwes.
Kahit ako ay may kabang nararamdaman sa ngiti niya. Shit. Para siyang isang napakalaking karatula na may nakasulat na 'BABALA'.
Matapos siyang makipagkamay ay tinignan niya ako kaya napaatras ako sa kinauupuan ko at gulat siyang tinignan. Bigla siyang naglakad palapit sa akin kaya magkahalong gulat at takot ang naramdaman ko nang kinuha niya ang kamay ko.
Akmang huhugutin niya ang singsing na nakalagay doon nang mabilis ko itong inilayo sa kaniya.
Ang purity ring!
"H-hindi mo pwedeng kunin 'yan!" halos mapasigaw ako sa gulat. Sinalubong ko ang matalim niyang tingin. Kinuha niya ulit ang kamay ko at nataranta ako.
"Anong g-gawin mo? Hindi mo pwedeng kunin 'yan sabi eh!" giit ko rito pero hindi niya ako pinansin at patuloy na kinuha ito.
Ano ba? Baka iisipin ng judge na nag ano na kami kahit hindi pa kami kasal, ah? I don't do premarital sex!
To the highest level ang pagkabingi, ano? At kinuha talaga!
"Do you want the whole world to know that you're still pure?" malamig niyang tanong at mariin akong tinitigan.
Naipilig ko ang ulo ko. Is there something wrong with that? What the hell?!
"Anong paki mo?"
Kinilabutan ako nang makita ko ang pagguhit ng nakakalokong ngiti sa labi niya.
"I don't want idiots to target my wife of their unholy thoughts just because she is displaying her purity to the universe."
Natahimik ako sa sinabi niya. Is it really evident that this is a purity ring?
Magrerebelde pa sana ako kaya lang naisip ko kung ano pa ang silbi ng misyong ito at ipinadala ako. Parang barter lang. Ang kapalit ng tulong nila ay ako. Napabuntong hininga ako sa sobrang inis.
I guessed I have to forget about my free will from this moment on, right?
Marami pa namang ibang magandang assassin bukod sa akin. Bakit ako pa?
Pinalitan nya ito ng isang singsing na may napakaraming nagkikislapang mamahaling mga bato. Magsisinungaling lang ako kung sasabihin kong hindi ito maganda. Mas maganda nga ito sa dating singsing ko.
"You should put it on me also," utos pa niya at inilabas ang isa pang singsing na katulad nang sa akin. Ngumuso ako at kunot ang noo na isinuot ito sa kaniya. Nakaluhod siya sa harap ko kaya mabilis ko itong naisuot sa daliri niya.
Habang ginagawa ko iyon ay nakayuko ako kaya hindi ko alam na nakatitig pala siya sa akin. Our eyes met kaya sinungitan ko siya. Itinulak ko ang kamay niya na para bang sinesenyasan siya na umalis na sa harapan ko pero kabaliktaran ang ginawa niya.
Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko na halos gahibla nalang ang layo. Ang kamay ko naman ay awtomatikong napataas para itulak siya pero mukhang napaghandaan na niya na gagawin ko iyon at nahuli niya ang kamay ko. Ang bilis ng reflexes niya!
Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang malambot niyang labi. Nakaramdam ako ng pangingisay dahil parang may kuryente na dumaloy mula sa katawan niya patungo sa akin.
Habang nawawala ako sa pokus ay pinalaliman niya ang halik niya. Sinubukan kong magpumiglas na umasang makakatulong iyon pero pinapalala ko lang yata ang sitwasyon.
Hinigpitan niya ang hawak sa dalawa kong kamay gamit ang isa niyang kamay at ang isa pa ay nakahawak naman sa batok ko. Hindi ko mapigilan ang mapadaing sa sakit nang kagatin niya ang labi ko para pilitin itong buksan.
What the hell?!
Mas lalo akong nahiya at pinamulahan ng pisngi nang marinig na nagtikhiman ang dalawang nalalabing tao sa silid pero mukhang wala lang iyon sakaniya. Nasa akin ang buong atensyon nito
"A man shouldn't forget to kiss his bride," bulong niya sa akin habang sabay naming hinahabol ang hininga.
Nanghihinang napasandal ako sa inuupuan ko pero nanatili ang talim ng tingin ko sa kaniya na nakangising nakatayo sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
AkcjaNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...