Chapter 4

63.7K 1.7K 60
                                    

Chapter 4

   Kumakabog pa rin ang puso ko kahit na nasa loob na kami ng campus kaya tahimik ko itong pinapakalma. Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami patungo sa stock room para daw maadjust 'yung uniform ko.

    Masyado na raw kasing alanganin kapag magpapatahi pa uli siya ngayon kaya ito nalang daw muna ang suotin ko dahil magpapatahi siya nang bago bukas.

    Talaga namang napakalaki ng paaralang ito. Pagpasok pa lang namin ay tumambad na ang malaking fountain at ang rebulto ng isang phoenix  sa pinakagitna ng school ground na siyang sumisimbolo sa paaralang ito. Sa magkabilang gilid naman ay ang mga gusali na naglalakihan.

   Ang akademya na ito ay binubuo ng dalawang campus: ang highschool at ang college. May tig pipito lamang na section kada year level. Hindi rin kasi madaling makapasok sa prestihiyosong paaralan na ito. Pahirapan lahat lalo na't karamihan sa mga nag aaral dito ay anak ng mga assassin, pamilya ng mafia at ang mga nakakatataas sa lipunan na nangangailangan ng proteksyon.

   Ang paaralang ito ay hindi lang magaling sa pagtuturo ng mga aralin kundi sa pagtuturo rin ng ibat-ibang martial arts. Ang paaralan ding ito ay hindi saklaw ng gobyerno lalo na't may ilegal na ginagawa ang paaralang ito tulad ng pagtuturo ng paggamit ng baril at iba pang mga sandata sa mga kabataan.

   Ayon sa pasok sa kaalaman ko, hindi lamang nag iisa ang paaralang may ganitong sistema sa Pilipinas, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Kaya masasabi ko na hindi simple ang pamumuhay ng mga mag aaral dito. Marami na rin akong napagdaan sa dati kong paaralan sa Japan.

"Go inside. I'll wait here," huminto si McGregor sa harap ng isang pintuan. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami dahil sa pagkawili ko sa pagmasid sa akademya.

    Hindi naman naging mahirap para ayusin ang uniporme ko kaya madali lamang natapos. Makalipas ang ilang minuto ay parang lumuwang na ang uniform. Nakahinga na rin ako nang maluwag sa wakas.

   Though the uniform was fixed, he still told the seamstress to make me a uniform with my size.

   Lumabas na agad ako pagkatapos. Automatiko namang dumantay ang tingin nito sa gawing dibdib ko. Napairap na lamang ako. Tumaas baba ang dalawa niyang kilay na para bang sinasabi niya na maayos na.

"I'll bring you to your room. I'll go to your classroom after your class so we could have lunch together," sabi niya habang nakahawak muli sa kamay ko. Taking advantage of the situation, huh? Wala pang nakakaganito sa'kin, swerte niya't siya ang naka una.

    Hindi ko alam kung wala lang talaga siyang tiwalang iwanan akong mag-isa kaya palagi siyang nakabuntot o may iba pang dahilan.

"Huwag ka nang pumunta sa classroom ko, McGregor. Baka katayin ako ng mga fans mo. Kaya kong kumain mag-isa," pagtanggi ko.

   Totoo, maraming fans club yan dito na nababaliw na. Halimbawa, kapag may nalilink na babae sa kaniya ay kinukuyog ng mga fans. Ang huling naitala na halos mamatay sa bugbog ay nung last school year, isang third year college na med student na di umano'y karelasyon niya.

"They won't," tipid nitong sagot. Napanguso ako at napairap. Sumulyap naman siya sa akin at humalakhak.

"Stop pouting."

"Tss."

   Nang makarating kami sa classroom ay medyo may tao na. Puro lalaki ang naroon na kapwa nag uusap.

"This is your room. Section Alpha. There's your sched in your bag and I have a duplicate of it."

"Bakit kailangan mo pa ng duplicate ng schedule ko?" nakataas kilay kong tanong. Confirmed. Wala nga itong tiwala sa akin. Pero wala pa naman akong planong sumibat. Medyo nag eenjoy pa ako dito.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon