Chapter 64
"Boss, ano bang plano mo sa mga Montero?"
Nanatili akong nakapikit kahit na sa tanong ni Andrei. Hindi ako pinapasok ni Iverson ngayon kaya heto ako at nakaupo lang sa sofa. Kakarating lang rin kasi nina Genessa at nalaman nila ang nangyari.
"Tsk. Mukhang hindi na biro iyan," muling saad ni Andrei. Sino ba kasing may sabing biro iyon?
Hindi biro ang pagbintangan kang pumatay ng sarili mong ama. Kahit na anong paliwanag pa ang gawin ko sa kanila ay hindi rin naman sila maniniwala. Kahit nga sarili kong kapatid at ina, napaniwala ng kung sino mang hayop ang pumatay kay papa, sina lolo at lola pa kaya na walang ibang ginawa kundi ang punain ang lahat ng kilos ko.
Ang linis linis naman kasi ng pagkakagawa. Kapani paniwala masyado. Baka nga kung baliw ako, naniwala na akong nagawa ko iyon. Oo, mamamatay tao ako pero hindi ko kayang pumatay ng mga kadugo ko, mas lalo si papa.
The murder of papa happened way back when killing was not yet part of my life. I was... was so innocent back then because I do not want to become like them. Pero anong nangyari? Humantong din ako sa pagpatay. Nadumihan pa rin ang kamay ko.
Could it be destiny? Maraming beses kong pinigilan na huwag pumatay. A lot of urges happened, when the enemies wanted to kill me but I remained a prey. I was the weakest back then because I cannot even pull the gun's trigger.
But what went wrong? It was when they killed papa, the only person who respected my decision to be not like them. I cannot be always weak if I wanted to protect my loved ones. Nandiyan pa ang mga kapatid ko, ang ina ko...
Napapikit ako nang mariin at minasahe ang ulo.
"Nagdadalawang isip ka pa bang kalabanin sila hanggang ngayon?" tuluyan nang bumuka ang mata ko sa tanong ni Genessa.
Ang mga mata niya'y parang alam na alam kung ano ang takbo ng utak ko.
"Dahil bukod sa labag iyan sa batas ng underworld, natatakot ka ring baka magkamali ka at isang Montero ang mapatay mo. Sure, that could be treason. Pero, Louie, they declared to be your enemies. They killed you multiple times. That's more than betrayal, that's more than treason!"
Nag iwas ako ng tingin sa sinabi nito at nanatiling tahimik.
"Hindi naman siguro ipapain ng mga Montero ang sarili nila, diba?"
"Hindi natin masasabi. May tendency kasi na mamaliitin nila si Louie. Wala naman silang alam sa pagiging assassin niya."
"Tanga rin ng mga Montero, 'no? Kadugo nila gaganonin nila?"
"Pero feeling ko, tatakutin lang si Louie. Alam natin ang kaisa-isahang batas ng underworld, diba? Biological Treason is prohibited."
Oo, bawal ang traydor sa underworld. Kung iniisip niyong walang batas, mayroon at iyon ang kaisa-isahang batas na mayroon ang underworld na nilagdaan ng lahat na kabilang sa samahan.
Sige, pulbusin mo na ang isang organisasyon, pumatay ka nang pumatay, gawin mo na lahat 'wag lang maganap ang trayduran sa isang organisasyon. Kalimitan sa mga kabisera sa isang organization ay mga magkadugo lang. Oo at hindi ako kabilang sa Montero clan sa ngayon pero hindi maitanggi ang pagiging Montero ko. I am still biologically a Montero.
Oo, wanted at blacklisted ako sa Montero clan pero hindi naman sila makakapagpasa ng petisyon sa namumuno ng underworld dahil walang sapat na ebidensya.
Sige at magpasa sila ng ebidensya, tingnan natin kung hindi malalaman ang tunay na suspek.
Hindi rin ang organisasyon ng mga McGregor, namin o ng mga Montero ang namumuno sa underworld. May tinatawag kaming Three Fires of Underworld o ang Tatlong Apoy, ang mga lider ng buong underworld. Hindi sila ang una pero nasa mga angkan nila ang founder ng Underworld.
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...