Chapter 74

31.5K 922 23
                                    

Chapter 74

   Halos isang linggo na ang dumaan pero ngayon lang gumising si Louie. Talagang napuruhan ito sa ginawang pagbaril sa kaniya. Iyon ang unang pagkakataon na naitumba siya ng isang bala lang kaya bumangon ang galit sa dibdib niya. But the bullet was not normal either.

  Idagdag mo pa ang isyu kina Iverson at Nyx, pati na si Tita Mess. Talagang magulo ang utak ngayon ni Louie.

Walang ekspresyon ang mukha nito habang nahuhulog sa malalim na pag-iisip. Ang mga mata ay nakatingin sa kawalan at mukhang walang pake sa mga taong nasa loob na gusto siyang kamustahin.

  Ang gusto niya lang ay makaalis sa silid ng mga toxic na tao sa paningin niya. Sabit na sabit kasi sa mata niya ang landian nina Iverson at Nyx.

  Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nasasabihan ng tatlo si Louie. Nanatili pa rin sa kanilang tatlo ang plano, hindi pa nabibiyayaan ng oras para sabihin lahat kay Louie.

"Louie, are you fine?" pagsusubok na tanong ni Ivronsen dito. Tumango lamang ang babae at pinagpatuloy ang pag-ubos sa ikadalawa na niyang bote ng 1.5 litters na tubig.

Nandoon ang lahat, kabilang na si dean at ang ama at ina ni Iverson. Ang ginang ay matalim at pailalim kung tumingin kay Louie. Alam niyang si Louie ang sumalo sa bala na para dapat sa anak niya pero sa halip na magpasalamat ay nag-umigting pa ang galit niya sa babae.

"Louige," sa pagtawag pa lang ni Louie sa kapatid ay alam na niya ang itatanong nito kaya napabuntong hininga siya.

  Nang mapansin ang tensyon sa pagitan ng magkapatid ay nagkatinginan silang lahat at nag-unahan na sa pag-alis. Nagpa iwan naman si Nyx at Iverson na siyang ipinagtaka ni Louie.

"Pwede muna kayong lumabas, Nyx at Iverson," ani Louige. The three of them stared at each other. Nyx hesitated to go out but Louige urged her to.

  Nang ang magkapatid na lamang ang natira ay tumingin si Louie kay Louige. Madilim ang tingin ng dalaga sa kuya niya.

"Utos din ba sa iyo 'yun ng mga Montero?" deretsuhang tanong niya, no plans on beating around the bush.

  Alam na agad ni Louige kung ano ang tinutukoy ng kapatid. Hindi naman nagkamali si Louie dahil talagang kahit saang anggulo niya tignan ay nakikita niya ang galaw at mata ng bumaril kay Ivronsen sa kapatid. They are too alike.

  And yes, It was Louige who tried to shot Ivronsen.

"No. It was my will. I did it on my own," sagot naman nito, hindi na itanggi pa ang ginawa. Agad namang inatake ng pagtataka at katanungan ang dalaga.

"Bakit? Hindi ba't pinalalayo mo ako dahil alam mong mag-uugnay talaga si Iverson at Nyx? Bakit mo babarilin si Ivronsen na kapamilya nila, kung ganoon? Hindi ba't masisira noon ang katapatan ng mga Montero mula sa mga McGregor?"

  Ngayon ay nauunawaan na ni Louie kung bakit na pinapalayo siya ng kapatid niya at si Hades mula kay Iverson. Totoo pala talagang maiipit lang siya.

  Napangisi si Louige at sarkastikong tinignan ang kapatid.

"Matagal nang nasira ang katapatan sa pagitan ng mga McGregor mula sa mga Montero, Louie. Loyalty is now out of the line."

"Ano pang silbi ng relasyon ng mga pamilya niyo sa isa't-isa kung ganiyan ang nangyayari?" mas naguguluhan na wika ni Louie.

"Ofcourse, for the merging of the companies only! The bond between the McGregors and the Monteros were destroyed long ago because of the affair between Eros Louige Montero Sr. and Messiah Charlie McGregor," walang pasubaling sagot ni Louige.

  He was standing lazily, looking cool at what he just said pero sa kaloob-looban niya ay malaki rin ang epekto nito sa sinabi niya.

  Hindi maiwasang manlaki ng mga mata ni Louie sa narinig. Her body shook as she heard the revelation, dawit ang pangalan ng pinakamamahal na ama.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon