Chapter 97

26.3K 683 31
                                    

Chapter 97

     Nang makarating sina Spade sa Japan ay inayos niya ang lamay ng anak. The whole organization was appalled by the news!

    Ang lahat ay hindi makapaniwala sa maagang pagpanaw ng young master nila. Inatake pa sa puso si Master Club nang tuluyang makita ang katawan ni Ace sa kabaong.

"Ā watashi no kami. Watashi wa kore ga okotte iru to wa omowanai!"

Translation: Oh my God! I can't believe this is happening!

   Napatakip nalang sa bibig si Master Asuna sa sobrang gulat. Kung hindi siya tinapik ng anak ay hindi niya mamamalayan na nakatayo lang siya roon.

   Habang bumalik uli sa ospital si Master Club ay doon na tinrabaho ni Spade ang lahat. After the arrangement of the funeral was done, naroon lamang si Spade, nakaupo sa isang silya habang kaharap ang kabaong ng anak.

   Iverson and the company didn't bother him, though. Alam nilang masakit ang pinagdadaanan nito. At kahit na nasasaktan pa rin si Iverson doon sa nakita niya sa ospital ay nagawa pa rin niyang sabihan si Spade ng iilang pangpapagaan na mga salita.

   Even the quadroplet wasn't there. Hindi sila pumunta sa lugar kung saan pinaglalamayan si Ace. Hindi nila magawa. Pakiramdam kasi nila ay hindi sila welcome doon. Kahit na hindi nagsasalita si Spade ay alam nilang sinisisi sila nito ng kaunti.

   In front of Master Asuna, Shane cried very hard.

"M-ma, kasalanan ko kung bakit namatay si Ace," umiiyak niyang wika habang nakayakap sa kaniya si Master Asuna.

"Anak, hindi mo iyon kasalanan, maniwala ka sa akin."

"Ma, masyado akong pabaya. Hindi ko naprotektahan si Ace. Ngayon ay masamang-masama na siguro ang loob ni Spade at Louie sa akin. M-ma, hindi ko kayang harapin pa sila."
   
    Namuo ang luha ni Master Asuna habang nakikinig sa anak niya. Kahit kailan ay hindi umiyak ng ganito si Shane. Hindi niya ugaling umiyak, lalo na sa harap ng ina niya. Pero ngayon...

"A-ano ba kasing nangyari?"

    Sinabi ni Shane ang lahat ng nangyari at humanga si Master Asuna sa bata pagkatapos magkuwento ng anak.

   The child was indeed, valorous!

   Hinaplos niya ang buhok ng anak at pinakalma ito.

"Hindi ako naniniwalang sinisisi ka nila ngayon, Shane. Hindi sila ganoong klaseng mga tao. Bakit? Ganoon ba ang pagkakakilala mo sa kanila?"

"Siyempre, hindi!" bulalas ni Shane na humihikbi pa rin. Nginitian ni Master Asuna ang anak.

"Ganoon naman pala. Ang mas mabuti pa, Shane ay tulungan mo sina McGregor para sa pagplano sa pagliligtas kay Louie bukas. Magpapatawag kami ng meeting mamaya para magkaisa naman tayo sa mga plano natin."

    Kumalma na ng kaunti si Shane. Tumango siya at pinahiran ang mga luha. Gumaan ang pakiramadam niya pagkatapos umiyak at nabuhayan ang loob na iligtas si Louie.

"Tangina. Luha lang pala ang katapat," bulong niya sa sarili.

    The meeting room's atmosphere was suffocating. Seryoso na seryoso ang mukha ng lahat habang hinihintay na may magsalita. After sometime, tumayo si Iverson sa harap at saka niya prinisenta ang kanilang plano.

"The plan is too risky," puna ng ama ni Genessa. Tumango naman ang iba.

"What's the plan B?"

"There's no plan B. Basta ay mananatili ang objective natin."

"Masyadong mababa ang posibilidad na maililigtas nga natin si Louie, Mr. McGregor. Huwag nating maliitin ang Tatlong Apoy."

"We have thoroughly reviewed our plan, Sir. Masyadong malabo ang pangyayari na magpapakita ang totoong pumatay kay Sir Eros Montero Sr. at aminin ang kaniyang kasalanan. If we'll just wait for that, I'm afraid hindi natin makukuha ng buhay si Nemesis."

"Paano kung kausapin natin si Apollo na iurong ang pagpataw ng parusa kay Montero?"

"There's no way we could do that. Nagpasa na si Lolo sa Three Fires of Underworld at mauurong lamang ang eksekyusyon kapag nagpakita na ang tunay na mamamatay ng kadugo."

   Habang nag-uusap ang mga ito ay napapalunok sina Nyx at Louige. Little did they know that the people whom they're talking about was just with them.

"Bukas, kami nina Louige at Nyx ang unang pupunta sa mga Montero. Kakausapin ko ang ina ni Louie at ang pinsan naming may alam dito para sa plano," wika ni Hades.

"Ngayon, tayo naman ang magligtas kay Nemesis Louie Montero. Lets return the favor by making this plan a success!"

    Tumango ang lahat at mas nadagdagan ang determinasyon na iligtas si Louie mula sa kamay ni Kamatayan.

  

     Habang nasa kani-kanilang mga kuwarto na ang lahat ay nagplano naman sina Nyx at Louige.

"Pagkarating natin doon ay saglit na lang oras na makakausap natin ang mga taong mahalaga sa atin."

"Hmm. Hindi rin naman kasi natin puwedeng patagalin pa."

   Nagkatinginan ang dalawa matapos makapag-usap.

"Are you ready for tomorrow?" tanong ni Louige. Nagkibit balikat si Nyx bago tumango.

"I should."







     Nagising si Louie sa tunog ng bakal na pintong bumukas. May pumasok na dalawang bantay at saka siya kinuha ng mga ito. Habang naglalakad si Louie ay parang binibilang niya ang bawat tapak niya sa lupa.

Mamamatay na ba talaga ako ngayon?

   Louie's pale face was sickly but calm.

   Alas diyes pasado na ng umaga at sigurado siyang marami ng tao sa lugar kung saan gaganapin ang pag execute sa kaniya.

   Why not? She was a legendary.

   Sa oras na tumuntong ang paa niya sa mga kahoy na hagdan papuntang entablado ay nanginig ang tuhod niya. Saka lang siya tinablan ng kaba at takot nang makita niya ang napakaraming mga tao.

   Karamihan sa mga ito ay hindi sang-ayon sa execution si Louie. Marami nang natulungan si Louie sa mga mission niya at ito ang nagwewelga para sa kaniya. Pero siyempre, mayroon pa ring gusto siyang mawala sa mundong ito.

   Napikit si Louie sa maliwanag na sinag ng araw. Bagama't nasisilaw siya sa liwanag ay nakikita niya pa rin sa kanang bahagi ng malawak na field ang mga Montero. Nakaupo ang mga ito ng tahimik at walang ekspresyon ang mga mukha.

   Tanging si Cassandra lang ang naiiyak habang nakatingin sa anak niya.

    Pinapakalma siya ng anak niyang si Aeson na pilit itinatago ang emosyong gustong kumawala sa kaloob-looban niya. Kahit na hindi sila close ng ate niya ay may kung anong kirot sa puso niya habang iniisip na papatayin sa harapan niya ito.

"L-louie..."

   Para bang narinig ni Louie ang pagtawag sa kaniya ng ina niya nang nilingon niya ito. Kahit na malayo ay nakikita niya ang namumula nitong mga mata't ilong. Nakikinita niya rin ang paghikbi nito.

    Louie gently released a smile towards her mother. Mas lalong napaiyak si Cassandra nang makita ang ngiti ng anak. That smile really resembled her husband's. Katulad-katulad ang paraan ng pagngiti ng yumao niyang asawa at ng anak niya.

   Tila ba'y nag de ja vu. It was like this. Naaalala niyang nginitian siya ni Eros bago ito umalis at iyon na ang huli niyang kitang buhay ito. At ngayon...

   Biglang tumayo si Cassandra at tatakbo sana palapit sa anak nang hinarangan siya ng kapamilya niya.

"Hindi! Alisin niyo ang anak ko sa entabladong iyan! Wala siyang kasalanan!"

   Napapikit na lang si Louie habang naririnig ang mga sigaw at iyak ng ina niya.

    Ilang sandali pa ay nagdilim ang panigin ni Louie sa isang telang itinabon sa mata niya. Her breathing slowed down habang dinadama ang paligid.

"By the power vested in us, we will execute Nemesis Louie Montero for the crime she committed when she killed her father, Eros Louige Montero Sr!"
 




A/N:

  Side eye😆

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon