Chapter 21

45.3K 1.3K 55
                                    

Chapter 21

Sa pag-aaway nila kung saan ako sasabay kakain, ang ending ay wala akong sinamahan. 'Wag na. Magbabangayan lang din sila kapag nagkasabay kami.

Kaya ngayon ay nasa rooftop ako ng grade 10 building at nagtatago. Siguro naman akong hindi nila ako mahahanap dahil napakalaki nga naman ng paaralang ito. Kung tutuusin ay dapat nga wala sa campus namin si Iverson dahil college student naman yun.

Nakadama ako nang kaginhawaan nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Parang nawawala ang sakit sa ulo ko sa dalawang 'yun. Sumiksik ako sa may sulok at sumandal doon. Ipinikit ko ang mata ko at matutulog na sana nang may marinig akong kakaiba.

Parang may damit na pinupunit at mga daing. May sugatan kaya sa loob?Nakuryuso ako at mas lumapit pa sa isang pintuan para mas marinig kung anong mangyayari. Pwede naman akong makatulong. Baka kasi kailangang tahiin ang sugat. Pero bakit nasa rooftop? Di ba pwedeng dumeretso sila sa nurse's station?

"O-oh my g-god."

Napakurapkurap ako at napahinto nang marinig ko pa nang mas klaro ang mahihinang daing.

   What the hell! May gumagawa ng kababalaghan? Ibang parte pala ang nasugatan.

    Akmang aatras na ako at babalik na sa puwesto ay natisod ako ng isang dust pan. Natumba ito at gumawa ng ingay. And I also think I have accidentally pushed the door.

    Oh, no.

   Agad na nag-iwas ako ng tingin at tumalikod nang makita ang babae't lalaki na hubo't hubad at may ginagawang milagro. Ang masama pa doon ay ang lalaking 'yun ay si Ivronsen McGregor!

Tahimik akong napamura at agad na nagmartsa patungo sa labasan ng roof top. Pero bago pa man ako makalabas ay isang grupo ng mga kalalakihan ang humarang doon kaya napaatras ako. May dala ang mga itong metal na baseball bat at sa tingin ko ay mahohomerun talaga ako ngayon kapag binangga ko sila.

"My, my. What is Iverson's girl doing in my territory?" ang tinig ni Ivronsen ay pumailanlang sa buong silid kaya napaharap ako sa kaniya. Nakasuot na uli siya ng damit kaya guminhawa ang loob ko.

Pumasok ang sampung lalaki at pinalibutan ako saka isinara ang pintuan. Bago pinatay ang ilaw ay hinagod ako ng mga ito ng tingin mula ulo hanggang paa at nakita ko ang ngisi nila. Ang ngisi ng isang manyak.

   Napailing ako at nag-isip. Puwede ko kaya silang masugatan? Baka kasi ma ground for detention ako. Pero hahayaan ko nalang na ba sila?

Mabuti na lang at kahit na wala akong makita nagagamit ko pa naman ang matalas kong pandama. Alam kong nasa malapit lang sila at naririnig ko naman ang yapak ni Ivronsen na papalapit.

    I've worked in the dark for years, madilim pero dahil sa kasanayan ay madaling nakaka adjust ang mata ko sa kadiliman.

  Ba't ang malas ko kaya ngayong araw? Kaya naman pala walang tao sa rooftop na ito hindi kagaya nang ibang building. Dahil may nagkakampo naman palang patron dito.

    Gusto ko lang namang makatakas sa dalawang iyon. Napunta pa ako rito!

"Ang isang daga ay naligaw sa teritoryo ng mga pusa," isang hindi kilalang boses ng lalaki ang narinig ko na nasundan naman ng mga nakikilabot na mga tawa pero hindi ko narinig ang boses ni Ivronsen doon.

Hindi ako kinakabahan nang dahil lang mas marami pa sila at maaring dehado ako. Pero nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa presensya ni Ivronsen. Para kasing binabalaan ako ng sarili ko na hindi siya basta bastang tao na kinakabangga.

   Napaseryoso ako sa naiisip at pinananatiling matalas ang pandama at nakaalerto. Naririnig ko naman ang mga baseball bat nila na sinasadya nilang ipatama sa sahig upang takutin ako.

"Hey, darling," isang bulong ang narinig ko na nagpataas sa lahat ng balahibo ko.

   Nararamdaman ko ang mainit nitong hininga sa leeg ko at sa sobrang lapit niya ay nararamdaman ko ang init ng katawan niya.

Nang maramdaman ko na hinawakan niya ang palapulsuhan ko ay awtomatikong gumalaw ang isa ko pang kamay at binigyan siya ng suntok pero nasangga niya ito.

    Isang malakas na patid naman ang pinakawalan ko na direkta sa balikat niya at natamaan siya. Mabuti nalang at nakasuot ako ng shorts. Laging handa.

Naalarma ako nang magsimula nang gumalaw ang mga grupo. Kung saan saan tumatama ang bat nito kaya para silang mga bulag na hindi nakikita ang target nila. Mga bobo. Kung maghahasik na lang sila ng lagim, 'yun nalang sanang hindi sila mapahiya.

"Nasaan ka, binibini? Huwag kanang magtago. Makikipaglaro lang kami ng saglit sayo."

    Hindi ako nagtatago, tanga. Hindi mo lang ako makita dahil sobrang bobo mo.

Napapahagikhik na lamang ako habang pinagmamasdan silang halos magkanda uga-uga na sa kakahanap sa akin. Ang akala ko'y habang buhay na silang magiging ganoon ka bobo para naman makalabas na ako pero napasimangot ako nang makapa ng isa sa kanila ang switch na nasa gilid ko.

   Para namang hindi nito naramdaman ang presensya ko pero nang dumantay ang tingin niya sa akin ay sinuntok ko siya nang malakas sa mukha at kinuha ang baseball bat niya nang mabitawan ito.

Nakita ko ang pagnganga ng mga ito nang makita ang ginawa ko. Nagkatinginan sila at saka sabay na ngumisi bago sabay rin na tumungo sa'kin. Pinatunog ko ang mga buto ko para makapag warm up saka nginisihan si Ivronsen na nakatayo lang sa isang sulok at pinagmamasdan kami. Manood ka ngayon kung paano ko gulpihin isa isa ang mga kasama mong gago.

Ang unang nakalapit sa akin ay pinatid ko sa tuhod at ginawang football ang ulo. Kung pwede nga lang na gawin kong golf ang ulo niya ginawa ko na pero ayoko namang dumanak ang dugo ngayon. I mean that's eww. Ayokong madumihan ang uniporme ko.

Ang isa sa kanila ay sinubukan akong tamaan gamit ang bat pero agad ko itong nasangga saka pinatid ang tiyan niya. Kung tutuusin ay napakadali lang patumbahin ang mga ito. Wala namang mga lakas at umaasa lang sa bat na dala nila. 'Kala nila ah?

Ang mga nalalabing kalalakihan ay puro sangga, patid at suntok lamang ang tinaggap at napapatumba ko naman. Hindi ko pa nailalabas ang lakas ko nun. Pano pa kaya kapag ginawa ko?

  Matapos lamang ang ilang minuto ay nakatihaya lahat sila at dumadaing. Nakita ko naman ang takot sa babaeng katalik ni Ivronsen kanina habang nakatingin sa akin.

Ibinagsak ko ang bat na dala ko at tinaasan ng kilay si Ivronsen na namamanghang tinignan ako. Inayos ko ang nagusot kong uniform at nagulong buhok.

"Nasasayangan talaga ako kung bakit hindi kita narecruite," sabi pa niya at unti unting lumapit sa akin. Napangisi ako at napailing.

Sigurado ako kung tanga ako, baka malinlang na ako ni Ivronsen. Kamukhang kamukha nya lang talaga si Iverson pero hindi ang mata. Sa mata ko unang tinitignan ang mga tao kaya nalalaman ko agad ang mga kaibahan.

"Sa susunod na aatake ka, gamitin mo 'yung mga may utak tauhan, okay? Hindi 'yung iniinsulto mo ako," wika ko pa. Humalakhak naman siya at tumango.

"Sure. Masyado kasi kitang minaliit," pag amin pa niya at ako naman ang napatawa. Humakbang ako palapit sa kaniya at tinapik ang balikat niya.

"Salamat nga pala sa pampa warm up mo. Isang linggo na rin ata akong hindi nakapag exercise eh. Better luck next time, brother-in-law," paalam ko sa kaniya at nilampasan na siya. Hindi naman ako pumalya nang makita ang pagdilim ng mukha niya at pagkuyom ng kamao.

  

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon