Chapter 65
Suot ang isang below the knee, skintone color na dress ay umalis na kami ni Iverson. Pinaresan ko ito ng nude na sandal at hinayaan lang na nakalugay ang buhok. Nilagyan pa ni Shane ng brown din na ribbon. Kaartehan!
"You won't go on a date without wearing a dress, Louie! Huwag ka namang masyadong burara-"
"Anong sinabi mo?!" agad na nag usok ang ilong ko sa puna ni Shane.
"Eh, bakit mag mamaong ka? Ano ka ba! Hindi mo ba ina apply sa sarili mo ang mga natutunan mo sa entertainment agencies mo? You look so jejemon in that! Look at yourself in the mirror, oh?"
"Bakit ba ang arte mo ngayon?!" nababanas na wika ko. She placed a finger in her mouth.
"Just get dressed and get out."
Ang kapal ng mukha!
"Bakit magkadugtong na naman nag kilay ng misis ko?"
Napatingin ako kay Iverson at hindi ko talaga mapigilang hindi mag minaldita. Simpleng itim na fitted plain nude shirt at faded pants lang din naman ang suot niya pero ba't... ang gwapo pa rin ng lintek!
Kailan ba siya naging panget? Tsk.
Pero talagang nagtataka ako kung bakit ito nagyayang mag date. Inaamin kong hindi ko nga naman inaasahan ang pagyaya niya. Akala ko kasi, hindi siya gumagawa ng mga ganito.
"Magdedate ba talaga tayo?" halos ikalimampu ko na iyong tinanong sa kaniya. Nasa loob na kami ng sasakyan at kasalukuyang nagmamaneho siya ngayon.
"Seriously, Nemesis? You asked me that question fifty times already!" mukhang naiirita na rin nitong tugon. Napanguso na lamang ako at tumingin sa labas ng bintana.
"Okay, I'm not tricking you. We'll really go on a date. Pupunta tayo sa mall," pahabol nitong sabi at sinulyapan ako. Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pagtingin sa labas.
"Hey, you mad?"
"Nemesis?"
Oo na! Hindi pa tapos magalit ang tao eh!
Napakamot nalang tuloy ako sa ulo ko at sinagot siya.
Dalawang oras ang nilakbay namin bago kami nakarating sa mall na pinakamalapit na siguro sa akademya. Bago pa man ako makalabas sa kotse ay nauna na si Iverson na pagbuksan ako.
Uh... Seryoso talaga? What's with the chivalry?
Ni hindi ko magawang pumalag nang hawakan niya ang bewang ko habang papasok kami sa mall. Marami kaming nakasalubong at halos lahat yata sila ay hindi maiwasang mapatingin sa akin. Sa gwapo ba naman ng katabi ko tapos ang kasama niya mukhang maid.
Now I'm glad I followed what Shane said. Fine! Siya na ang tama!
Pilit na tinatanggal ko ang braso niya sa bewang ko pero tinignan niya lang ako ng masama habang ginagawa ko iyon.
"Tumitingin sila oh," bulong ko sa kaniya at tumingkayad pa para maaabot ko ang tainga niya. Sa taas ba naman niya ay halos hindi na ako umabot sa balikat niya.
"Then allow them to see how possessive I am to my property."
"Hindi. Kasi-"
Nanlaki ang mata ko nang walang pasubaling hinalikan niya ako sa labi saglit at saka ako inakbayan.
"You're so noisy."
"Oh my God! Nakita mo 'yun? Nakita mo 'yun?"
"Tanga, hindi ako bulag. Nakita ko!"
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...