Chapter 43

40K 1.1K 37
                                    

Chapter 43

     Matapos ang 'insidenti' sa loob ng opisina ni Iverson ay unti unti nang nawala ang pader sa pagitan namin. Panay ang pag dikit at pagsunod nito sa akin na para bang lalayuan ko na naman siya.

  Kaya naiilang ako sa tuwing tinatapunan ako ng kakaibang titig ng mga kaibigan niya nang magkasabay kami sa pagkain isang araw sa cafeteria. Medyo guilty dahil alam ko na nasusungitan ko sila noong mga nakaraang araw.

    Baka na fafall na sa akin ang lalaking ito? Like nga, diba?

    Okay sabi ko nga! Ang bilis naman kasi masyado! Hindi kaya dahil na naman ito kay Nyx? Pero ang sabi niya ay wala na nga silang koneksyon ng pinsan ko.

    Ipinaliwanag rin niya na dati nang magkakilala ang mga Montero at McGregor dahil nagkacollab sila sa isang proyekto nung isang beses. Marahil ay dahil sa masyado pa akong bata noon ay hindi ko napapansin kapag binabanggit ang apelyido nila. At totoo raw na magkakilala na sila ni Nyx noon dahil minsan na rin silang nagkasama sa isang training.

"Ms. Montero?" napakurap kurap ako nang tawagin ako ng Music teacher namin.

"Ho?"

"I just want to cordially invite you to join the singing competition in the category of duet,"  nakangiti pang wika nito.

"Is that okay with you, Ms. Montero?" ulit pa nito. Umiling ako.

"Ayoko po."

"Louie, sali kana. Gusto naming marinig ang boses mo."

"Oo nga, Louie. I heard she will be competing na naman. We have to prove to the college department na hindi lang iyon chamba."

   Marga? Siya ba ang magrepresent ng college? Mas lalong ayaw ko kung siya na naman.

"Oo nga, Louie. Pumayag ka na."

"Sumali ka na, Montero!"

     Napapalatak ako habang naririnig ang mga sinasabi ng mga kaklase. Napaka competitive naman ng mga ulupong 'to. Ayokong kumanta!

"Hindi po ako kumakanta, prof," pagtanggi ko.

"If you're gonna accept my invitation, Ms. Montero I'm gonna exclude you from our upcoming test this semester," pangungumnbinsi pa nito.

    Napaisip naman ako sa sinabi ng instructor. Isa sa pinakaayaw ko ay ang pagtapak sa entablado at nasa akin ang lahat ng atensyon. Nakakahiya kaya! Ni hindi nga ako kumakanta nung nasa Japan pa ako.

"Ms. Montero, are you okay with it now?"

     Pero isang malaking kaginhawaan na sa akin ang hindi makapagtest sa lahat ng upcoming exams. Nakakatamad pa namang magmemorize lahat ng notes sa music.

"At isa pa ay ikaw ang pumapangalawa sa mga nominated na studyante sa West Cannon. Kasalukuyang nangunguna si Iverson, as always and followed by you. Next is Marga and then Ivronsen and then Louige and Alieth. Top seven is Zyrel and next is Trinity and then Ivronnezeir and Athena. Sila ang Top Ten as of now."

"Dati si Marga iyong pumapangalawa ah. She has a good voice rin naman talaga."

"Oo nga, 'no? Pero grabeh naman kasi ang chemistry ni Montero at Iverson eh. At hindi mo rin naman maitatanggi na err mas maganda siya kay Marga. Simple pero maganda."

    Uh...

   Napakamot nalang ako sa noo ko habang nagdadalawang isip kung sasali nga ba.

"Ms. Montero? Will you?" nakangiti pa ring tanong nito. Pano ba 'to? At duet pa talaga? Kakantyawan talaga ako nina  Andrei nito. Nakatingin sa akin lahat ng kaklase ko kaya  mas nakakapagdagdag pa ito sa gulo na nararamdaman ko.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon