Chapter 96

26.2K 720 27
                                    

Chapter 96

"Apollo, do you think what you did was right?" sa wakas ay nagsalita ang asawa ni Apollo Zion Montero na si Zanaiah Emilia Rodriguez.

   The old man took a glance at his wife before drinking the wine. Mabigat ang loob na bumuntong hininga ang matanda. Napakagulo ng isip niya.

"Look, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. I was convinced with Cassandra's evidence."

   Hindi sumagot ang matanda at hinilot ang sintido niya. Gulong-gulo ang isip niya dahil siya mismo ay napaniwala ni Cassandra. The proof was too concrete for them to find loopholes. Hindi niya matukoy kung sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo.

   Even Samson's statements and evidences were too accurate. He was torn between who will he believe.

   Ilang araw na niyang kinokontak din si Samson pero hindi naman nito sinasagot ang mga tawag. Wala siyang update kung ano na ang nangyayari sa basement nila sa Pilipinas.

   Ang isa pang hindi niya maintindihan ay kung bakit tahasan na umatake ang The Angelus sa kanila. May hidwaan sila noon pero tapos na iyon at malinaw na ang magkabilaang panig. Wala kasi siyang alam na si Louie ay isang miyembro roon. Hindi rin niya alam na ikinulong din ni Samson ang anak ng isa sa mga master ng organisasyon na si Spade.

   Sa totoo lang ay wala na talaga siyang maintindihan.

    But it was too late. Inalarma na niya ang council ng Tatlong Apoy, telling them about the murder at bukas ay magaganap na ang execution ni Louie.

"Apollo, hindi pa natin tuwirang kilala ang apong nating iyon kaya mahirap para sa akin ang husgahan siya. That's also the reason why I keep myself quiet everytime that case was brought up-"

"Wala na tayong magagawa, Emilia. Kung tunay ngang hindi siya ang pumatay kay Eros ay magdasal nalang siya na lulutang ang tunay na may sala para mailigtas siya sa execution bukas," pagtatapos nito sa usapan.

    Napailing na lamang ang ginang habang tinitignan ang likuran ng asawa.

"We are sometimes unfair but not with justice. Justice will be served to those who deserved it."


     Dumating sina Louie sa Japan nang bandang madaling hapon. She was escorted directly to the Dungeon and was locked in there.
 
    The place was too dark and cold. Ni hindi pa siya tuluyang magaling ngunit heto na nama't masusubok na naman ang tatag ng resistensya niya. It was the winter season of Japan kaya nasa negative celsius na ang temperatura.

   Louie shivered when the cold slowly invaded her system. She clasped her palms and rubbed it to produce heat.

    Kailanman ay hindi pumasok sa isip niya na masusubukan niyang makulong sa bantog na Dungeon na ito, ang kulungan ng mga traydor. Hindi niya rin inakala na dadating ang araw na madadakip nga siya at papatayin sa harap ng napakaraming tao.

   Everything just happened in a blink of an eye. Parang kailan lang ay ipinadala lang siya ng mga legendary masters para sa isang misyon. And then throughout the mission, nakilala niya ang kambal na McGregor along with his lunatic friends.

   Napakabilis ng panahon. Parang kailan lang ay nanonood pa siya kina Iverson habang nag eensayo sa sayaw nila. Naganap ang Acquaintance Party at nahirang siyang Face of the Night.

   Parang kailan lang ay nag-aaway pa sila ni Iverson sa mga maliliit na bagay. Hindi niya malilimutan ang nangyari sa kanilang dalawa ni Ivronsen sa detention room. It was one of the most exhausting day of her life.

  Parang kailan lang ay inakala niyang may gusto si Marga kay Iverson. She discovered many secrets and was amazed by it.

   Parang kailan lang ay sumali pa siya sa duel at nag rank one siya. It was also one of the most thrilling day of her life. Hindi niya malilimutan ang mga pagsigaw ng manonood sa pangalan niya.

   Parang kailan lang ay napasali pa siya sa isang singing competition at nanalo. Nakahakot pa siya ng maraming fans dahil sa loveteam nila ni Ivronsen noon.

    Parang kailan lang ay nakilala niya ang iniidolo niyang si Sir Ivoux, ang lolo ni Iverson. Botong-boto ito sa relasyon nila ni Iverson.

   Parang kailan lang ay nadiskubre niya kung sino ang tunay na ina ni Ace. Iyon ang pinsan niyang si Nyx. Hindi niya kailanman inakalang isang kadugo niya rin pala ang sasagot sa tanong niya.

   Parang kailan lang ay binabantaan at tinatakot pa siya ng Kuro Shiro. Ngunit naroon si Iverson at ang mga kaibigan nito na handa siyang protektahan sa hindi niya malamang dahilan.

   Parang kailan lang ay nakilala niya si Tita Mess at nalaman niya ang tunay na kuwento ng apat. Hindi niya rin inaaasahan na mangyayari iyon. Na makakahanap siya ng isang sekretong matagal na panahon nang nakabaon.

   Parang kailan lang ay pumunta sila sa isang secluded na beach at doon ay may nangyari sa kanila ni Iverson. Hindi niya sinasadya iyon. But it was indeed, the most amazing thing that happened to her.

     Parang kailan lang ay nagkagalit sila ni Iverson dahil sa pagsulpot ni Nyx. Muntik pa siyang mamatay nang gabing iyon dahil sa pagsalo niya ng bala na para kay Ivronsen sana. Nag mission retreat at bumalik siya ng Japan. At doon ay nalaman niya ang tunay na dahilan ng pagpapadala sa kaniya ng mga masters niya.

   Parang kailan lang ay umiikot lang ang mundo niya sa pagiging assassin niya. Ngunit dumating si Iverson at binigyang kulay ang madilim niyang mundo.

   Parang kailan lang ay hindi niya inakalang magmamahal siya ng isang lalaki. Hindi niya ito inaaasahan ngunit nagulat na lamang siya isang araw na tumitibok na ang puso niya para kay Iverson.

   Sa mga nakakakilig at natatanging mga galaw ni Iverson ay nahulog siya at minahal niya ito.

  Ngunit ngayon ay nasaktan niya ito.

   Masyado siyang naapektuhan sa pagkawala ni Ace. Nakalimutan niyang naroon pa rin pala si Iverson na hindi man lang napagod at nagsawang protektahan at samahan siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya. Ito lang yata ang taong hindi siya kailanman iniwanan.

   Gulong-gulo ang utak niya at gusto niyang mapag-isa para mahimasmasan ang utak niya. Ngunit wala na siyang sapat na oras. Bukas ng umaga ay papatayin na siya.

   Sa ilang saglit na pagiisip niya ay inusig na naman siya ng konsensiya niya nang maalala kung paanong namatay ang bata sa kanlungan niya. Habang buhay na yata iyong tatatak sa isipan niya at dadalhin niya iyon hanggang sa hukay niya.

   Parang saglit ay naniwala siya sa sinabi ni Samson na isa siyang Carcinogen, cancer cell na papatay sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

   Kapagka naaalala niya ang mga huling haplos ng bata ay nawawala siya uli sa sarili at iyon na lamang ang magiging laman ng isip niya hanggang sa makatulog siya.

   Even in her dreams, Ace haunted her with his sweet voice, sweet gestures and sweet smile.

   Kung may makakakita man sa kaniya sa kulungan ngayon ay siguradong maiiyak ito. The view of Louie crying was too devastating and heart-melting like anyone who would see her will not hesitate to calm her down and soothe her until she'll stop crying.







A/N: This Montero deserved a happy ending😭

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon