Chapter 24

43.1K 1.3K 49
                                    

Chapter 24

Nemesis

    Hapon na nang magising ako at ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ni Iverson na halos maduling na ako sa sobrang lapit. Agad na napaatras ako mula sa kaniya at bumangon mula sa pagkakahiga.

"A-anong ginawa mo kanina?"

"Watching you sound asleep."

"Kanina mo pa ako tinitignan?"

"Hmm. Since you fell asleep."

     I let the silence engulf the both of us as I was still recovering from a deep slumber.
    
    Humikab ako at tumayo kalaunan. Napasulyap ako sa orasan na nasa pader at nakitang alas kuwatro y media na. Hala! Ba't nawala sa isipan ko si Spade?

"Iverson!" tawag ko sa kaniya. Nagtataka niya akong tinignan marahil dahil sa pagkabalisa ko.

"Nasaan si boss?"

"Who's your boss?"

"Si Spade! Si Spade! Nasaan?" naghihisterikal kong tanong.

"Why are you so worried about him? It's not like he can't take care of his self."

"Hindi iyan ang ikinababahala ko eh. Hindi noon kabisado ang Pilipinas. Baka kasi mapagtripan siya. Para pa naman iyong nerd," sabi ko pa at nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.

"And?"

"Anong 'and'? Pumapatay 'yun! Lalo na kapag mababanas! Mga gago pa naman ang mga estudyante mo rito, " taranta kong sabi sa kaniya. Napatikhim naman siya at tumayo na rin siya.

"Ba't mo kasi hinayaan 'yung mag-isa sa campus mo. Sana man lang doon mo muna pinatuloy sa mansyon mo."

"I already did but he insisted on finding you when you were gone this afternoon," sabi niya at napapalatak na lang ako.

   Naalala ko. Nasa Spain kami noon at kami ang magkasama para sa isang misyon. Saglit lang ako nawala dahil may iniispiyahan akong business tycoon. Nagulat nalang ako pagbalik sa kinaroroonan niya ay may humigit pa sa sampung tao ang nakahandusay at duguan. I asked him what happened.

"They tried to rob me. So I killed them."

" You could have given them a bit cash."

"I don't bring cash with me. Should I have given them my credit card instead?" Hindi ko alam kung sarcasm ba iyon pero seryoso niya talaga akong tinanong.

"People like them just only have greed."

   Mapapanganga ka nalang talaga sa lalaking iyon. Hindi iyon nag iisip kapag pumapatay eh. Kalabit kung kalabit lang siya ng gatilyo kaya kung may pupuntahan man siya ay kung hindi ako ang kasama, maaring si Andrei, Hans, Shane o Genessa. Walang sinasanto 'yun.

   Nagmadali akong lumabas sa infirmary at kasunod si Iverson. Medyo madilim na ang paligid. Mabuti nalang at naka-on na ang mga lamp post sa paligid. Nagmadali kong sinuyod ang mga lugar na nalalampasan ko, nagdadasal na sana wala pa ngang nabiktima ang isang 'yun.

    At nang makalapit na kami sa gym ay doon nga at nakita ko si Spade. Sa harap niya ay isang dalaga na nanginginig at naiiyak na. Panay ang iling nito dahil mukhang may tinatanong si Spade sa kaniya. Mabuti na lang at walang nakakita dahil mas iinit lang ang ulo ng isang 'to kapag maraming tao.

   Tuluyan nang nanlaki ang mata ko nang maglabas siya nang baril at tinutukan ang babae. Nagmadali ako sa pagtakbo at gamit ang mabilis na paghakbang ay nakarating ako sa harap nilang dalawa. Dumadagundong ang kaba sa dibdib ko habang nakikita ang sobrang dilim niyang mukha.

   Sinulyapan ko ang babae at tinanguan siya para magmadali na sa pag-alis. Pipi niya akong pinasalamatan gamit ang mga mata niya. Ibinaling ko naman ang atensyon ko sa lalaking nasa harap ko. Hindi pa rin bumabalik sa normal ang mukha nito. Ang mga ugat niya sa may ulo at kamay niya ay nagsisilabasan na para bang kunting-kunti nalang ay sasabog na siya sa galit.

   Tumingkayad ako at inabot ang mukha ko. Dahan-dahan ko itong tinampal at hinaplos saka siya binulungan.

"Spade? Spade. This is Louie, can you hear me?" marahan na tanong ko rito. Napahinga naman ako nang malalim nang makita na gumagalaw na ang kulay asul niyang mata. Hinawakan ko ang balikat niya at marahan itong hinaplos para pakalmahin siya.

"L-louie..." bigkas pa niya sa pangalan ko. Napatango tango naman ako.

"Yes, this is me Spade. Im here, okay?" patuloy ko pa sa pagpapakalma sa kaniya.

    Muntik na akong matumba nang bigla niya akong yakapin nang napakahigpit na para bang isang bangungot sa kaniya ang saglit na pagkawala ko. Inilagay niya ang baba niya sa balikat ko at hinaplos ang buhok ko. Mahina kong tinapik-tapik ang likod niya para tuluyan na siyang mapakalma.

"Okay ka na? Huwag mo nang gagawin 'yun, ha?" wika ko pa at nginitian siya. Para naman siyang batang tumango sa akin. Ginulo ko ang buhok niya at hinawakan ang palapulsuhan niya pero pinadausdos niya ang mga daliri niya sa mga daliri ko.

    Ewan ko ba pero parang nakaramdam ako na nakagawa ako ng kasalanan sa paghawak lang sa kamay niya. Dati pa man ay ganito na talaga siya sa akin. Niyayakap niya ako kada pagbalik niya galing sa misyon niya tapos naghahawak kami ng kamay kapag sabay kaming naglalakad, nag aakbayan.

   Para kaming may relasyon, oo pero ang sa akin ay wala itong malisya. Tanging ang pakiramdam ko sa kaniya ay isang kapatid at tunay na kaibigan. Lalo na't nangungulila rin ako sa mga kapatid ko sa mga panahong iyon.

    My feelings are no romance. And I'm sure he's just confused, too.

    Nagtapat siya sa akin noon pero matagal ko nang nilinaw sa kaniya iyon na ganun lang ang pakiramdam ko sa kaniya. Matapos ngang sabihin ko sa kaniya ay hindi na niya ako pinapansin at bigla siyang nawala. At noong bumalik na siya ay dala na si Ace na isang buwan pa lang. Sa pagdating na ni Ace sa buhay niya ay saka lang kami muling nakapag usap nang maayos.

"Boss..."

"I know, Louie. Just let me, okay? I know my limits already," mahina niyang sagot sa akin at malungkot na ngumiti. Hindi ko man gustong makita siyang malungkot pero walang na akong maiibigay pa sa kaniya na higit pa doon.

    Nang malapit na kami sa tapat ni Iverson ay nag angat siya ng tingin sa amin at agad na dumantay ang tingin sa magkahawak naming kamay ni Spade. Binigyan ko siya ng isang hilaw na ngisi at nag peace sign. Naglakad siya palapit sa amin at hinawakan naman ang isa ko pang kamay.

   Napabuntong hininga na lamang ako. Sino bang may sabing magpapatalo ang isang McGregor? At nang magkawak ang kamay ay nagtungo kami sa dorm ko.

  Para kaming mga tanga sa set-up namin. Baka nga kapag may makakita pa sa amin ay sinabihan na ako ng malandi. Hindi naman masiyado!

   Hindi naman kasing haba ng buhok ni Rapunzel ang buhok ko pero bakit parang nararamdaman ko na natatapakan na ng kung sinuman ang dulo nito? Eme.

    Nang makarating kami sa dorm ay nagsabi si Spade na matutulog na muna siya dahil napagod siya kaya hinayaan ko nalang muna. Gigising din 'yun kapag gutom na.

   Kaya ang ginawa ko ay nagluto ako ng kaldereta. Kompleto kasi ang ingredients kaya ginanahan rin ako sa pagluto. Namiss ko tuloy 'yung lutong kaldereta ni lola. Sa kaniya ko kasi natutunan ang pagluluto kahit na nanood lang ako habang kasama niyang nagluluto ang iba pa naming pinsan.

    Nang nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto ay isang pamilyar at matipunong braso ang yumakap sa akin galing sa likuran.

"Iverson!" saway ko rito at tinampal ang braso niya. Inilagay niya ang ilong niya sa leeg ko at nakikiliti ako sa hininga niya roon.

"I really hate it when I see you in the arms of another man, Nemesis. I just couldn't help myself from being jealous. Damn this feeling."





A/N: Ayaw mo ba sa three- eme hehe. Reverse harem muna tayo, guys😆 kaka manhwa ko 'to😆
  

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon