Chapter 17
Shane
"Boss!"
Inhale, exhale. Focus on your breath but don't criticize it.
"B-boss Shane!"
Hayaan mo sila. Sige sige maglibang - este just focus.
"Boss, naman!"
"Boss, tumatawag si McGregor!" agad na napabukas ang mata ko nang marinig ko ang apelyidong iyon.
Mabilis na tumayo ako at nilapitan si Saturn na galit na nakatingin sa akin. Itinuro niya ang telepono na nagriring pa.
"Kanina pa siya tumatawag. Sabi ko nalang tumawag siya after five minutes para mapuntahan kita," masungit nitong saad at tinalikuran ako.
Wow ha! Galit? Umirap na lang ako at sinagot ang tawag.
Bakit kaya tumatawag si McGregor? Napakunot ang noo ko. Hala! Baka naman may ginawang kababalaghan ang babaeng iyon? Ang hilig pa naman sa thrill nu'n.
May isang beses nga nag-apply siya bilang waitress dahil bored daw siya at gusto niyang maranasan kung paano daw ang buhay ng mga 'yun. Pero guess what, natanggal siya dahil sinapak niya ang isang costumer dahil nainis daw siya. Sobrang bossy daw nito.
Eh ang epic lang. Trabaho niya kaya na magserve. Basta, mapapanganga nalang kayo sa mga pinaggagawa ng babaeng 'yun.
"Konnichiwa, Mr.Iverson! Ano pong maipaglilingkod ko?" magalang kong tanong dito.
Mahirap na. Baka atrasan kami nito.
"Does Nemesis had an ex lover?"
Napaubo ako ng malakas sa tanong nito at matagal muna bago nakabawi.
Pota. Sinong mag aakalang tatawag si McGregor para lang itanong 'yan? Nako!Teka, tinawag niya si Louie ng Nemesis?Nako ha! First name basis. Hmm. I smell something...
Pero bakit nga ba naitanong niya? Sa pagkakaalam ko ay walang naging nobyo si Louie. Alam niyo kung ano ang pinagkakaabalahan noon? Ang tumanggap ng mga sobrang mahihirap na misyon. Para na ngang ginawa niyang hobby 'yun eh.
Ang sabi niya, lulubus lubusin nalang daw din niya ang pagiging seraph niya. Sus. Pero sa totoo lang para sa akin hindi iyon ang dahilan niya. Pera ang habol ng babaeng 'yun kaya tumatanggap ng mahihirap na misyon. Harder means Money!
Bumabaha na ng pera ang bank account ng babaeng iyon. May limang bank account siya, sa pagkakaalam ko. Marami na rin siyang villa at kotse na nabili. Investor din siya at isang CEO. Nakapagpatayo na rin siya ng mga bahay ampunan sa maraming bansa, lalo na sa Pilipinas.
Pero sa lahat ng bahay ampunan na pinatayo niya ay tanging ang Pilipinas ang hindi niya binibisita. May pinagkakatiwalaan lamang siya roon na siyang umaasikaso.
Sa pagkakaalam ko rin ay may dugong Pilipino ang nanalaytay sa kaniya kahit na parang mas namana niya ang dugong Hapon niya. Limitado ang impormasyon namin sa isa't-isa kahit pa na matalik kaming magkakaibigan. Hindi kasi palakuwento si Nemesis at hindi rin namin siya pinipilit na magkuwento.
Basta base sa obserbasyon ko ay hindi niya gustong makauwi sa Pilipinas kahit na ano pa mang dahilan iyon pero tinanggap niya ang misyon na pagpapakasal kay McGregor. Dahil gaya nga ng sabi nya, noon pa man ay pinakiusapan na siya ng mga legendary master namin. Kahit ganoon ang naging desisyon ay hindi kailanman pumayag si Master Club sa ideyang iyon. Kalahati rin sa amin ay umalma dahil ayaw naming malayo si Louie.
Kahit na topakin, mapride at maldita ang babaeng 'yun, may malambot naman siyang puso minsan at isa siyang mabuting lider.
Marahil dahil mula nang walong taong gulang pa lamang siya ay natrain na siya sa pagiging assasin kaya ganiyan siya katigas at hindi madaling magpakita ng emosyon. Sabi nga nila, bilang lang daw ang mga panahon na nakita nilang ngumiti si Louie gaya ng kapag nandoon sa base namin si Ace at ang alaga niyang si Hirocypher. Iyan lang ang alam nilang mga nagpapasaya kay Louie. Pero ako, may isa pang alam.
Isa siyang die-hard fan ng k-pop. Akala niya hindi ko siya nakikita sa kwarto niya na nanood ng MVs ng ilang kpop group nang paulit-ulit. Baka akala niya hindi ko alam na kapag nawawala siya ay pumupunta siya ng concert ng mga ito, malayo man basta pasok sa oras at wala siyang trabaho.
Kaya ano na kayang mangyayari sa baklitang 'yun kapag nalaman niyang mala k-pop ang dance troupe nina McGregor? Eh nababaliw na 'yun sa mga koreanong iyon. Baka pa nga naging instant crush niya si McGregor.
Teka, baka nga pumayag siya sa mga misyong inaatas sa kaniya dahil koreano si McGregor? Nako!
"Ms. Sanchez?"
Ang baritono ng boses. Pero hindi ko siya type eh. Ayoko ko sa mga playboy. Iyong stick to one ang sa'kin.
"Sa pagkaalam ko ay wala, Mr. McGregor. Bakit? May nangyari ba?" kuryuso kong tanong.
Hindi naman magtatanong ito kung walang nangyari. Wala ngang ex-lover si Louie pero may long time crush siya.
"Do you know anything from her past?" mas lalong wala.
Wala akong alam sa pamilya, kaibigan o kakilala na pinagmulan niya.
"Im sorry to answer you a no, Mr. McGregor."
Sorry talaga dahil sa ganda niyang iyon, wala siyang naging nobyo.
"Okay. Is the organization recovering?" bigla niyang inilihis ang tanong. Nagkibit balikat na lamang ako at sinagot sya.
"Yes, it is, Mr. McGregor. Nang dahil sa tulong niyo ay mas bumibilis ang pagbangon ng organisasyon namin. Maraming salamat, Mr.McGregor," wika ko.
As if hindi ko alam na ang alyansa ni McGregor ay para sa isang proyekto na hindi pa dindisclose ng nakatataas. Malaman ko lang talaga kung sino ang ugok na nagpapasakit ng ulo ng mga nakatataas namin, sisipain ko talaga ang pagmumukha niya.
"Hmm," ang tanging sagot niya.
"Is there anything you want to say, Mr. McGregor?" magalang ko pa ring tanong.
"No."
"Okay. Ibaba ko na po. Goodbye."
Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo nang bigla na namang tumunog ang telepono. Inis kong kinuha ito at sinagot.
"Shane? Ikaw ba 'to?" boses ni Andrei ang narinig ko. Nagtaka naman ako dahil hindi to tumatawag kapag nasa trabaho.
"Oh. Bakit?"
"S-shane, si Spade papuntang Pilipinas!" halos lumuwa ang mata ko sa sinabi niya. Agad na nataranta ako sa kinatatayuan. Kinuha ko ang isang plastik bag at humingos ng hangin doon. Naghyperventilate agad ako, kaka kape ko 'to.
"Pigilan mong tangina ka!" nasabi ko dahil sa kaba. Letse na.
"Eh hindi nagpapaawat! Tangina! Siya na ang nagpapalipad ng jet!" natataranta na ring saad ni Andrei. Natampal ko ang noo ko dahil sa sobrang pagkabahala.
"Bakit naman kasi raw? Eh Andrei patay tayo nito kapag nalaman ni Master Club na tumatakas na naman sa mga responsibilidad niya si Spade."
"Hindi. Hindi iyan ang problema, Shane."
"Eh, ano?!" bulyaw ko pa.
"Naalaa mo noong sinabihan kita na halos hindi na nagpapahinga si Spade?"
"Oh tapos? Huwag kang pa-thrill!"
"Kasi gusto niya rawng magpahinga na nakikita niya si Louie!" napatigagal ako sa sinabi niya.
"A-ano kamo?! Nababaliw na ba siya?!" naiimbyerna kong sabi.
Nasa unahan ba si Louie nang magpasabog ng kagandahan si Aphrodite at ang ganda't haba naman ng buhok niya para habulin siya ng mga hot na kalalakihan? Oh, God.
"Oo! Ngayon lang ako nakatawag sa'yo dahil nawala na ang mga bantay ko."
"A-anong bantay? Pinabantayan ka?"
"Oo! Dahil baka daw sabihin ko sa'yo at pigilan mo sya."
"Eh 'nyeta niya. Ganoon naman talaga ang gagawin natin, diba?"
"Ayusin mo ako, Shane Mae Sanchez ah!Namomroblema na ako dito!"
"Sino bang may sabing hindi rin ako namomroblema?"
"Aish! Ang ingay mo! Tawagan mo nalang si Louie. Balaan mo na papunta na si Spade sa Pinas. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag nagkaharap na si McGregor at Spade," halatang istress na sabi nito. Napatango ako sa sinabi niya.
"Malaking problema nga."
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...