Chapter 13
"Problema 'to," wika ni Isajace nang kami na ang magkapares. Napatango tango ako at huminga nang malalim para mawala ang kaba.
"Anyway, let's not spoil the moment. Hindi ko alam na marunong ka palang sumayaw," puri niya. Umirap ako at sinadyang tapakan ang paa niya kaya napa aray siya at tumawa.
"Napakagaling ko, diba?" panunuya kong tanong sa kaniya.
Mabuti na lamang at nagmaintain talaga ng space si Isajace dahil kung wala, baka naka freeze pa rin ngayon ang atmosphere. Grabeh talaga kanina eh. Ang lamig pero hindi ko alam kung bakit nagpapawis ako.
"It's a nice time dancing with you, Lady in black," pahabol na sabi ni Isajace nang magchange partner uli. At heto na nga ang kalbaryo ko!
Ramdam ko ang higpit ng hawak ni Iverson sa bewang ko. Napapikit ako at nagbaba ng tingin. Sa titig niya ay para bang pinaparamdam niya sa akin na nagtataksil ako sa kaniya.
"Ivronsen is interested with you, isn't he?" hindi na niya mapigilang magtanong.
Napatikhim ako at unti unting iginagalaw ang braso ko galing sa balikat niya hanggang sa leeg at ipinulupot doon. Nakita ko siyang pumikit na para bang pinakalma ang halimaw na nasa loob niya. Nang muli siyang tumingin sa akin ay malambot na ang titig niya at hindi na nakaigting ang panga.
Tinanggal niya ang maskara niya at inilagay iyon sa bulsa niya. Hindi natatanggal ang titig niya sa akin habang ginagawa iyon. Para akong hinihigop ng berde niyang mata habang nakatitig ako. Nakakahipnotismo.
Hindi ko namalayan na kinuha niya pala ang maskara ko kaya nagulat ako at kukunin sanang muli pero hindi niya ibinigay. Nang inikot niya ako ay kinalas niya ang pagkakatali ng buhok ko kaya malaya itong bumagsak at tumabon sa likod ko. Sinimangutan ko siya.
"Ba't mo kinalas ang tali?"
"You're showing them too much of your skin. Everyone's staring at it," sabi niya sa isang matigas na tono.
"Pero matagal kong inayos 'yun para gumanda ako," sagot ko naman sa kaniya. Tumaas ang kilay niya.
"You are already beautiful. You don't need to make all the boys in this school kneel in front of you."
I chuckled at his remark. Now, I sound like a selfish whore.
"Are your violet eyes natural?" tanong niya at tumango ako.
"Inborn. Swerte nga ako't hindi ako nagka Albinism," proud kong sabi.
Kinulang kasi ng dilaw na pigment ang mata ko kaya ito nagkulay ube. At ang pagkakaroon ng Albinism ay maaaring rumesulta sa pagkapipi.
"Now, I regret myself for making you wear that," sabi niya sa sarili habang inililihis ang tingin.
"Paano pa kaya kung isinuot ko yung mga mas sexy sa ipinadala mo?" tanong ko sabay ngisi. Dumilim naman ang mata niya na nakatingin sa akin.
"No," sabi pa niya at umiling. Napatawa nalang ako. Hindi ko alam kung ang pagiging possessive niya ay parte lang talaga ng pagkatao niya o dahil sa crush niya ako kaya siya nagseselos.
Ang tanda ko na tapos may pa crush crush pa akong nalalaman. Lasing na nga ata talaga ako.
"So you're gonna date me?" tanong niya na parang nangungumpirma. Tumango ako at nginisihan siya.
"Si Zyrel sana ang pipiliin ko noon eh," pagkukunwari ko pa.
"Tease me again and you'll see what I am capable of when I get jealous."
Oo na. Mananahimik na nga.
Hindi nagtagal ay natapos din ang sayawan. At sa isang iglap ay parang naging seryoso ang paligid. Ang mga kaninang makukulit at hyper na mga babae ay nakaupo at seryosong nag uusap. Wala naman si Iverson sa tabi ko dahil siya ang mag announce sa stage.
Mabuti nalang at grade 10 pataas lang ang mga estudyanteng narito ngayong gabi kundi baka pati sila ay maguguluhan sa nangyayari.
"Tonight, everyone will sign up to his or her new patron or renew the patronship that just expired at this moment. Remember, no patron means no immunization. Tandaan niyo na kapag nasa isang patron na kayo ay kalaban mo na rin ang kabila sa panahon ng Duel.
Kaibigan at kaklase pa rin naman tayong lahat pero sa panahon ng duwelo ay kailangan nating iwaglit sa isipan natin ang relasyon sa isat isa kung gusto niyong manalo. Kung ayaw niyong masama sa Red List, maintain your rank, in the group and in the over all," paliwanag ni Iverson.
So, para pala itong fraternity.
"Now to those who wish to return their badge to Ivronsen's Patron, please rise and choose whether to change your patronship or to be neutral."
May iilan na tumayo at nagtungo kay Ivronsen at isinauli ang badge. Karamihan sakanila ay lalaki. Ang mga tumayo naman ay nagtungo kay Iverson at kumuha ng badge.
"And to those who want to quit my patron, return your badge to me and choose. To change your patronship or to be neutral."
May limang babae ang tumayo at isinauli ang badge kay Iverson at nagtungo kay Ivronsen para kumuha ng badge.
"At para naman sa mga nanatiling neutral o wala pang kinuha na patron, it's your chance to be part of a patron now," patuloy ni Iverson at nagtama ang paningin namin.
Tumayo naman ako kasabay ang iilang mga estudyante. Ofcourse, sa patron ni Iverson ako. May nararamdaman akong iilang mainit na titig sa akin at nasisigurado kong ang kabilang patron ito.
"Welcome to my patron, Nemesis," bati ni Iverson sa akin. Nginisihan ko siya at tinanggap na ang badge. Nang makabalik ako ay doon na pinagbuklod buklod ang dalawang grupo.
"Ivronsen's patron member, please rise," utos ni Iverson at tumayo naman ang mga myembro. Pinagkakatitigan ko ang mga mukha nila at nagulat ako nang makita ko si Zyrel, Kenshin at Maximillian doon. Ba't nahati sila?
"Iverson's patron member, rise," agad naman kaming tumayo.
Most of the eyes of Ivronsen's patron members were on me. Masama ang tingin ng mga ito sa akin habang kalmado ko naman silang tinignan.
"Mag ingat ka. Mainit ka sa mga mata ng lahat," napatingin ako sa babaeng nagsalita sa gilid ko. Medyo kulot ang mahaba at itim nitong buhok. Nakasuot siya ng kulay kahel na dress at may salamin. Hinawi niya ang bangs niya at nginitian ako.
"Hindi ka natatakot, kakaiba. Alam ko talagang may kakaiba sayo," wika niya pa.
"Ang paaralang ito ay hindi para sa mahihina. Hindi sa mga duwag at tanga. Sinasabi ko, kapag target ka ng kabilang patron, aasahan mong kailanman ay walang araw na tatahimik ang buhay mo dito. Your journey had just started, Ms. Lady in black," and with that she left.
Tinitigan ko ang likod niya at inikot ang dulo ng buhok ko. Nagkibit balikat ako. Mas exciting at thrilling. Parang unti unti ko nang minamahal ang misyon ko ah!
Sinulyapan ko si Iverson na abala sa pag aasikaso ng kung ano sa mesa niya. Tinutulungan ni Amelynx si Iverson habang si Zyrel naman ang katulong ni Ivronsen.
Tinitigan ko ang badge na hinahawakan ko at napangisi. Ngayong gabi ay opisyal na nasa patron na ako ni Iverson.
The thrill is yet to begin.
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...