Chapter 19
Nang makasakay na ako sa sasakyan ni Iverson ay tahimik lang kaming dalawa. Walang ni isa ang nagsalita at sa sobrang tahimik ay nakakabingi na ito.
Napasulyap ako sa madilim nitong mukha at napagtanto na mukhang galit nga talaga siya. Kasi naman eh. Papetiks petiks kasi ang guard doon kanina kaya nakalabas kami. Matatawag bang emergency iyong pagpunta namin doon?
Sa sobrang boring ay kinuha ko nalang ang cellphone ko sa bulsa. Nagulat ako ng may 34 missed calls doon na galing sa telephone number ng organisasyon namin. Ba't hindi nalang niya kaya ako tinext dahil hindi ko naman nasagot ang tawag niya?
Nagkibit balikat nalang ako at ibinalik ito sa bulsa saka sumandal sa headrest ng inuupuan ko. Muli kong sinulyapan si Iverson at ganoon pa rin ang mukha nito, walang ipinagbago.
Napanguso ako at napaisip. Talaga bang kasalanan ko na 'yun ngayon? Hindi nga ako nagbasa ng manuals dahil bukod sa boring 'yun ay tinatamad din ako. Tapos hindi pa ako sumipot doon sa breakfast kuno namin. Oo na nga. Kasalanan ko na.
Ano namang gagawin ko? Ang pahupain ang galit nya? Oh tapos? Paano kung matagal matapos ang galit nya? Edi hindi rin kami magpapansinan? Kinginang buhay naman 'to oh.
Napakamot nalang ako sa ulo ko sa kakaisip kung paano gawin 'to. Hay!Pahamak din 'tong si Louige eh.
Naaalala ko si Louige tapos naaalala ko rin ang pamilya ko. Kamusta na kaya sina lolo't lola 'no? Eh si mama kaya? Kahit na ano pang gawin ko ay hindi ko maitatangging namimiss ko rin sila. Kahit na itinaboy at iniwan nila ako.
Ang daya nga eh. Ako lang 'yung nakakamiss sa kanila tapos sila, tinanggal na ako sa buhay nila.
Madali at mabilis naman akong kalimutan. Lalo na noon na napakahina ko at napakatanga. Marami akong matatapang na pinsan na bagay sa hinahanap nilang magmamana ng organisasyon nila. Alam ko na malapit na rin magretire si lolo. Matagal na naman sanang magreretire si lolo kaso dahil namatay si papa ay wala na siyang pagmamanahan.
Si papa lang kasi ang lalaki sa lahat ng mga kapatid niya tapos walang tiwala si lolo sa mga babae. My lolo is a chauvinistic person. Naniniwala pa rin siya na mas malakas at matapang ang mga lalaki. Bukod sa puro mga babae ito ay wala din naman silang interes sa pagmamana nito.
Pero kahit na ganoon ay ang mga asawa nila ay may mga ranggo rin sa underground society. Kadalasan sa mga tiyuhin ko ay mga lider dahil 'yun ang gusto ni lolo. Para siyang si Hitler. Siya ang masusunod sa lahat ng pagkakataon. Kaya mas lalong hindi madali sa akin na makapatapak at makapasok muli sa pamilya namin.
Kaya ayaw ko talagang bumalik dito sa Pinas. Ayaw kong makatagpo ni isa sa kanila pero nagkita naman kami ni Louige. Hindi ko naman kasi alam na roon pala siya nag aaral. Inaasahan ko nang doon din sila mag aaral sa Kuro Shiro Academy lalo na't doon naman nag-aaral lahat ng pinsan namin.
Sa lahat ng pinsan namin, si Hades lang ang siyang tanging pinsan ko na may koneksyon sa akin hanggang ngayon. Siya naman kasi ang namamahala sa kompanya ko ngayon sa Japan.
"Eros Louige Montero III and Aeson Loujinnian Montero are your siblings, right?" bigla ay natanong ni Iverson.
Hindi ako sumagot at bagkus ay nanatiling tahimik. Hindi na ako magtataka kung malalaman man niya ang totoo. Marami siyang koneksyon at maalam siya sa pag hahack ng mga impormasyon. Higit pa diyan ay estudyante rin ng West Cannon ang mga kapatid ko.
"You are the Montero that the Kuro Shiro Org is haunting, right?" tanong uli niya. Hindi ako sumagot at tinaasan lang sya ng kilay.
"Secret," sagot ko at binigyan naman niya ako ng matalim na tingin. Mas tumaas pa ang kilay ko.
Ang pangalan ng organisasyon ng mga Montero ay Kuro Shiro, that's an ancient name. It means, black and white or dark and light. Kaya iyon ang ipingalan ng mga ninuno namin dahil naniniwala silang may dalawang panig lang dito sa underworld. The good and the bad deeds.
"Bakit? Marami ka rin namang sekreto, ah?" buwelta ko pa. Isang ideya naman ang pumasok sa isipan ko.
"Sasabihin ko sayo ang totoo tapos sabihin mo rin sa akin ang dahilan kung bakit kayo nag away ni Ivronsen?" pakikipag deal ko pa. Akala niya siguro ay nakalimutan ko na ang sinabi ng madaldal niyang sekretarya, ah. Nasa kukote ko na lahat iyon!
Sumimangot lamang ito at hindi ako sinagot. Edi bahala siya. Walang libre sa akin.
Ilang oras pa ang tiniis ko bago kami nakarating sa parking lot. Pasado alas sais na kami bumyahe kaya alas nuebe na kami nakarating sa akademya. Hindi ko alam kung anong meron pero may masama akong kutob habang pababa na ako ng kotse.
Para kasing may mabigat na puwersa sa parking lot. Isang pamilyar na presensya. At umaasa ako na sana mali ang kutob ko ngayon. Naku naman. Ayoko na pong madagdagan ang kasalanan ko sa McGregor na 'to!
Nauna akong maglakad kay Iverson na tahimik namang nakasunod sa likod ko. Patingin tingin ako sa paligid na para bang may papatay sa akin. Mukhang bad news 'yung tawag ni Shane ah.
Nang paliko na kami papunta sa dorm ko ay halos mapatili ako sa gulat nang may humablot sa kamay ko at napatama ako sa matigas na dibdib nito. Agad na rumehistro sa ilong ko ang pabango nito. Titingala na sana ako ngunit napaatras ako nung isang kamao ang lumanding sa mukha ni Spade.
I gasped and cursed under my breath. What a timing, Spade. Masama pa naman ang timpla ni Iverson ngayon. Napakamot na lamang ako sa noo ko at nag isip ng paraan para maawat sila. Inis akong nagpapadyak habang tinignan si Spade na lumalaban sa malalakas na suntok ni Iverson.
Bakit naman ngayon pa, boss? Naman oh!
Hindi na ako nagdalawang isip nang patamaan ko ng malakas si Iverson sa batok. Nawalan ito ng balanse at napasandal sa pader. Nakita kong namutla siya, nilalabanan ang antok na nararamdaman. Akmang susugod si Spade kaya sinipa ko ang likod ng tuhod niya. Napaluhod siya at muntik nang sumubsob sa lupa.
"Fuck," daing ni Iverson. Nalakasan talaga yata ng pwersa.
Pinagpagan ko ang uniform ko at inayos ang nagulong buhok. Spade lowered his body down and looked for his eyeglasses which was thrown due to the impact.
Napabuntong hininga ako at binigay sa kaniya ang eyeglasses niya.
Sandali nilang inayos ang sarili nila bago nagtagisan na naman ng mga tingin. Pumagitna ako sa kanila saka ko hinila doon sa may gilid si Spade. May dugo na sa gilid ng labi nito at magulo ang kulay brown niyang buhok.
"Boss, ano namang ginagawa mo dito?" mahina kong bulong sa kaniya.
Bumuntong hininga siya at inayos uli ang suit niyang nagusot. Sa porma niya ay parang kakatapos lang niya sa trabaho at mukhang dumeretso na talaga dito sa Pinas. Ang mukha niya'y makaklaro ang pagod at pangungulila. Ang mga mata niya nama'y nangungusap para hindi ko siya paalisin.
"I am missing you. Can't I visit you?"mahina ring sagot niya pero sapat na marinig ni Iverson na madilim nakatingin sa amin sa hindi kalayuan. Napalunok ako habang napabalik balik ang tingin sa kanilang dalawa.
"Pero boss, mas mabuti pang umuwi ka nang Japan para naman mabisita mo si Ace. Namimiss kana nu'n, boss. May lagnat pa iyon noong nakaraan ," pangungumbinsi ko sa kaniya pero umiling siya. Inilagay niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Please just go home with me, Nemesis. I will do everything to vouch this mission."
Nag iwas ako ng tingin kay Spade. Alam kong hindi ko na mababawi ang mission na 'to.
Ano bang ginawa ko noon sa buhay ko at bakit biniyayaan ako ng napakaraming gwapong lalaki ngayon? At sa sobrang dami nila, ang gulo na! Akala niyo masaya ang ganito? Hindi! Masakit sila sa ulo!
"I am planning to stay here in the Philippines to rest, Louie. Can you take care of me? Please?"
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...