Chapter 9
"P-pero kasi McGregor, wala na iyong kinalaman sa'yo. Hindi mo naman magagamit ang impormasiyong ito," sabi niya at ngumuso habang nakatingin sa akin.
"I'm your husband and I want to ask," pagdiin ko pa.
"Tss. Oo na!" naiinis niyang sagot at bumubulong bulong pa. "Ang chismoso naman ng mga tao dito. Ka banas!"
"What did you say?"
"Wala! Sabi ko ang gwapo mo! Tabi nga!Nangangalay na ako kakatayo," pagsusungit niya at kapagkuwan ay umupo sa kama. Sinenyasan niya akong umupo sa harap niya kaya sumunod ako.
"Okay, ganito 'yun..."
"Si Ace Crussifix Stavros ay anak ni Spade Fierro Stavros, na isa sa mga sa kumicho o supreme boss ng organisasyon namin. Sina Master Club at Master Asuna ay mga saiko komon lang o mga senior adviser. Bale, mas mataas pa ang posisyon ni Spade kay Master Club.
Apat na taon na ang nakalipas mula nang humalili siya sa puwesto ng ama niya na si Master Clubroux Dier Stavros. Alam mo na, matanda na at gusto nang magpahinga.
Siya ay isa sa labing dalawang makasaysayang master ng underground. Si Master Club ay nagpapahinga na ngayon sa mansyon niya na nasa Japan. You see, sila ay Greek batay palang sa apelyido nila."
"At apat na taon na ang nakalipas ay nakabuntis si Spade ng hindi pa nakikilalang babae. Galit na galit si Master na gusto niyang itaboy si Spade. Twenty years old palang si Spade noong oras na 'yun kaya galit na galit ang matanda. Dapat kasi sa edad na dalawampu ay nasa gitna pa rin siya pagtanggap ng mga misyon pero nakabuntis siya at hindi pa tiyak ang katauhan ng ina ng bata."
"Oh, nasagot ko na. Hindi ako ang ina ni Ace. Pero ako ang kinikilala niyang ina," pagtatapos niya at tinignan ako na para bang tinitimbang ang ekspresyon ko.
I heaved a sigh of relief. Okay, I'm calming down.
"What is your relationship with Spade?Why does it seems to me that there's something going on the two of you?" pag uusisa ko pa.
"Tss. Wala 'no. Si Ace lang ang mahal ko," aniya at muling ngumuso. Bakit ba ang hilig ngumuso ng babaeng ito?
"Bakit inaako mo pa ang isang batang hindi naman sa'yo? When in fact I can give you a dozen of it," panunudyo ko at inako ang pribado niyang espasyo. Nanlaki ang mata niyang tinignan ako.
"A-ano? Andami naman 'yang dosena!" reklamo niya. Nanunukso ko siyang tinignan.
"So, its okay with you if I get you pregnant?" bulong ko sa kaniya. Itinulak niya ako at inirapan.
"Umalis kana nga! Nilalandi mo na naman ako!" pagtataboy niya sa akin at itinutulak ako palabas ng pinto. Humalakhak ako at binigyan siya ng mabilisang halik sa labi.
"Nakakarami ka nang tangina ka, ha!"
"Gusto mo naman?"
"Assuming! Umalis ka na!"
-------
Third Person
Habang nakatingin sa salamin ay pinagkakatitigan ni Nemesis ang sarili.
Nakasuot siya ng isang off shoulder style, cocktail black na dress plated with silver sequins. Hapit iyon sa bewang niya. Kita ang cleavage niya sa suot at nakalantad ang maputi niyang balikat at likod. The hem of her skirt was full of sparkling diamonds. Kung tutuusin ay ito lang ang pinakasimple na damit sa limang kahon ng evening dress na ipinadala ni McGregor sakaniya.
Pinarisan niya ang suot ng six inch black stilleto na may mga pilak ding bato na nakapalibot sa strap. Nakasuot siya ng pilak na hikaw na puno ng mamahaling dyamante. Suot din niya ang pares nitong kwintas na ang palawit ay may nakaukit na apelyido - McGregor, branding her that he is only for him. The letters were in cursive so you'll got to look twice to read what's the written word. Even her bracelet, there was Iverson's last name craved in it. Napairap na lamang siya.
Ang buhok niya ay nakastyle sa isang messy bun. Inayos niya ang nalalabing buhok niya sa mukha. Her make up was done lightly except for her eyes. Binawi niya ang make up sa mata niya na may makapal na eyeliner at maskara. She put on a red lipstick and a little bit of a pink blush on and she was off to go.
Para siyang diyosa ng gabi. She was like a vixen ready to lure out all the boys in her school.
At para sa panghuli ay inilagay niya ang maskara niyang may pinaghalong pilak at itim na natatabunan ang mata lang. Sinubukan niyang ngumiti sa salamin at halos palakpakan niya ang sarili nang makitang epektibo ang make up na nilagay niya.
Ofcourse, she had mastered the art of make up. She had to, in times that she needs to hide her identity and face.
Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at lumabas. Iverson is not there to accompany her to the hall. Iverson insisted on picking her up but she declined.
Medyo kalbaryo ang paglalakad niya patungo sa hall dahil sa napakahabang stilleto pero nabawi nang makapasok na siya. Halos lahat ng leeg ay nabali nang magsimula na siyang maglakad patungo sa isang walang taong round table sa may malapit sa stage.
"Oh my God! Sino 'yung nakaitim?"
"Shit, Aia! Pa'no niya nagawang talbugan tayo sa simpleng itim na flowy dress niya?"
"Oh fuck, dude. I'm gonna invite that chick to dance later."
"Dude, 'yan ba yung sinasabi nilang transferee? Tangina ang ganda at sexy."
"Tsk. Mas maganda pa rin si Marga, Ariel. Tignan mo kapag lumabas na 'yun."
" Hindi ko alam. Ngayon lang nagkaroon ng matinding kalaban si Marga, ano?"
"Oo. Parang natatalo na siya ng isang ito sa aura at ekspresyon eh."
" Tignan nalang natin kung sino ang mas maganda sa kanila."
"Sa Transferee ako."
"Marga ako."
Ang lahat ay pinag uusapan si Nemesis at ang reigning majesty na si Margarette Lorrainne Willson, lalo na ang mga kalalakihan. The girls are throwing her envious looks while the boys are talking about her and praising her.
Habang ang lahat ay nagkakagulo, siya naman ay parang wala man lang narinig. Panay ang pagpadyak ng paa niya habang hinihintay ang asawa niyang nasa backstage at naghahanda para sa presentation.
She just like wanted to take her hand on the air and show them her ring because she's already married!
"Good evening, gorgeous ladies and handsome men!" bati ng emcee at ipinalibot ang mata sa bulwagan. Naghiyawan ang lahat.
"Oooh! I seem to have a bet on who will be the lucky one tonight," biglang sabi ng emcee at natutok ang spotlight sa bagong dating na babae.
Nagsinghapan ang lahat nang makita ang babaeng nakasuot ng golden silk long dress na bumagay sa slim nitong katawan. Backless ang suot nitong gown at nakalugay ang kulay blonde at nakakulot na dulo ng buhok niya.
Suot niya ang kulay gold rin na maskara niya na natatabunan ang kalahati ng mukha. She was none other than the Marga of section Einstein. The queen bee of their school and the number one bully.
Naglakad ito patungo sa katapat na mesa kung nasaan si Nemesis. Napalunok ang lahat habang nakatingin sa dalawang magkasalungat na puwersa. And then, another spotlight was directed to Nemesis. Muli silang napasinghap nang makita talaga nila ang kabuuan ni Nemesis.
Napakaputi at napakinis ng balat nito na para bang ang kulay itim niyang dress ay nakakasilaw. And most of all, she got the perfect body. 38,24,36. Nagsusumigaw ang kabuuan niya ng kasimplehan at pagkadominante.
The two drop dead gorgeous women in front of them seemed to highlight their night of Acquaintance party.
Hindi mapigilang mapangiti ni Nemesis. It was like she's living a normal life; no cover ups, no nothing. Just her, being the center of attraction and being gorgeous.
Pano pa kaya kapag nakita nila ang West Cannon dance troupe?
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...