Chapter 56
Isajace
Ngayon na ang araw na uuwi kami kaya nandito na ang iba sa lobby at hinihintay ang mga nasa kanilang suite pa. Habang nakikinig ako ng music sa headphones ko ay pasimple kong minasdan si Marga, Louige at Ivronsen.
" You'll have to send me the paper works when we get home, Margarette," narinig kong utos ni Louige... kay Marga.
" What?! Hindi mo ba ako pagpapahingahin?"
" What's it all about, Marga?" bumaling na din si Ivronsen.
Oh...
May nararamdaman akong kakaiba sa kanila. Mukhang may nangyari. Hmm. Hindi ko na matukoy kung sino ba talagang gusto niya. Nakakalito talaga ang mga babae. Hindi mo matukoy-tukoy kung ano talaga ang tunay na nararamdaman. Kaya ayokong mag girlfriend.
Ilang sandali pa ay dumating ng sabay si Iverson at Louie. Isa pa ito. Si Iverson parang linta kung makabuntot kay Louie, akala mo siya ang babae. Nababaliw na ata ang kaibigan ko.
Masyadong eyesore ang mga landian nila. Masakit sa mata! Lalo na kapag maglalambing si Iverson? Sus. Akala mo hindi siya ang kinatatakutan namin. Ang kapal ng mukha!
Napakaraming nangyari sa isang linggo naming bakasyon.
Ang pagtangkang paglason din sa amin ay nanatiling misteryoso. Sinabihan na namin si Iverson sa nangyari at iyon ang inasikaso niya noong nakaraang gabi na hindi siya nakasama. Sinubukan niyang hanapin ang may pakana pero wala siyang nahanap. Tsk. Mukhang hindi simpleng tao ang naglason sa amin.
Nang makompleto na kami saka lang kami lumabas. Syempre, magkasama ang mga may pares at kaming mga single ay mag iisang kotse lang. Kung bakit ba kasi hindi ako nagdala. Ay, oo nga pala nakakatamad din sa sobrang layo.
Tinanggal ko ang headphones ko nang akmang papasok na ako. Katabi ko si Louige na parang balisa at hindi mapakali. Napasulyap siya kina Marga at Ivronsen at sa wrist watch niya. Para bang gusto niyang lumapit sa dalawa pero parang may inuuna siya.
"Okay ka lang, pre?" tanong ko dito pero tumango lang at inilihis ang tingin sa akin patungo sa bintana.
Nagkibit balikat nalang ako at sumandal sa kotse, sinubukang matulog kahit na sobrang ingay ng mga lintek.
"Saan ba sa mga chiks na 'yun, Phallashton?"
"Hunghang. Wala akong ikinama sa kanila."
"Wee? Kaya pala nakita kong lumabas yung babae sa suite mo kahapon?" pang aasar pa ni Aguirre. Napatawa nalang kami nang mamula si Raphael. Napailing ako sa mga kagagohan nila.
Ako? Tsk. Certified good boy ako. Sila lang naman ang mga sira ulo.
"Eh ikaw, Oliveros? Balita ko, pumapag ibig ka ah?"
"What?"
"Hindi kana nagsasabi sa'min, pre! You're so road."
Sa sobrang ingay namin ay hindi namin namalayan na huminto ang naunang sasakyan kaya muntik na kaming bumangga. Natahimik sila nang makitang nakahinto lahat ng sasakyan. Napakunot ang noo namin at magtatanong na sana nang biglang nag activate ang voicespot ng sasakyan na konektado sa lahat ng mga sasakyan namin.
"Umatras kayo," ang malamig na boses ni Iverson ang una naming narinig.
"Bakit, pre? May nangyari ba?"
Ha? Anong nangyayari?
"Damn," narinig ko ang pagmura ni Louige at ang pagtingin niya sa labas.
"Umatras kayo, bilis! Punyeta!" sigaw pa ni Louie kaya napaatras agad si Raphael na siyang nagdadrive. Nakita rin namin ang pag-atras pa ng ibang sasakyan at sa hindi malamang dahilan ay kumabog ang dibdib ko.

BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...