Chapter 57
Nemesis
Mabilis na sumibat kami pagkatapos na maubos ang mga goons ng Montero.
Oo, galing sa Montero ang mga tauhan na iyon. Kakatwa na alam nila ang eksaktong lokasyon namin. Nagawa pa nga nilang magtanim ng mine bomb na isang linggo at dalawang araw pa ang aabutin bago maging active. Isa lang ang ibig sabihin noon - alam nila na pupunta kami sa resort na iyon at may nagsabi sa kanila. Matagal na nila kaming minaman-manan at sa tingin ko ay sila rin iyong nasa resort na nagmamasid sa amin.
Nandito kami ngayon sa isang pribadong ospital at kasulukuyang ginagamot ang mga may daplis sa amin. Marami rami ang napuruhan sa amin pero ang pinakamalala ay ang kay Louige na malalim na hiwa sa balikat niya. Ipinagpapasalamat ko na iyon lang ang inabot ng grupo namin.
Sigurado, ako na naman ang habol sa ambush na iyon.
"What are your plans about the Monteros?" ilang sandali pa ay dumating si Iverson na galing sa pag aasikaso ng mga sugatan. Umupo siya sa gilid ko na may seryosong mukha. Napayuko ako at matagal na hindi nakasagot.
Wala pa akong kahit na anong plano sa mga Montero. Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin gayong nahihirapan ako na kalabanin sila. Hindi ko magawang ituro ang dulo ng kutsilyo sa kanila. Noon pa man ay iniisip ko na talaga kung paano linisin ang pangalan ko para wala nang gulo. Pero mukhang mahihirapan ako na isagawa iyon ngayon.
May atat na atat kasi na patayin ako. Bwisit.
"If you'll not gonna move, they will. Hahabulin at hahabulin ka nila until you have carried the punishment," muli nitong sabi. Napahilamos ako sa mukha ko at napabuntong hininga.
Wala talaga akong plano na harapin sila dahil noon pa man ay wala akong balak na bumalik ng Pilipinas. Pero nag iba na ang ihip ng hangin ngayon na wala pa akong plano. Sumasakit ang sintido ko sa kanila.
"Sa tingin ko ay tatanungin ko pa si Master Club para sa bagay na ito," sa wakas ay naisagot ko.
"You cannot live in a life that will be forever hunted, Nemesis. If you want me to step in your affairs I gladly will."
Napatingin ako kay Iverson nang sinabi niya iyon. Ang mga salita niya'y nakakapanatag ng loob sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung paano dalhin ang ganitong pakiramdam, masyadong bago sa akin.
Kung sinabi ko pa ang nararamdaman ko kay Shane, malamang sasabihin ng sira ulong iyon ang mga katagang, "Bakit ka kasi taga Bundok?" Peste.
Natanggal lang ang tingin ko sa kaniya nang lumapit sina Marga at Athena.
"May alam ka ba sa mga umatake sa atin, Iverson? Kaninong kalaban iyon kung ganoon?" sunod sunod na tanong nito. Nagkatinginan kaming dalawa ni Iverson at akmang sasagot na ako nang naunahan niya ako.
"The rogues haven't been identified yet. I'll get someone to investigate it when we're already home," sagot ni Iverson. Tumango si Marga pero tinapunan ako nito ng kuryusong tingin.
"Sasabihin mo ba ito sa lolo mo?" si Athena naman ang nagtanong.
"Probably when we're already home. I cant hide this matter because of the casualties."
"Kailangan itong maimbistigahan sa lalong madaling panahon, Iverson. Alam ko ang insidenti sa pagtangkang paglason sa atin, sinabi ni Amelynx sa akin. Baka kung ano na ang gawin nila sa susunod," saad pa ni Athena.
Hindi lingid sa kaalaman ko ang pagtangkang paglason sa kanila. Napayuko ako sa sobrang guilty kasi alam ko na ako ang habol at nadadamay lang sila.
"Hmm. I'll assure you."
"Ang ikinababahala ko lang ay baka hindi ito simpleng banta lang. Sa dami ba naman ng nakalaban natin kanina, hindi iyon isang simpleng paghahatid lang ng banta. May labing anim na helicopter ang ipinadala nila at mahigit isandaan ang mine bombs na itinanim. Thus, I conclude that this matter is a serious one," paliwanag pa ni Marga.
"Ayokong makabangga tayo ng mga nakatataas galing sa underworld. It will cause a series of problems. Madadamay pa ang kaniya-kaniya nating clans at organisasyon."
"I will not let this happen again. Let's keep quiet about this incident until I solve this one, okay? Maghanda na kayo sa pagbalik natin," pagtatapos ni Iverson sa usapan. Bumuntong hininga ang dalawa saka tumalikod at umalis na.
Napasandal ako sa malamig na pader saka naisipang pasukin si Louige sa kwarto niya. Nakaratay at pikit ang mata nito nang makapasok ako pero alam kong gising. Umupo ako sa upuan na nasa tabi lang ng kama niya at tinitigan siya.
"Kailan ka pa natutong bumaril, Louie?" deretsuhan niyang tanong habang nakapikit pa rin. Napahinga ako ng malalim at napailing.
"Matagal na. Tinuruan ako ni papa, diba-"
"Alam nating hindi mo gustong humawak ng baril noon pa man. Saan ka natuto ng mga ganoong kilos mo? Nasaan ka ba talaga nitong mga nakaraang taon? Ano bang ginawa mo?" sunod-sunod na sabi nito at sa wakas ay bumuka na ang mga mata. Nagtama ang paningin namin at nagkatitigan.
"Anong ginawa ko? Nagpatuloy ako sa pag-aaral ko, Louige at nagtago para hindi niyo mapatay," simpleng sagot ko na hindi man lang tinatanggal ang titig sa kaniya. Nag iwas siya ng tingin.
"Then what school did you go for you to be able to accomplish that kind of shooting skill?"
"Hindi mo na kailangang malaman iyon."
"Why?"
"Wala kang karapatan na itanong sa akin 'yan. Simula nang umalis ako sa poder ng mga Montero."
Napayuko siya sa sinabi ko at bumuntong hininga. Hindi ko man aminin ay narito pa rin ang galit at lungkot sa puso ko sa ginawa nila.
"Louie-"
"Alam nating hindi ako ang pumatay kay papa, Louige. At hindi ko siya kailanman kayang patayin. Bakit ako pa rin ang itinuro mo noon?"
"D-dahil nakaturo lahat ng ebidensya sa'yo. Hindi mahirap paniwalaan ang mga bagay na-"
"Na pinatay ko si papa para lang sa kapangyarihan natin? Putangina, Louige!Akala ko pa naman noon na ikaw ang masasandalan ko pero ikaw pa ang tumulong na maituro ako," napataas ang boses ko nang sumagot sa kaniya.
"Alam mo? Hindi ko alam kung binayaran ka o tinakot ka para gawin sa akin 'yun. Pero hindi mawawala ang katotohanang pinagtaksilan mo pa rin ako."
"I-im sorry," puno ng konsensya na sabi niya.
"Ayaw kong kalabanin ang mga kadugo ko, Louige. Hindi lang dahil ito ay isang kilos ng pagtatraydor sa mata ng batas ng underworld kundi dahil ang dugong nanalaytay sa akin ay dugo niyo rin," wika ko.
Napasuklay ako sa buhok ko para pakalmahin ang sarili saka nagdesisyong tumayo at umalis na. Akmang pipihitin ko na ang seradura nang nagsalita niya ako.
"Kung ano man ang relasyon mo sa mga McGregor, mabuti pang putulin mo na ito, Louie. Sinasabi ko, mahihirapan ka lang sa huli kapag ipinagpatuloy mo iyan."
"Bakit? Ano bang plano niyo sa mga McGregor?" buwelta ko pa.
"I wish I could tell but I can't."
"Tingnan nalang natin kung hanggang saan niyo ako paparatangan sa pagkamaling hindi ko ginawa. Anumang tago niyo sa katotohanan ay lalabas at lalabas ito," sagot ko sa isang malamyang boses saka tuluyan nang lumabas.
Ito na ba ang panahon na kailangan kong harapin ang mga Montero?
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...