Chapter 50
Matapos ang dare ko kagabi ay masuwerte na hindi na ako naturo pa. Hindi ko nakaligtaan ang pagkuyom ng kamao ni Margarette. Hindi siya tumingin sa akin o kahit nagsalita man lang. Nakita kong napasulyap si Ivronsen sa kaniya.
Samantalang naturo ng isang beses si Iverson at pinatumbling siya ni Shane ng tatlong beses, 'yun lang naman. Pagkatapos ay nagsalit-salitan na sina Zyrel, Trinity, at iba pang mga mokong.
Kahit na medyo nawawala na rin ako sa ulirat ko ay nakikita ko pa rin naman na parang may kakaiba talaga sa pagitan ni Ivronsen at Marga. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa ito ang unang beses na nakita ko silang magkasama na sobrang tahimik o...
Ang tsismosa ko na yata.
Nanigas ako nang may maramdamang yumakap sa bewang ko. Mas lalo pa nang sumiksik ang ulo nito sa leeg ko at naramdaman ko doon ang nakakakiliti nitong hininga. Ang kamay nito ay gumapang papasok sa loob ng t shirt ko.
"Iverson!" saway ko nang akmang gagalaw pa ito pataas. Napatawa naman ang may sala at mas hinigpitan pa ang pagkakayapos sa akin.
"I thought you're still asleep."
"Tss."
Tatayo na sana ako nang bigla niya akong dinaganan at inilapit ang mukha niya sa akin. 'Yung halos maduling na ako sa lapit ng mukha niya sa mata ko. Ang mataas nitong ilong ay tumama sa tungki ng ilong ko.
"Goodmorning, Nemesis," bulong pa nito gamit ang sensuwal na boses. Napalunok ako habang pinagmamasdan itong pasimpleng pinasadahan ang labi gamit ang dila niya.
"Mas cute pa rin ba sa akin ang Taehyung at Jungkook mo?"
Napakurap kurap ako sa tanong niya at naalala na naman ang epic niyang mukha kahapon. Iyong ngipin niyang labas at nawawalang mata sa sobrang intsik.
"Umalis ka nga sa ibabaw ko. Ayaw kong mamura ka ng ganitong kaaga," natatawa kong saad sa kaniya. Nakita ko ang pagsimangot niya at umalis siya sa ibabaw ko. Deretso itong pumasok ng cr at pagkalabas ay hindi na ako pinansin.
Siya pang galit, ah!
Napakamot nalang ako sa ulo ko at naghanda na rin sa pagbaba. Noong makarating na ako sa cottage ay abalang abala ang lahat sa paghanda sa kakaining almusal este pananghalian na pala.
Ang iba ay naliligo na naman na akala mo hindi man lang napagod sa inuman kagabi. Sa dami ng case na naubos nila, isama mo pa ang ilang bote ng JD ay parang nag aalcohol poisoning na sila. Pero mukhang wala lang sa kanila ngayon. Galing.
"Louie!"
"Oh?"
"Hanapin mo nga si Ivronsen at Marga nang maihatid na ang iinutos ko sa kanila," utos pa ni Shane na naghahanda sa mga kubyertos na akala mo walang ginawa sa akin kagabi. Ang kapal!
"At saka nga pala, nasisiyahan ako sa Margang iyon ngayon dahil hindi nakabuntot sa asawa mo, ha. In fairness, mukhang may something sa kanila ng fuckboy na si Ivronsen. Puntahan mo na at baka nakaiskor na ang mga iyon," pahabol pa nito. Baliw talaga.
Habang naglalakad ay dahan dahan kong pinakiramdaman ang paligid. Ang mga assassin na iyon ay hindi minamaliit dahil nagawa nilang itago ang presensya nila na ang tagal ko pang naramdaman. Wala na akong makitang kakaiba sa paligid pero ramdam ko pa rin ang isang mabigat na presensya... isang napakabigat na presensya.
Andami pa talagang mangyayari sa mga nalalabing araw ko dito sa beach na ito. Ayos lang at may mapapala naman ako sa pagsama ko dito.
Hindi ko pa nga nasasabi kay Iverson ang nakita ko pero alam kong matalas din ang pakiramdam ng isang iyon, hindi na kailangang sabihan pa. Kaya nga panay rin ang pag follow up ko sa mga pangyayari ngayon sa organisasyon namin lalo na kay Master Club dahil maaring atakehin ang lugar ko doon.
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...