Chapter 67

32.6K 922 45
                                    

Chapter 67

Kinabukasan ay lutang na lutang ako kahit na sa pagpapaalam nina Shane. Uuwi na kasi sila sa Japan ngayon dahil kailangan na kailangan sila doon.

"Boss, okay lang ba talaga na magstay si Ace dito? Pwede rin naman kasing dalhin namin siya."

"Ayos lang. Hindi rin naman siya matututukan doon," sagot ko habang pinapakalma si Ace na kanina pa nagwawala dahil ayaw talagang sumama kina Shane.

"Mom, I don't want to go. No. I don't want to go home. Mom..." patuloy pa rin ito sa pag-iyak.

"Shh. They won't bring you, okay?You'll stay with me," sabi ko at hinaplos ang basa niyang likod.

  Napailing sila nang makita ang kalagayan ni Ace.

"Hay, nako. Itong bata talagang ito. Oh, siya. Montero, mag ingat ka kung ayaw mong maging malamig na bangkay ka nalang. Ang dami ng naghahabol sa'yo. Ang haba ng hair este sungay," natatawa pang pahabol ni Shane habang isinusukbit ang bag sa balikat niya. Blanko ang tingin ko sa kanila at alam kong napapansin nila iyon, hindi nalang nagtanong.

"Tsaka si Ace rin, boss. Kapag napahamak 'yan, hindi ko alam kung ikaw ba ang magiging suspek o kami. Bias ang ama niyan eh. Unfair!" Dagdag pa ni Andrei. Napairap ako.

"Oo na. Umalis na kayo. Ingay niyo," pagtataboy ko sa kanila. Napatawa ang mga ito.

"Louie, tandaan mo..." napatingin ako kay Genessa na misteryosong nakangiti sa akin kaya napataas ang kilay ko. Ano na namang pasuspense nito?

"Ano?"

"Huwag kang mamangka sa dalawang ilog, ha? Kahit na pilit ka pang iniimbita ng isa, huwag na huwag dahil ikapapahamak mo iyan. Bantayan mo rin ang sa iyo nang hindi maagaw ng iba. Kapag iyan na off the hook, maiiwan ka talaga sa ere."

"Anong ibig mong sabihin?" nanliliit ang matang tanong ko.

  Pansin ko lang na medyo slow ako nitong mga nakaraang araw. Pakiramdam ko tuloy ay nagiging bobo na ako.

"It's for me to know and for you to find out. Sinasabihan lang kita sa mga nakikita ko sa mga paligid mo. Medyo komplikado ang mga taong nakapalibot na tao sa iyo. Halos lahat, may itinatagong sekreto... na maaring makakapagbigay sa mga tanong mo ng kasagutan. Hagilapin mo ang nakaraan at pagtagpi-tagpiin mo ang mga nagkapira-pirasong mga clue."

  Ang matalinhaga talaga ng babaeng ito! Pero may sense naman. May alam kaya 'to sa mga nangyayari? Hindi na nga pala dapat akong magtaka. Sa mapagmasid ba namang mga mata ng babaeng ito, walang papalyang bagay na hindi niya napapansin.

  Sa pag-alis nila ay bumalik uli ang katahimikan ng dorm ko. Napabuntong hininga ako at umupo sa tabi ni Ace na may kung anong hinahalungkat sa cellphone ko.

"Mom."

"Hmm?"

"When we're at the park, I saw a woman."

  Napatingin ako kay Ace na parang wala lang naman sa kaniya ang sinabi. Pero ang kaba ko ay biglang sumiklab sa hindi malamang dahilan.

"Then what happened?" sinubukan kong pakalmahin ang sarili sa pagtanong sa kaniya.

"Nothing. It's just that... she's so weird. She keeps on staring at me. And it's irritating. She's annoying," parang nababanas nitong kuwento habang nagpapatuloy pa rin sa paglaro sa cellphone ko.

"Can you describe her?"

"Well, she is pretty. Tall and fair. She has a black short hair. She has blue eyes and narrow nose. And there's an angle that she looks like you but don't worry mom, you're still the most gorgeous girl I've ever seen," napanguso ako sa pang uuto niya.

   Mukhang napansin nito na hindi ako naniniwala kaya tumingin siya sa akin, huminto sa paglaro at bumangon para halikan ako sa pisngi.

"Stay here, okay? I'll just call your dad," paalam ko at nagmadaling pumasok sa kwarto.

  Agad na binuksan ko ang laptop ko at kinontak si Spade. May iba talaga akong kutob eh. Masama ang kutob ko. Hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko ay may kung anong mangyayari. Parang may pasabog na dadating.

  Bago ko pa mapindot ang caller ID ni Spade ay biglang nag ring ang laptop at si Spade ang tumatawag. Mukhang nagkasabay kami. Naka video call kaya medyo nahiya ako sa itsura ko.

"Hi, Nemesis," nakangiting bati nito. Magulo ang buhok nito at mapupungay pa ang mga mata na mukhang kakagising lang ata.

"Boss," bati ko pabalik.

"I miss you."

  Ang landi ng lolo niyo.

"Alam ko. Nandito pala si Ace."

"I know."

"Bakit ka napatawag?"

   Agad na nakita ko ang pagbago sa ekspresyon niya. Sumeryoso siya at bumigat ang aura na nakapaligid sa amin. Nakita ko rin ang pagdilim ng paningin niya.

"The Monteros are getting into my nerves already. Napipigtas na ang pasensya ko," malamig na wika nito at ang mukha niya'y parang gusto nang pulbusin ang mga Montero. Napayuko ako sa tindi ng guilt na nararamdaman ko.

Pakiramdam ko ay nagiging pabigat na ako sa organisasyon namin. Pati na kina Iverson.

"You're not a Montero, Louie kaya huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyayari sa organisyon natin. You're a Stavros. Hindi ka kabilang sa pamilya nila simula nang itaboy ka nila."

"Pero ako pa rin ang dahilan kung bakit nagkakagulo, Spade. Binibigyan ko ng sakit ng ulo ang mga master natin."

"Sa ngayon lang ito, Louie. I will make sure I can find some evidence to prove your innocence. I am trying to find anything that's left over the crime."

"Sa ngayon, you just need to protect yourself from all the goons the Montero's might send to you. But remember to not kill anyone who's part of their blood. Maari iyong maging daan para mabura ka ng tuluyan sa landas nila. And I know you don't want that to happen. I know you want to seek justice for your father," wika niya na nagpatango sa akin.

  Isa nga akong magaling na assassin pero pagdating sa bagay na ito ay tiklop ako. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos sa mga kilos ko.

"And one more thing... I already found out on her identity. I didn't expect the world to be too small that Ace's mother is also a Montero. Nyx Dianne Villaruel."

"Nito ko lang din nalaman, Spade. Anong plano mo sa kaniya?" kuryuso kong tanong. Bumuntong hininga siya at umiling.

"I don't have plans on her yet. I am helping dad now. Pauwi na ako ng Japan ngayon. Dad wants you to come with me too. Nag aalala daw siya sa'yo."

"One more thing about Nyx is that she's been trying to hide from his father. Why?Is her father treating her badly?"

"Sa pagkakaalam ko ay gusto ng papa niya na sumunod sila sa gusto nito. Hindi niya gusto iyon. Iyon lang din ang alam ko."

"Oh, okay. I don't know why am I having this feeling but I think...I think..."

"Ano?"

"Never mind. By the way, she's in the Philippines now. Nasa mga Montero siya," kalmado nitong sabi.

   Bumagsak ang mata ko mula kay Spade patungo sa keyboard ng laptop. Humugot ako ng malalim na hininga at pilit na pinapakalma ang sarili. Why do I have this feeling that Nyx coming back is a danger?

  Shit. Nyx Dianne Montero Villaruel is in the Philippines. Will she be a friend or a foe?





-----

A/N: Nyx is on the run!!!

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon