Chapter 71

31.2K 986 118
                                    

Chapter 71

Nemesis

Pagkalabas ko ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Napatawa ako ng pagak. Sa bilis ng pangyayari ay parang biro lang ang lahat. Parang hindi makatotohanan.

   Peke ang kasal... Aasahan ko rin bang peke lahat ng pinagsamahan namin? May pinagsamahan nga ba kami? Hindi naman ako umaasa, 'no.

  Masakit lang sa pride at ego ko na tumagos pa ata sa puso ko. Nakakatawa. Tangina lang.

  Bagay din naman sila. Pareho silang may stable na pamumuhay. Hindi masyadong nakakapangamba dahil may sarili silang pamilya na magpoprotekta sa kanila. Hindi gaya ko na maraming naghahabol. Naghahabol para mapatay.

  Magiging pabigat lang ako.

Simula't-sapul ay naitanim ko na naman talaga sa puso ko na hindi pwedeng magmahal ang mga assassin na gaya ko.

  Ipinanganak kami para pumatay. Ipinanganak kami para sumangga sa mga bala at patalim. At panghabambuhay na namin iyong gagawin... hanggang sa pagtanda na namin.

  Kung ito na nga ang sakit ng pagmamahal na nararamdaman ko na sinasabi nila, isa yata ako sa mga malas na tao na natira ng nagmintis na pana ni Kupido

   Kapag talaga pagdating sa pag-ibig ay nagiging makata ang mga tao, ano?Pesteng iyan.

  Napakarami nang nangyari sa nagdaang limang buwan. Nagsimula sa pagpirma ng kontrata at ngayon ay natapos na.

  Mission retreated but mission accomplished. The mission was legally aborted.

  Ang importante ay nagawa ko ng maayos ang misyon ko. Madali mang natapos at napamahal na ako sa mga taong naging bahagi nito ay kailangan kong tanggapin na hindi talaga ako permanente dito.

  Babalik at babalik pa rin ako sa lugar ko, sa lugar kung saan ako lumaki. Sa lugar kung saan, uuwian ko rin pagkatapos ng lahat. Sa lugar kung saan ako nabibilang.

"Nemesis!"

  Napahinto ako nang marinig na may tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita si Ivronsen na nagmamadaling nilapitan ako. Napaatras ako nang hawakan niya ang mukha ko. Umalon ang lalamunan niya habang mariin na pinagmasdan ang mukha ko.

"H-hoy, anong ginagawa mo?"   kinakabahan kong tanong dito at itinulak siya. Umiling siya at bigla akong niyakap nang mahigpit.

"Tangina. 'Wag kang gumaniyan, hoi!" hindi ako sanay.

"Nababaliw kana," bulong ko habang tinatapik ang balikat niya para kumalas na siya sa akin. Naramdaman ko ang pag-iling niya sa balikat ko.

"Huwag mo akong iiwan."

"H-ha? Hoy, baliw ka ba?" mas kinabahan pa ako lalo sa ikinikilos nito.

   T-tangina... Hindi kaya... Shit. Hindi maari.

"Hindi ko kayang iiwan ako ng babaeng mahal ko."

   Napalunok ako sa narinig ko. Napakurap-kurap at hindi makapagsalita. Bumara pa yata ang lalamunan ko.

  Hindi ko nagawang makasagot sa kaniya lalo na nang makita ang isang pulang tuldok na tumutok sa likuran niya. Napakunot ang noo ko at nanlaki ang mata. Sinundan ko mula sa dilim kung saan nanggagaling iyon at nakita ang isang nakaitim na lalaki na nakatutok sa amin ang sniper na dala.

"I-ivronsen-"

  Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang tuluyan na itong pumutok. Mabilis na umikot ako at itinulak si Ivronsen na walang kaalam-alam.

  Nagpagulong-gulong kaming dalawa sa semento hanggang sa mabangga kami sa gutter. Napapaibabawan ako ni Ivronsen na gulat na gulat sa bilis ng pangyayari.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon