Chapter 82
"Anong gusto mong sabihin?" ang malamig na boses ni Louie ang dumagundong sa tainga ni Iverson. Iniwan muna kasi sila para makapag-usap habang ang dalawa ay hinahanda ang jet na gagamitin nila sa pagbalik sa Pilipinas. They can't book on airlines because they are being hunted right now.
"I-I want to ask if are you still angry," halos mautal si Iverson. His lashes were lowered while trying to sooth Louie's anger. Gusto niyang maayos ang nangyari sa pagitan nilang dalawa.
"Kung sasabihin kong oo, may magagawa ka ba?"
"I'm sorry for not telling you immediately," Iverson said guiltily.
"Ang sabi mo lang kasi, nagkaproblema sa organisasyon niyo. Sige, okay lang. Pero ang makita kita uli tapos nakikipaghalikan ka, hindi na iyon okay. Siraulo ka. Kung makipaghalikan ako kay Spade-"
"Dare not."
"Oh, diba? Sinasabi ko palang nagagalit kana. Eh sarap na sarap ka pa nga sa halikan nyo. Napapakapit kapa sa balikat ng pinsan ko," nakataas kilay at nakangiwing wika ni Louie.
Napaawang ang labi ni Iverson na parang may gusto siyang sabihin sa babae pero hindi niya magawa dahil sa gulat. Sa isang iglap ay biglang gumaan ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"Oh, itatanggi mo pa?"
"I-its not, okay? I was trying to push her back a little because she was k-kissing me aggressively."
"Ganoon?" hindi nakukumbinsing tanong ni Louie.
"Yes, it is! I wasn't expecting that mama would made us do that thing and I also didn't know that someone was spying us. Wala sa plano namin ang maghalikan. Nagulat din ako. Lalo na nang dumating ka," Iverson defended himself and Louie still looked unconvinced.
"Okay, okay. I will make this clear. Totoong nagkaaberya sa organisasyon namin because someone attacked our men and got almost half of them were killed. Natuklasan ko na ang malakas na puwersang iyon ay galing sa organisasyon na pinataob mo dati - ang The Sin.
Habang abala ako sa pagt-trace sa organisasyon na iyon ay may kababalaghan palang ginagawa si mama. I didn't expect that she contacted the Monteros and immediately made an engagement between me and Nyx," Iverson explained his side further.
"Kaya nagawa iyon ng mama mo dahil alam niyang ang kasal sa pagitan natin ay hindi totoo. Tama nga ang sinabi ng mama mo, nagmumukha akong tanga. Bakit mo pa ako kailangang lokohin na hindi pala totoo-"
"No. The marriage wasn't fake, Nemesis. Iyon ang alam ni mama dahil tinago namin nina lolo at papa ang totoo. We all knew that she wasn't still over the issue between her and your father. Galit pa si mama sa mama mo. So to avoid conflicts, we hid the truth and planned to tell her after sometime. The marriage contract that you once signed was real, Nemesis. I can give you the registrar number if you want."
" Talaga lang, ha?" ang nasabi ni Louie.
Naiinis siya sa sarili niya dahil hindi niya alam kung bakit nagngingiti siya sa kaloob-looban niya nang marinig ang sinabi ni Iverson. Nag-isang linya ang kilay ni Iverson nang marinig ang sagot ng dalaga.
"Talaga!" he chimed in. Louie snapped out and scratched her head.
"Whatever. Pero anong nagbalik ang The Sin?" paglilihis ni Louie. Iverson was easily distracted kaya marahil ay talagang malaking problema ito sa organisasyon nila. Unti-unting nagseryoso muli si Louie.
"Yes. Nahuli namin ang isa sa kanila at kinumpirma nga nito na nabuong muli ang organisasyong iyon."
'Tanginang tibay naman talaga ng organisasyong iyon,' ani Louie sa sarili.
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...