Chapter 95
Sa araw ng sana'y paglipad nila papuntang Japan ay may nangyaring hindi inaasahan. In the airport, they were sorrounded by numerous men. Ang mas nakakakaba pa rito ay nakikila nila ang mga tauhang ito.
It was The Trium Noctis of Umbra Inferis' goons.
Nanlamig sina Nyx at Louige nang makita ang mga nakaunipormeng kalalakihan na deretsong naglakad kay Louie na nakatayo lang sa bukana ng eroplano at wala man lang planong takbuhan ang mga ito.
Walang nagsumbong kahit na isa sa kanila tungkol sa pagpatay ni Louie kay Samson. This matter wasn't connected to that but to Eros Louige Montero Sr.'s murder case.
Hindi makapagsalita si Hades habang tinatanaw ang pangyayari. Napakalaki ng tiwala niya kay Cassandra na mapapawalang sala nito si Louie at malilinis ang pangalan. But it turns out that she didn't succeed.
Saka lang nahimasmasan sila nang hinawakan ng isa sa mga tauhan ang balikat ni Louie at puwersahan nitong kinadena ang kamay.
Bumunot ng baril si Iverson at babarilin na sana ang mga ito nang tumilapon ang baril niya dahil may nakaunang mabaril sa dala niyang kalibre. Iverson was shocked upon the fast reflexes of the men.
Para itong mga robot habang pinipigilan silang kunin pabalik si Louie.
Spade tried to combat with them pero katulad din ni Iverson ay hindi niya man lang nakita kung bakit siya tumimbawang. In a fast move, all of them were pinned to the ground.
"Bitawan niyo si Louie! Wala siyang kasalanan!" Nyx shouted eventhough she was pressed tightly on the ground.
Pero parang mga bingi ang mga ito habang isinasakay si Louie sa isang sasakyan.
"Nemesis! You sons-of-a-bitch! Pakawalan niyo si Louie!"
Sinubukan ng lahat na manlaban pero napakalakas ng mga ito at hindi nila mawari kung bakit ang dali lamang sa mga taong ito ang patumbahin sila. The stories were real. Dapat pala talagang katakutan ang mga namumuno sa Underworld.
Hindi pa man nila nakikita ang mga totoong lider ay tila'y nakaramdam na sila ng lamig sa kanilang mga kalamnan. What's more if they get to face to face with them?
Saka lang pinakawalan ng mga tauhan sina Iverson nang makaalis na ang sasakyan kung saan doon inilagay si Louie. Sinubukang habulin ni Iverson ang mga ito pero pinigilan siya ng kaniyang kambal.
"Hindi ka makakahabol sa kaniya, Iverson. They won't let us," seryosong ani ni Ivronsen.
"Makakahabol ako kung gugustuhin ko!"
"Kung gusto mong iligtas si Louie mula sa execution ay unahan natin sila papuntang Japan, Iverson! Huwag kang magpakabobo!" bulyaw ni Ivronsen sa kapatid. Napasabunot nalang sa kaniyang buhok si Iverson. He gritted his teeth to control his anger.
"Ano pang hinihintay niyo? Bilisan niyong pumasok!" mula sa jet ay sumigaw si Hades.
Nagmadaling pumasok ang lahat at wala nang minutong sinayang pa't pinalipad ang jet. Habang nasa gitna ng biyahe ay nagbrainstorm sila para sa mga kakailanganing gagawin pagkadating sa Japan.
"Hindi ko alam kung paanong nagpatuloy pa rin si Lolo sa plano niya gayong ginawa naman lahat ni Tita Cass na kumbinsihin sina Lola-"
"Nasaan si Cassandra ngayon, Hades?" nagtatakang napatingin ang lahat kay Shane nang marinig ang malamig na boses na ito.
"She was captured by The Sin's men under papa's command. Pero nasa Japan na siya ngayon. Bakit, Shane?"
Nagbaba ng tingin si Shane. Kay Cassandra nila ipinagkatiwala si Ace ngunit hindi man lang nito naprotektahan ang bata. Hindi na malaman ni Shane kung ano ang gagawin niya sa sarili.
She really blamed herself for the incident. Her conscience is swallowing her.
Pero kung tutuusin, wala sa kanila ang may kasalanan. It was not Shane and the company nor Tita Cass.
Walang choice sina Shane kundi ang dalhin ang bata dahil mas lalong hindi safe sa hideout nila doon sa Japan. It wasn't also Tita Cass' mistake for trying to fight with The Sin's men, protecting herself and the child. And partially not Samson's wrong. Hindi niya inakalang susulpot ang isang bata doon at sasanggain ang bala para sa target niya. The bullet was meant for Louie and not for Ace. Pero, siya pa rin ang puno't dulo ng lahat ng gulo.
In the end, it was Ace's choice to sacrifice his life for Louie. So no one should blame themselves for the death of him.
"So, balik na nga tayo sa usapan. Masyadong malakas ang tauhan ng Tatlong Apoy and there is only a low percent that we could save Louie if the execution was already starting. What I'm pointing out is that Louie will only not die if and only the real murderer or murderers of Tito Eros will step out and admit his or her or their crime."
"But what about Samson? Louie killed him," nag-aalalang wika ni Amelynx.
"The matter of papa will be settled if any of us won't speak for the truth, ofcourse," kalmadong sagot ni Hades bagama't may kaunting bigat sa loob.
"And... will the t-two of you be okay with that?" muling tanong ni Amelynx.
"I-it's fine with me. Kailangan naman talagang pagbayaran ni papa ang kaniyang kasalanan. I just want him to be burried properly, iyon lang. I don't know for Nyx."
"No, it's fine with me. Proper burial for papa is enough with me," wala sa sariling sagot ni Nyx.
Hindi na niya alam kung ano ang gagawin.
"Excuse me," paalam ni Nyx nang hindi na makayanan ang nararamdaman.
Agad naman siyang sinundan ni Louige na hindi na rin mapakali. May kaunting takot na nagkukubli sa mga mata niya ngunit lamang doon ang pagtanggap sa maaaring hahantungan niya. Malayo sa grupo, sila ay nag-usap.
"Louige, isn't it the right time for us to step out from the dark?" may ngiti sa mga labi ni Nyx habang nagsusuhestyon. Napahawak sa kaniyang buhok si Louige at humalakhak ng mahina.
"It's the right time, indeed. Pero bago tayo umamin sa kasalanan natin, I want to bid goodbye to my mother and my siblings."
"Ako rin."
Hinawakan ng dalawa ang magkabilaang balikat saka sabay na nagwika:
"Matatapos na ang paghihirap ni Louie."
Sa loob ng sasakyan ay tahimik na tahimik. Magpahanggang lumipat sila sa isang eroplano ay walang mga salita ang namutawi sa mga bibig ng mga ito. The atmosphere was too dark and grim.
Habang nakaupo ay ang tanging nasa isip lang ni Louie ay ang mangyayari pagkarating niya sa Japan. Hindi niya maitatangging nawawalan na siya ng pag-asa. Tila ba'y nawalan na siya ng gana na mabuhay sa mundo.
She loved Ace more than anyone else. Para siyang ina na namatayan ng isang anak. Her loneliness was too much to handle. What's more is she just feel empty.
Pero nang maalala na isinakripisyo ni Ace ang buhay niya para siya naman ang mabuhay ay nagdadalawang isip siya. Kagaya ng sinabi ni Spade, she should put importance for Ace's sacrifice. Dapat siyang mabuhay at bigyan ng halaga ang buhay ni Ace.
Louie closed her eyes, debating on herself, whether to accept her fate or not.
-----
A/N: Hoho! I think one or two chapters nalang before the epilogue. Oh my God!Hahaha. Matatapos ko na rin, finally!Love you, readers!
![](https://img.wattpad.com/cover/142649431-288-k399171.jpg)
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
AcciónNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...