Chapter 66
Ilang linggo na rin mula noong nag date kami ni Iverson. Ang pangamba ko ay mas lumalalim na dahil halos gabi gabi ay ginagambala na ako ng mga gustong pumatay sa akin. Walang tigil, hindi ko alam kung tinatakot pa ba ako sa lagay na ito o papatayin na ba talaga ako.
Wala pa ring ipinagbago sa trato sa akin sa mama ni Iverson. Malamig pa rin ang pakikitungo niya sa hindi malamang dahilan. Palagi akong pinipikon at tinitira pero hindi ko nalang pinoproblema dahil may mas malaki pa akong problema na kinakaharap.
"What? You're still keeping that woman?For what, Iverson?! Pati tayo ay naaabala na sa mga gustong pumatay sa kaniya! It's her problem and she should face it. Bakit kailangan pang makialam ng organisasyon natin? Stop protecting her already! Nadadamay na ang organisasyon natin dahil sa babaeng iyon!"
Isang araw ay narinig ko ang usapan ng mag-ina. Plano ko kasi sanang magpaalam kay Iverson na lalabas muna kami ni Ace dahil alam kong nababagot na ito kahit na hindi siya nagsasabi.
"Mom, I know what I'm doing, okay? You don't have to stress yourself about this."
"Our organization is receiving almost a hundred of different death threats everyday! All from different organizations we have partnered before."
"I don't care-"
Napaatras na ako nang marinig ang usapan nila. Napailing ako at mabigat ang paa na bumalik sa daan ko. Pati sa organisasyon namin ay magulo ngayon. Araw-araw din ang death threats doon. Galing sa mga Montero lahat. Kaya naman abalang abala sina Shane, Genessa, Andrei at Hans ngayon. Wala pa rin akong nakukuhang balita galing kay Spade.
"Ace, where do you want to go?" nakangiting tanong ko dito, pilit na isinasawalang bahala ang mga bumabagabag sa akin.
"Anywhere, mom. As long as I'm with you."
Saglit muna akong dumaan sa locker ko dahil may kinuha ako doon. Walang klase ngayon dahil Sabado.
Habang may kinukuha ako sa loob ay may bumangga sa aking bata kaya muntikan na akong matumba kung hindi lang ako nakakapit. Nagulat ako na may bata dahil hindi naman pwedeng makarating dito ang nasa primary campus. Pwera nalang kung tumakas ito na labag naman sa batas ng WCA. Sa tingin ko ay nasa edad labing apat lang ito. Nakayuko kasi ito kaya hindi ko makita ang mukha.
"Mom, are you okay?" agad na dinaluhan ako ni Ace. Tumango ako at lalapitan na sana ang bata nang nag-angat siya ng ulo at sumalubong sa akin ang matalim niyang tingin.
Napaatras ako nang makilala ito. Ang singkit at kulay lila nitong mata, ang matangos na ilong at kulay itim na buhok ay kilalang kilala ko. Nagulat ako nang bigla niya akong itinulak ng malakas kaya nabangga ako sa locker.
"Aeson!"
"Oh? I'm surprised that you still know me, my killer sister," nakangising saad niya. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon.
"I finally saw you, Nemesis Louie. Should I put 'Montero' in your last name also?Won't it be too disgusting?"
Lumapit siya sa akin at malakas na idiniin ako sa locker. Ni hindi ko magawang makalaban sa kaniya dahil sa gulat.
"What the fucking fuck are you doing to my mom?!"
Sinubukang itinulak ni Ace si Aeson pero dahil bata pa lang siya ay hindi niya nagawa. Tinignan ng masama ng kapatid ko si Ace at itinulak ito.
"Huwag kang makisali dito, bata."
Nag-apoy ang mata ni Ace at sa hindi ko pa pagkabawi sa gulat ay hindi ako agad nakagalaw nang hugutin ni Ace ang throwing knife sa bulsa niya at tutukan si Aeson.
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...