Chapter 14

51.2K 1.4K 22
                                    

Chapter 14

    Parang ninja akong lumabas ng hall habang bitbit ang stilletos ko. Kanina pa kasi sumasakit ang paa ko kaya hinubad ko na. Bahala nang nakapaa lang akong babalik sa dorm ko.

    May pintuan akong nakita nang pumunta ako malapit sa backstage kaya napangiti ako. Pipihitin ko na sana ang seradura nang biglang may humawak sa balikat ko at isinandal ako sa pader.

"Iverson!" mahina kong sigaw habang pinanlalakihan siya ng mata. Grabeh! Ni hindi ko namalayan na may sumusunod sa akin.

"Where are you going?"

"Uuwi na ako," sagot ko at pilit na gumagawa ng paraan para makalabas sa dalawa niyang braso na nakaatang sa magkabilang gilid ng mukha ko.

"You are not going anywhere."

   Napalunok ako nang magtama ang mata namin. Wala naman siguro akong kasalanan diba?

"P-pero -"

"May kasalanan ka. Alam mo ba ang parusa?"

   Kasasabi ko lang eh.

"A-ah? Bakit? Anong ginawa ko?" naguguluhan kong tanong.

"You just made me jealous. I am just prolonging it while we're dancing," sabi niya sa isang napapaos na boses. Napalunok uli ako nang maramdaman ang kamay niya na humahaplos mula sa balikat hanggang sa may leeg ko.

"You danced with Ivronsen and Isajace."

"Palagi mo ring tinititigan si Ivronsen na para bang interesado ka sa kaniya."

"Hinayaan mo rin na yakapin ka niya at magdikit ang katawan niyo."

"You even mentioned that you like to date Zyrel.

"Now, tell me Nemesis. Sinong asawa ang hindi magseselos doon?"

   Napapalunok nalang ako habang iniisa-isa niya ang mga kasalanan ko kuno. Well, that's all to spite him anyways.

   Mas napaatras pa ako sa pader nang hinaplos niya ang mukha ko at unti unting mas inilapit pa ang mukha sa akin. Sa paglapit niya ay doon ko mas naklaro ang emosyong nagbabaga sa mata niya.

   Ang mga baga sa mata niya ay unti-unti akong tinutupok. Napakainit.

"Tell me Nemesis. Whose husband will not get jealous upon seeing his wife being held in another man's arms?" nanunuya at dominante ang boses niyang tanong. Na para bang pinaparamdam talaga sa akin na kasalanan ko talaga 'yun at kailangan kong parusahan.

    Ang ingay sa loob ay parang hindi nakaistorbo sa kaniya. Pero ako ay nababalisa na. Kung siya ay hindi natatakot na mahuli kami ng kung sino dito, pwes ako hindi.

"I-iverson, hindi ko kasalanan 'yun," sinubukan kong sumagot sa kaniya at dahan dahan siyang itinutulak palayo.

    Hindi natibag ang lintek. Napalunok ako at naghanap ng butas na maaari kong lusutan.

"Thinking of a way to escape?"

     Napasimangot ako. Bad trip 'to, ah.

     Sekretong gumalaw ang isa kong paa para sana sipain siya pero mukhang alam niya yatang gagawin ko iyon nang mabilis niya itong nahagilap.

    I think he learned from that last time I kicked him.

    Sinubukan ko ang sunod na paraang naisipan ko. Hinablot ko ang braso niya at inikot ito sa likod niya. Mabilis na kinuha ng kamay ko ang isang maliit na kutsilyo na nakatago sa garter, sa ilalim ng dress. Ngunit bago ko pa man mailagay ito sa leeg niya at madehado siya ay agad siyang kumawala sa pagkakahawak ko.

     Ang lakas!

   He tried pinning me down in various ways pero nalulusutan ko. Alam ko namang hindi pa niya ginagamit ang buo niyang lakas.

   Para kaming mga baliw na inaatake ang isa't-isa. Pero wala kaming pakialam.

"Shit!"

    Napairap na lang ako nang mahuli niya ako at ipinalibot sa bewang at leeg ko ang dalawa niyang braso. Narinig ko siyang humalakhak at saka niya pinitik ang noo ko.

    Mas lalo akong nainis. Marahas ko siyang itinulak at kumawala.

    Kinuha kong muli ang stilleto ko at tinalikuran sya.

"Hey!" tawag niya nang nagmartsa na ako tungo sa pintuan at hindi sya pinansin. Mabilis naman siyang nakahabol sa akin at kinalabit ako.

"Bumalik ka na doon. Hindi pa tapos forum nyo," pagtataboy ko pa sa kaniya at hindi pa rin sya tinitignan sa inis.

"Amelynx will take care of it," sagot naman niya. Umingos ako at umirap.

"Hey, I can piggy back ride you. Nakapaa ka pa naman. Baka makaapak ka ng kung ano," he added.

   Bumagal naman ang lakad ko at sinulyapan siya na nakangiti sa akin. Kung hindi lang siya sumayaw eh hindi ako magkakacrush sa kaniya.

"Nemesis..." tawag niya pa. Tinaasan ko sya ng kilay at inirapan uli.

"Hey, wife. Don't be mad anymore," malambing niyang wika at hinawakan ang kamay ko.

  Napahinto kaming dalawa sa gitna ng madilim na daanan at nagkatinginan. Ang mata nito ay nangungusap habang ako naman ay busangot ang mukha siyang tinignan.

    Nakakabad trip talaga ang mukha niya, eh. Kahit na guwapo pa. Nakakainis! Bakit ba kasi ipinanganak siyang may perpektong anyo?

    Hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap nang mahigpit. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.

"I won't tease you anymore, okay? Now, ride on my back," nagpatuloy pa rin ang malambing tono ng boses niya.

   Yumuko sya at sinenyasan akong sumakay na. Napanguso na lang ako at dahan dahang sumakay sa likod niya. Bahala siyang pasanin ang bigat ko.

    Iginapos ko ang braso ko sa leeg niya at inilagay ang baba ko roon. Kinuha niya ang stilleto na dala ko at siya na ang nag bitbit. Bigla siyang lumihis ng daan kaya nagtaka ako.

"Ba't ka lumilihis?"

"Mali ang dinaanan mo. Papunta ka sa dorm ng mga college," pagtatama niya sa akin. Napanguso na ako at nagpatuloy sa pagsinghot sa pabango niyang nakakaadik.

"You like my scent?"

"Hmm," sagot ko at hindi na itinanggi.

"Malayo ang dorm mo sa dorm ko?" tanong ko atumango siya.

"Why? Do you want me to transfer to your dorm?" humahalakhak niyang tanong. Hinampas ko ang balikat niya.

"Nagtatanong lang."

"Diba. Paano kung bukas susugurin ako ng mga galit na fans mo? Edi lugi ako sa dami nila?" kunyaring tanong ko habang nilalaro ang buhok niya.

"No. They won't," tanging sagot niya. Bakit kaya napaka kampante nito na hindi ako kukuyugin ng fans niya?

   Nagkibit balikat na lang ako at humikab. Mabuti nalang at natatanaw ko na ang dorm namin. Malapit na.

"You're sleepy?"

"Hmm."

"Just sleep," utos niya.

   Marahil dahil sa alak at antok ay hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ang sarili na  makatulog nalang sa balikat niya.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon