Chapter 53
Nemesis
"Akala ko ba siya ang galit sa'yo? Bakit ikaw ang mukhang galit ngayon?" untag sa akin ni Shane. Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa buhanginan.
"Ay! Nagseselos ka?" parang nabingi ako sa tanong nito.
"Hindi!"
"Oh, eh bakit ka nagagalit sa'kin?Nagtatanong lang."
Hindi ko na pinansin ang bunganga ni Shane at idinerekta na lang ang tingin sa papalubog na araw. Ngayong magdadapit hapon lang lumabas si Margarette kasama si Trinity na kakagising lang. Ramdam na ramdam ko ang malamig na atmospera sa pagitan nilang dalawa ni Ivronsen.
Nakita kong sinalubong ni kuya si Marga. Tumaas ang kilay ko.
"Tanginan 'yan. Mamatay na lahat ng babaero," narinig ko pang bulong ni Shane habang matalim ang tingin kay Andrei na may kausap na isang babaeng maganda.
May mga nagcheck in kasing mga babaeng turista, gaya nga ng sabi ni Shane kanina kaya ayun at nambabae na ang iba. Ang mga may nobya lang ang wala, gaya ni Zyrel at Dwayne, pati na pala si Louige. Si Ivronsen naman ay mag isang naliligo.
Si Iverson ay nagpapaka hero na naman at siya iyong tumutulong mag welcome sa pagpapasok ng mga babae. Pasimpleng lumalandi eh.
Nang tuluyan nang mawala ang araw ay nagsimula na namang ihain ang mga alak. Pang hardcore na talaga ang mga drinks at masasabi kong makno-knock out ako sa sampung shot lang.
"Sexiest woman of the night natin ngayon ay si Louie kaya siya ang unang iinom," sabi ni Amelynx nang matapos na magprepara ang lahat. Halos hindi pa nga marinig ang boses nito dahil sa malakas na tunog mula sa speaker. Hindi naman ito pinatunog kahapon dahil kami-kami lang din.
Nilagok ko ang isang shot at masuwerteng hindi man lang nag-iba ang mukha ko sa sobrang pait nito. Ano bang klaseng inumin ito? Sa unang baso pa lang ay uminit na ang katawan ko at parang hinimay nito lahat ng natutulog na ugat sa loob ko. Eww.
" Ano ba iyan! Napakahard naman niyan!" reklamo pa ni Trinity na siyang may pinakamababang alcohol tolerance sa amin. Humalakhak naman kami sa sinabi niya at nagpatuloy sa pag inom.
Sa ikalimang baso ko ay ramdam ko talaga na masyado nang mainit at parang sasabog na ako. Sigurado akong namumula na ang mukha at balat ko katulad nina Marga, Montenegro at kuya. Ang lasa ng alak ay nakakaadik kahit na sobrang pait.
Napapikit nalang ako nang mariin nang maramdaman na parang umiikot na ang mundo ko.
"This hard liquor drink can make you drunk after just three shots so consider yourself lucky if you're still sane after drinking ten shots,," wika pa ni Amelynx at halos tunggain na ang bote.
Si Genessa ay pulang pula na ang mukha kaya pinapahinto na ni Hans at siya na ang tumatanggap sa shot nito. Si Alieth ay nilalaro lamang ang baso niya. Tsk. Masuwerte siya at si Dwayne ang umaariba sa pagtagay.
Sa apat na oras ay naubos namin ang anim na bote. Unti unti nang nawawala ang ulirat ko pero sumama pa rin ako sa kanila na pumasok sa bar kahit na hindi ako sumasayaw. Plano ko lang sanang tingnan sila dahil may foam party daw.
Pagpasok namin ay walang masyadong tao kaya ayun at naglupasay na sa dancefloor ang mga lintek. Nangunguna si Shane na pinipigilan ni Andrei at sumunod ang disipolo niyang si Amelynx. Napahalakhak nalang ako habang isinasandal ang ulo sa sofa. Napapapiksi ako kapag nababasa sa mga bula na sinasadya namang ipatama sa akin ng mga lintek.
I craned my neck and massaged it a bit. Ang init talaga. Pakiramdam ko ay na alcohol poison ako. Paanong hindi?Nakainom lang naman ako ng labing siyam na shot noong ininom namin. Sabi kasi nila kanina bilangin namin ang baso at ako namang uto uto ay pumayag. Bwisit. Bakit nga ba ako umiinom ng marami?
"Louie, sayaw ka! Daya!"
Umiling ako sa imbita ni Amelynx pero hindi nagpipigil ang lintek at hinila ako. Isa pa 'to na alam kong lasing kanina pa. Nagcheer pa sila sa akin pero umaayaw talaga ako.
"Sasayaw iyan kapag si Ivronsen ang papares."
Mas lalong hindi. 'Wag niyo na akong itulak doon dahil may iringan pa iyon sa childhood sweetheart niya.
"Hindi! Nasaan ba kasi si cutie boy?Punyetang kanina pa iyon wala dito, ah!"
"Nang chiks siguro."
Napasimangot ako sa pinag uusapan nila. Akmang babalik ako sa inuupuan ko kanina nang mabangga ko ang isang tao. Napahimas ako sa noo ko at hinawi ito para makadaan ako pero bigla akong hinigit nito at mariin na hinawakan ang pulso. Agad kong nakilala ito.
"S-saan tayo pupunta?" wala sa sarili kong tanong. Pumipikit-pikit na ang mata ko sa sobrang bigat ng talukap nito.
"Will you also do this if a stranger comes to you and drags you like this?" tanong niya sa isang boses na hindi ko alam kung galit o ano. Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik. Marahil dahil sa ginawa ko ay huminto siya kaya muli akong nabangga sa dibdib niya.
Naiinis kong tinignan siya at iwinaklit ang kamay pero nahuli niya ito at tinignan ako ng mariin. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya napaatras ako ng ilang hakbang.
"So, that explained it. You're drunk."
"Hindi ako lasing."
"Really, hmm? Kaya pala naubos niyo ang anim na bote?" sarkastiko nitong tanong at napaingos naman ako.
"Pakialam mo ba? Bumalik ka sa babae mo."
Halos murahin ko na ang sarili ko sa naging sagot. Tsk. Mukhang lasing na nga ata ako dahil hindi ko na mapigilan ang bibig ko. Napaiwas ako ng tingin nang makita ang ngisi sa mukha niya.
"You want to get yourself drunk because of that thought?"
"Bakit? Saan kaba nanggaling kanina?" pabalik ko namang tanong.
"May inasikaso lang saglit," tipid niyang sagot.
Umiling na lamang ako at umuna sa paglalakad. Kahit ang paglalakad ko ay gumegewang na.
"Tss. That's what you get for drinking too much."
Kasalanan mo iyan.
"Come on. I'll piggyback ride you," wika pa nito habang hinahabol ako. Hinawakan niya ako saka pinapunta sa likod niya at pumusisyon. Wala akong nagawa kundi ang sumakay sa likod niya at yumapos sa leeg.
Wala sa sariling inilagay ko ang ilong ko sa leeg niya. Inamoy ko ang pabango niya doon. Naramdaman ko ang paninigas niya sa ginawa ko.
"Nemesis, stop teasing me."
"Hmm."
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Shane kanina. It's normal to consummate the marriage.
Wala na yata ako sa tamang pag iisip. Nawawala na ako sa katinuan at hindi ko magawang pigilan ang sarili. His body feels warm but not as hot as drinking a liquor. Parang gusto ko nalang isiksik ang sarili sa kaniya. I purred like a cat. Humagikhik ako nang patakan ko ng maliliit na halik ang leeg niya.
"H-hey, stop doing that," paulit ulit nitong pagpapahinto sa akin.
Hindi ko siya pinansin at bagkus ay muli siyang kinagat doon. Sinipsip ko ang balat niya doon at sa hindi malamang dahilan ay nagustuhan ko iyon. Sa bawat paggawa ko noon ay bumabagal ang lakad ni Iverson at naririnig ko ang mabibigat niyang hininga.
"Shit. This is why I don't want you near me when you're drunk. You're turning me on too much."
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...