Chapter 60
Alas otso na nang makabalik kami sa dorm. Ang sakit ng batok ko sa kakayuko at kakasulat dahil ako pa ang nagtapos ng kay Iverson. Bwisit na lalaki 'yun. Halos masubsob na ako sa kinalalakaran ko sa sobra ring antok.
"Mom? Are you tired?" si Ace agad ang unang sumalubong sa akin nang makapasok ako. Kinuha nito ang bag ko at saka hinawakan ang kamay para igiya doon sa sofa.
Napatawa nalang ako sa kalambingan ng batang ito. Kaya kahit na ang pag-aabsent ay nagagawa ko noon para lang kay Ace. Mahal na mahal ko ang batang 'yan. Kahit hindi niya ako tunay na ina ay para na ring ako ang nagluwal sa kaniya. Kung sabagay, pamangkin ko naman siya at magkadugo naman kami.
Oo nga pala. Mukhang matagal-tagal na nung huling magkausap ng ama nito. Nasaan na kaya ang Spade na 'yun? Bakit ba ang hirap hagilapin ni Nyx? Pero ang sabi nga ni Marga ay nakita niya ito noong nasa resort pa lang kami ng mga McGregor. Pero bakit hindi siya nagpakita? Nahihiya siya kay Ivronsen?
Ang pagbabalik ba ni Nyx ay dapat kong ikabahala at pangambahan o hindi?Parang iba rin kasi ang pakiramdam ko sa pagbabalik niya.
Napapiksi ako sa gulat nang lumundag si Ace sa harap ko. Nang mapatingin ako dito ay nakasimangot ito at nakakunot ang noo.
"Why, baby Ace?"
"I just seem to notice that you and that Iverson is so close," wika nito at halos mapatanga ako sa sinabi niya.
Anak, ba't masyado kang observant? At hindi ka pa nag-Kuya, ah. Nasaan na 'yung kahapon?
"A-ah, we're friends," nagdadalawang-isip ko na sagot, sa takot na baka malaman nito na nagsisinungaling ito.
Masyadong matalino.
"Hmm. And Ivronsen is his twin, right? I seem to notice that he keeps on stealing glances at you. All the time."
Napataas ang kilay ko. Talaga? Hindi ko napansin.
"I can also tell who of Iverson's friends like you. There's hmm, that Zyrel?Well, Ate Shane marked him ex because there is Ate Trinity that woman loves him. And that Japanese guy, Fujiwara I think? He admires you, I can say. And-"
"Shh! Those things aren't suppose for you to know, Ace, " pigil ko dito. Napalabi siya saka ako niyakap sa bewang.
"Dad has so many rivals. I wonder when will he raise his defenses."
Napatawa ako at pinitik ang noo nito. Sinamaan niya ako ng tingin at hinalikan sa pisngi. Tumayo ako at kinarga siya patungong kusina para makakain na. Nakita ko naman na may itinabing pagkain sina Shane sa akin kaya ininit ko iyon. Baka hindi sila makakauwi ngayon.
Sa kalgitnaan ng pagkain namin ay may kumatok. Binuksan ko ito at muntikan nang mapatalon nang makita si Iverson. 'Yan! Ngayon lang nagpakita ang peste. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Won't you let me in?" bago pa man ako makasagot ay isang tinig ang narinig ko.
"No. You're not allowed to enter."
"Hmm, really?"
Hinawi ni Iverson ang pinto at pumasok. Napasinghap ako sa gulat nang isandal niya ako sa pader matapos isara ang pinto. Kinabig niya ang batok ko at nakita ko pa ang pagtabon niya sa mata ni Ace bago niya sakupin ang labi ko.
Nanlaki ang mata ko at akmang itutulak siya nang pinalaliman niya ang balik. Halos maubusan na ako ng hininga pero parang wala lang sa kaniya iyon. Pinakawalan niya lang ako nang malapit na din siyang maubusan ng hangin. Nakita ko pa ang pagdila niya sa labi niya.
"Why did you cover my eyes?!"
"It is not good for you to see what we did."
"What? What did you do to my mama?"
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...