Chapter 63

33.9K 977 11
                                    

Chapter 63

     Malalim na ang gabi pero heto pa rin ako at nakahiga habang kalahating nakadilat ang mata at sinusubukang magkunwaring tulog. Dinig na dinig ko ang mga mahihinanang tunog ng mga yapak ng mga taong pumasok sa dorm ko. Mabuti nalang at wala sina Ace dito.

    Ang kabila kong kamay ay nakahawak sa isang throwing knife habang hinihintay ang mga itong makapasok sa kwarto ko. Sa tantiya ko ay nasa limang ka tao ang pumasok.

   At hindi nga nagtagal ay dahan dahang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Walang tunog at kung isa ka lang simpleng tao na walang kaalam alam tungkol sa mga bagay na ito, marahil ay himbing na himbing pa rin ang tulog mo.
 
    Ni halos walang tunog ang mga yapak nila, talagang ipinaparamdam sa akin kung gaano sila kasanay sa mga ganito. Sa maliit na siwang sa bintana ay lumagpas ang kakaunting liwanag mula sa buwan. Nakaitim ang mga ito at may tabing sa mukha, normal na ayos ng mga killer.

    Pinalibutan nila ako. Ang nasa bandang uluhan ko ay agad na pumusisyon para paslangin ako gamit ang isang samurai. Ni walang pagdadalawang isip at agad agad. Ang natirirang apat naman ay nasa kabilang gilid ko at nagbabantay. Nang akmang ibabaon na niya ang espada ay gumulong ako sa kabilang bahagi ng kama ko.

    Kahit na sa sobrang dilim sa loob ng silid ay nakikita ko pa rin ang mga galaw nila. Sanay na sanay na ang mga mata ko sa ganito, hasang hasa na mula pagkabata.

     Nabulabog sila at agad akong pinapatamaan ng mga nagtatalasang mga blade ng espada nila. Sa isang madaling kilos ay pinatid ko ang tuhod ng pinakamalapit sa akin at mabilis na itinarak sa ulo niya ang throwing knife na kanina ko pa hawak. Kinuha ko ang katana na dala niya at ginamit iyon sa pakikipaglaban sa iba pang natitira.

   Napuwersa yata ako nang naglapat ang mga talim ng espada namin at napaatras. Masakit pa rin kasi ang puson ko. Ginamit niya ang tsansang iyon para makalapit sa akin pero muli akong sumangga.

   Habang pinapaikutan nila akong apat ay dinamba ko ang isa at agad na pinaslang siya sa dibdib. Dumaloy ang masagana nitong dugo patungo sa kamay ko. Pinulot ko ang espada niya at kinalaban ang tatlo pa.

    Ang isa sa kanila ay napakabilis ng galaw at panay ang depensa habang ang isa ay malakas ang puwersa na inilalagay sa espada sa bawat hampas ng opensa niya sa akin. Ang isa naman ay mapagmasid at mukhang sinusubukang prediktahin ang mga susunod kong kilos.

   Isang maling kilos lang ng mga 'to ay sigurado akong bubulwak ang dugo nila.

    Kaya ang ginawa ko ay nilaro muna sila at kinabisado ang bawat kilos. Para na kaming  binabagyo dito sa loob ng kwarto ko. Basag kung basag ang mga gamit sa loob ng silid. Malapot na rin ang tinatapakan ko dahil sa nagkalat na dugo sa sahig. Muntikan na akong ma slide kaya nagkadaplis ako nang sumugod ang isa.

   Napaluhod ako nang paglandasin niya ang dulo ng espada sa ulo ko. Gumulong ako nang subukan akong paslangin ng isa pa. Napadaing pa ako nang muli na namang sumiklab ang sakit sa puson ko.

    Lintek naman oh! Makisama ka naman kahit na ngayon lang! Bwisit.

       Sinubukan kong sipain ang lumapit sa akin. Bumagsak ito at pumaibabaw sa akin. Ang isa ay parang bobo na hampas nang hampas ng katana niya. Pinaghahanap kami ng mga natira. Kaya para hindi nila kami mahuli ay hinila ko sa isang sulok ang kasama niya. Hinugot ang isang kunai na nakatago sa bulsa ko at itinusok iyon sa leeg niya.

    Nangisay ito bago mawalan ng buhay. At agad ko namang isinunod ang dalawa, kinukuha ang pagkakataon habang nalilingat sila sa kakahanap sa amin. Nang humarap sila sa akin ay itinusok ko sa dibdib ang isang espada at idineretso ko sa ulo ang isa pa. Hinihingal na napaupo ako uli sa kama bago binuksan ang ilaw.

    Ang daming mga bubog sa loob. Purong puno pa ng dugo ang bed sheet at ang marmol na sahig. Nang may maalala ay nilapitan ko ang isang nakahandusay na lalaki at itinaas ang manggas ng damit nito. Nakita ko ang mafia insignia ng mga Montero na klarong nakatatak.

    Napabuntong hininga ako at lumabas ng kwarto para maghugas ng kamay dahil punong puno ito ng dugo. Pati na ang mukha ko na sa tingin ko ay punong puno rin ng talsik ng dugo. Pinahiran ko ang leeg ko dahil doon ang daplis at dumudugo pa ito. Mukhang napalalim ata.

    Muling umalerto ang pakiramdam ko nang may kumatok sa pinto. Pinakiramdaman ko muna kung may negatibong enerhiya ba pero wala kaya pinagbuksan ko. Nagulat ako nang si Iverson ang bumungad sa akin.

   Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nagulat ako nang yakapin niya ako nang napakahigpit.

"Fuck! Fuck," mahinang mura nito habang hinahaplos ang buhok ko.

"I-iverson."

"Shh. You don't know how much it scared me. Fuck. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko," wika niya habang nanatili kami sa pusisyong iyon. 

    Ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng puso niya na parang gusto na atang kumawala. Napapikit ako ng mariin nang makadama ako ng kaginhawaan kahit na sa kabila ng higpit ng yakap niya na wala man lang ata akong balak na pakawalan pa.

   Ilang sandali lang ay lumuwang na ang yakap niya. Hinawakan niya ang mukha ko at tinitigan ako.

"Okay ka lang?"

"Oo. Medyo may daplis lang," sagot ko at pinahiran uli ang dugo mula sa leeg. Nagkamantsa pa ang suot niyang puting sando dahil sa pagyakap niya sa akin.

"Iverson, wala kaming nahuli-" biglang sumulpot si Amelynx na may seryosong ekspresyon. Mukhang nalaman nila na may pumasok kaya naalarma sila.

"What the fuck. Dito sila pumasok?"

    Nang pumasok siya ay dumating rin ang iba pa. Sumandal ako sa sofa at nakatingin lamang sa kanila habang hinahalughog nila ang buong dorm.

"Montenegro, give me the first aid kit," narinig kong utos ni Iverson.

"Shit! Louie, ginawa mo lahat 'yun? Ang brutal mo!" komento nito habang papalapit sa amin at ibinigay kay Iverson ang dalang first aid kit.

" Oh my God! Yucks!"

" Nakakadiri naman, Louie!"

   The men surveyed the sorrounding and horror was registered on their faces.

" Now you understand why Louie did not fight back to Marga and Ishimiyo. Kapag ginawa niya iyon ay- ugh! It's eww talaga!" maarteng puna ni Amelynx. Umirap ako at humugot ng buntong hininga.

"Have you cleared the sorrounding?"

"Yes. 10 yards. Wala na kaming nakalap pa."

    Hinila ako ni Iverson palapit sa kaniya at ginamot ang sugat ko. Matapos niya itong malinisan ay nilagyan na niya ng ointment at bandage. May ininject din siya sa aking anti-tetanus.

"Sunugin niyo ang mga katawan sa dalampasigan. Like a bonfire," saad ni Ivronsen nang makalabas sa kwarto ko.

    Pinagtulungan nilang bitbitin ang mga katawan at isinilid sa isang itim na sako.

"Kung hindi ako nagkakamali ay mga tauhan iyon ng mga Montero, hindi ba?Bakit target nila si Louie?" hindi na mapigilang magtanong ni Phallashton habang nakatutok sa akin ang mala pusang mga mata.

    Bumuntong hininga ako habang sila ay naghihintay ng sagot ko.

"Maari bang ikaw iyong wanted 
na hinahanap ng mga Montero?" sabad naman ni Lopez.

    Ang balitang pagpapahanap sa akin ay kalat na kalat na sa underworld. Walang tao doon na hindi alam ang tungkol doon. Iyon nga lang ay hindi nila alam kung sinong Montero nga ba ang pinapahanap. That specific information was not declared to the public. Iilang mga importanteng tao lang ang may alam.

"Stop asking and just do it for now. We'll talk about this tomorrow," wika ni Iverson.

    Napailing ako at napapalatak.

  Ganoon sila kadeterminadong patayin ako.
 

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon