Chapter 38

38K 1K 38
                                    

Chapter 38

"Louie!"

    Napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sa akin. Sumibol ang kaba sa dibdib ko nang makita ang seryosong mukha ni Amelynx at ang sekretarya na si Zamora. Wala ang nakasanayan kong nakangisi na mukha ni Amelynx.

"B-bakit?" wala pa man ay kinakabahan na ako. Kapag narito si Zamora, alam ko agad utos iyon ni Iverson. Ano bang mayroon sa lalaking iyon at natatakot ako sa kaniya?

"Pinapatawag ka ni President sa opisina niya."

"N-ngayon na?" nauutal kong tanong. Tumango silang dalawa ng sabay at walang ekspresyon ang mukha na nakatitig sa akin. Luh. Ba't pati sila nakakatakot?

"Pinatatawag din ba si Ivronsen?" muli ko pang tanong. Kumunot naman ang noo ni Amelynx pero tumango naman. Napahinga naman ako ng malalim. Mabuti na iyong nakakasigurado tayo na hindi tayo magsosolo sa detention room mamaya.

    Sumunod ako sa kanila habang pinagpapawisan ang palad at pati na ang tuktok ng ilong. Napamasahe ako sa batok ko at panay ang pagbuntong hininga. Pagpasok ko pa sa opisina ay nagulat pa ako sa dami ng tao roon. 

   Nandoon ang buong tropa ni Iverson; sina Zyrel, Dwayne at iba pa. Nandoon din si Marga na panay ang ngisi sa akin. Ang sarap lang pasubugin ng bungo ng kingina. Nandoon din ang dean at syempre, si Iverson na wala nang mas ididilim pa ang mukha na nasa gitna.

   Si Ivronsen ay nasa harap ni Iverson at Dean kaya umupo na rin ako, kaharap si Ivronsen at katapat si Dean.

"The rest can go. May pag uusapan lang kami saglit," deklara naman ni Dean. Oo nga't nakakatakot ang aura sa loob ng opisina pero kakatwa na si Dean ay parang nagpipigil ng tawa. Nakatabon ang palad nito sa bibig habang papalit-palit ang tingin sa aming tatlo. Nawala ang atensyon ko kay Dean nang magtanong na si Iverson.

"How many slips did you receive the last time, Nemesis?" malamig at dumagundong ang baritonong boses ni Iverson sa opisina. Napapalunok naman ako habang halos hindi masalubong ang nagbabaga niyang titig. Ito naba iyon? Nakakatakot talaga siya.

"T-tatlo."

"And you broke two rules again. You went out and let the outsiders come in."

    Hindi ako makasagot sa sinabi nito. Ang mga matataas kong kuko ay parang may sariling buhay na kinukutkot ang palad ko.

"And Ivronsen... I've given you already 10 slips. At dinagdagan mo pa ng tatlo."

"Tatlo? What? What did I do?" pagtututol pa ni Ivronsen. Tinignan niya ako at si Iverson nang paulit ulit at saka pumalatak. Narinig ko naman ang mahinang paghalakhak ni Dean.

"What jealousy can make people..." mahinang sabi ng matanda at nagpatuloy sa pagpipigil ng ngisi. Napanguso ako sa sinabi nito.

"Are you saying something, lolo?"

"Oh, nothing, dear. Nothing. Continue, Iverson."

"But, lolo! He is abusing his power!Paanong naging tatlo eh isa lang ang inilabag ko kahapon?"

"Ask the furious president."

"More rants and I'll add more slips."

"Kinginang buhay ito," bulong pa ni Ivronsen at inis na tinignan ako kaya napataas ang kilay ko. Napakamot nalang din ako sa ulo at nanatiling tahimik.

"Anong ginagawa mo sa dorm ni Ivronsen kagabi, Montero?"

   Tsk. Galit nga. Tinatawag niya akong Nemesis kapag normal lang ang sitwasyon, tinatawag ako sa buo kong pangalan kasama ang apelyido niya kapag nagseselos at tinatawag ako sa apelyido ko kapag galit.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon