Chapter 15

53.4K 1.3K 23
                                    

Chapter 15

    Kinaumagahan ay nagising ako sa tunog ng alarm clock. Pupungas pungas kong kinuha ang cellphone ko at inis na pinatay ito. Wala naman akong matandaan na nagset ako ng alarm.

   Nang mahimasmasan ako ay dahan dahan akong tumayo mula sa kama. Natigilan ako at nanlaki ang mata nang makita na iba na ang damit na suot ko. Nakasuot ako ng isang simpleng t shirt at pajama.

   Binihisan ba ako ni Iverson kagabi?!

   Kinakapa ko ang sarili ko at pinakiramdaman. Wala naman akong maling naramdaman. Baka binihisan lang talaga ako. Mabuti naman dahil kakatayin ko talaga yun.

   Nailihis ko ang paningin ko sa isang puting papel na nasa tukador ko nakahimlay. Nakatupi ito kaya binuksan ko at binasa.

"Hey, I changed your dress tonight. Hindi na kita ginising pa because you look so tired. Anyway, tomorrow morning I will be sending someone in your dorm to fetch you. We'll gonna eat breakfast together. Our date starts today.

                                            Sincerely Yours,
                                                     I. J. M"

    Napatawa ako matapos mabasa ang sulat. At siya pa talaga ang excited sa date kuno namin. In fairness, ang ganda ng sulat kamay. Nahiya ang penmanship ko sa linis ng bawat stroke ng simpleng ballpen na ginamit niya.

  Ang daming talent naman ng taong 'yun. Edi wow! Nagkibit balikat nalang ako at inilagay ang papel sa drawer.

    Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at naligo na. Mabuti nalang at may uniform akong nakita at kasya naman sa akin. Napatitig ako sa kabuuan ko sa salamin.

   Hindi naman siguro ako makilala ng mga tao diba? Medyo naiba kasi ang mukha ko kagabi sa kolorete na nilagay ko. Pero... wala namang ibang nagtransfer sa school year na ito diba?
  
    Napakamot ako sa ulo ko at nag isip. Binuksan ko ang walk in closet at naghanap doon ng pwede kong gamitin para sa pagkukunwari ko. At may nakita nga akong eyeglassses doon. Kinuha ko ito at isinuot saka iniba ang hairstyle.

   Napagdesisyunan kong iyong pig tail nalang dahil iyon naman ang usong hairstyle ng mga nerd sa hindi ko malamang dahilan. Dadaanan ko nalang mamaya ang mga librong pwede kong bitbitin at para makiblend in na ako sa mga nerds sa paaralan na to.

    Ilang sandali pa ay may kumatok na sa pinto ko. Nagmadali akong ayusin ang sarili saka binuksan ito. Tumaas ang kilay ko nang makilala na ito iyong babae na kumausap sa akin kagabi.

"Goodmorning, Ms. Montero. I am Athena Ellaine Zamora. I am the Student Council's secretary. Pasensya na't hindi ako maayos na nakapagpakilala sa'yo kagabi," bati niya.

  Tumango ako at sinara ang pinto at sinabayan na siya sa paglalakad.

"Matagal na ba kayong magkakilala ni Iverson Jade?" bigla niyang tanong sa kalagitnaan ng paglalakad namin. Napaisip ako sa sinabi niya.

    Oo, matagal ko nang naririnig ang pangalan ni Iverson magmula pa noong bago pa ako sa organisasyon namin. Matunog kasi ang organisasyon nila sa amin dahil sila ang numero uno naming katunggali sa lahat, lalo na sa pagtanggap ng mga misyon.

   Ang silbi ng organisasyon namin ay tumanggap ng mga black missions. Karamihan sa mga nagsesend ng mission sa amin ay ang mga taong nasa pulitiko. Ang tatanggapin namang misyon ng organisasyon ay inaaatas sa mga assassins na gaya ko. Nakadepende ang misyon na iaaatas sayo sa rank mo.

   Nagsimula ako sa pagiging assassin nang walong taong gulang palang ako. Syempre, simple muna ang mga trabaho ko. Gaya ng pag iispiya lang, pag aassist at pag rereport. Dalawang taon akong nagtrain bago pa muna masungkit ko ang lowest rank ng mga seraph na ang Class N o ang mga newbie.

    Mula noon, sa organisasyon na umiikot ang mundo ko. I've already mastered the art of killing at the age of 10.

    I meant like the art of killing without conscience.

   Ang lahat ng perang naipondar ko ay inilalagay ko sa bank acccount ko. Hindi rin biro ang halaga ng pera na reward sa amin. Kaya nga noong tumungtong ako ng labing limang taong ay nakabili na ako ng villa ko sa Japan, sa Greece at sa Spain.

   Sa edad kong labing isa ay alam ko na kung paano magmaneho ng sasakyan kaya bumili rin ako ng sarili kong kotse. I didn't have my official license yet at that time pero isang kalabit lang niyan nina Master Club.

   Hindi biro ang buhay ng isang assassin. Minsan, ang iba sa amin na pinapadala sa isang misyon ay hindi na nakakabalik at isa lang ng ibig sabihin nito - kamatayan...

   Ang kamatayan lang ang siyang nakakapagpigil sa amin na uwuwi. At sa bawat tao na napapatay namin, nadadagdagan ang mga death threats namin. Sa dami ng death threat na natatanggap namin sa isang taon ay nawawalan na ng silbi ang pananakot nila. Hindi rin naman kami dapat na mabahala dahil ang organisasyon namin ay nagpoprovide ng immunization sa amin.

    Anyway, life is short at alam naman namin ang maaaring kahantungan ng mga buhay namin sa pagtahak namin ng landas na ito. We might as well enjoy it, right?

   Napasulyap sa akin ang sekretarya nang magkibit balikat ako.

   Unang kita ko pa lang talaga kay Iverson ay nung gabing nag propose ako ng kasal sa kaniya. Oo, nakita ko na siya sa mga magazines at tabloid dahil isa rin sya sa mga Top Bachellors na gustong pakasalan ng mga babae. Palagi siyang nafefeature doon.

    Nakalimutan kong nakasulat nga pala sa kontratang pinirmahan namin na hindi pwedeng may ibang tao pa na makaalam sa kasal namin ni Iverson dahil tiyak na hahakot ito ng atensyon sa iba pang organisasyon. Maaring targetin ang isa sa amin dahil ang Organization nina Iverson ay hindi kailanman nagclose ng deal sa ibang organisasyon.

   It's like a bias thing. They have maintained their neutralization for years or even decades kaya magiging chismiss ito kapag nalaman ng iba pang tao. I mean, he had friends that knew about our marriage, mine too. At maaaring may makaalam din sa paaralan pero iyong sadya talagang i announce ay isang grave offense.

   Students here are also trusted. Because what they see or hear inside, will stay inside only. They have an agreement with confidentiality.

"Ms. Montero?" untag sa akin ng sekretarya nang mapansing hindi ako sumagot sa tanong niya.

"Well, I'll answer your question once I'm comfortable talking about this topic, " I wisely answered her. I can sense that she's curious.Nagkibit balikat siya.

"Para kasing close na close kayo. There's something fishy between the two of you. May kakaiba sa mga titigan nyo. He even commanded me to fetch you."

"Talaga?" kunyaring gulat kong tanong.

"Hmm. Could it be that you're someone that the president hid away from us so he could protect you? Or... are you his flavor of the month?" halos mabilaukan ako sa sarili kong laway sa sinabi niya.

   Nagdilim ang paningin ko at parang gusto ko nang hiwalayin sa bumbunan niya ang kaniyang buhok. Hindi ko talaga gusto kapag tinatawag nila akong fling.

   Ang laki na ng tabas ng pride ko, ah.

"Bakit? Babaero ba talaga si Iverson?" tanong ko na pilit pinapakalma ang sarili. Huminga siya ng malalim at tumango.

"Yes. He is a womanizer. Hindi namin siya nakikitang may kasamang babae, yes. Pero kapag napipigtas na ang pasensya niya sa mga babaeng kakahabol sa kaniya, pinapatulan niya. Kumbaga, sa madaling salita, silent fucker," napatikhim ako sa sinabi niya. Silent Fucker talaga? Grabeh naman 'to.

"Sa lahat ng miyembro sa grupo niya, siya lang iyong ganiyan. Sekretong sekreto ang landi. Malalaman nalang namin na may babae syang kinakama kapag kinukuyog ito ng iba pa niyang fans. Bobo rin kasi ang mga babae niya, eh. Kinakalat na may relasyon sila ni Iverson na kung tutuusin ay FUBU lang naman sila. Fuck Buddy, ganoon. I view Iverson Jade as a man that wants the least to be tied down," paulit-ulit na lamang akong napapatikhim sa bawat salita na lumalabas sa bibig ng sekretarya.

"Kaya, nagtataka ako sa relasyon niyo ni President. Long time FUBU ba?" muli niyang tanong sa akin at hinarap pa ako.

   Napatingala nalang ako sa kisame habang pinipigilan ang sariling baliin ang leeg niya.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon