Chapter 28
Nemesis
"Ang galing! Baka Montero namin iyan!"
Bumuntong hininga ako at napangiti nalang din. Nahigh blood ako doon ha. Sinabi nang hindi ako nag register, eh!
"Ba't pala nandoon ka, Montero? Nagulat nalang kami pinapapunta kami ni Kenshin sa field. Kanina kapa kasi namin hinahanap!"
Napasulyap ako kay Fujiwara na kahit nakatungo lang ay kaunting nakataas ang sulok ng labi. Oo nga, paano niya kaya nalaman?
"Get out, you jerk. Shoo, hindi ka puwede lumapit sa Ma'am namin!"
"Aba't-"
Cheshire stuck his tongue out again and hid behind me.
"Can you still do a practice match, Nemesis?"
"A-ako ba?" nagdadalawang isip kong tanong.
"Hmm."
"S-susubukan ko. Sino ba ang magiging katunggali?"
"Ako."
Nagbulungan ang mga kasamahan namin.
"Si Gonzales nalang, Kenshin. Pagpahingahin mo muna si Montero," suhestyon ng isa sa mga kasama namin. Tumango ako habang hinihintay ang desisyon ng lider.
"That's fine. If Nemesis can't do it, Gonzales and I would."
Ang ibig niya yatang sabihin ay iyong lalaki na lumapit sa akin kanina. Nginitian ako nito nang mapansing nakamasid ako sa kaniya. Binawi ko ang aking tingin.
Sa totoo lang ay talaga namang ipinagpasalamat ko na sinundan nila ako at nanuod sila sa laro. Inaamin ko na nawala ako sa pokus nang marinig ang issue ng mga Montero. Hindi ko wari kung bakit ipagkakalat pa iyon ni Louige hanggang dito. Sa ngayon ay alam kong kinakailangan ko ng maghanda ng kung anumang balita. Panigurado ay sasabay iyon sa pagsabog ng pagkapanalo ko ngayong araw.
At ano nga palang mayroon kay Marga? Ano bang issue niya? Wala naman akong ginawang masama, ah. Talaga bang kokontra na siya sa akin dahil lang sa isang napakababaw na rason? Sa simula ay nag uumapaw pa ang kompyansa niya sa sarili pero noong tumira ako ng tatlong diyes ay nataranta siya.
Dios mio, Margarette. Kabisado ko na ang archery mula pa ng pagkabata. Sa isang punto ng buhay ko ay tumira ako sa Japan, isang bansa na seryosong pinapangalagaan at ginagamit ang palakasang iyon. At isinasagawa pa rin nila ang sinaunang teknik na siyang napakahirap.
Nagkibit na lang ako ng balikat sa inasta ng babae. Maganda siya pero parang mag saltik.
Ipinagpatuloy namin ang pag eensayo bandang alas dos ng hapon. Karamihan sa amin ay mayroon ng pares para sa practice match. Binigyan naman ako ng pagkakataon ni Kenshin na makapagpahinga dahil nga kagagaling ko lang sa isang laro.
Pagsapit nga lang ng alas tres ay nilapitan na ako nito. Sa tingin ko ay talagang determinado siya sa plano niya.
"Do you think you can still take the possible force?"
"Bakit naman kasi ako? Pwede ka namang pumili ng iba," pagmamaktol ko na. Lahat nalang ba sa'kin?
"Because you're a Montero and I know that you're a half-blooded Japanese."
"So? Anong ipinupunto mo?" taas kilay kong tanong.
"What we're giving is a performance, not a fight. I'd rather have someone who can fight with me harmoniously."
Napaikot ang mata ko. Kaartehan.
"Sige na nga!"
Wala akong ibang nagawa kundi ang magpalit nalang ng angkop na damit para sa gagawin. Kahit medyo pagod pa dahil sa larong hindi ko inasahan ay sumunod nalang sa kung anong gusto ng kasama.
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...