Chapter 10

53.6K 1.5K 113
                                    

Chapter 10

Nemesis

"Wooh! The dance floor is already on fire!The atmosphere is so damn hot! What's more if you'll witness the sexy and seductive performance of the West Cannon Dance Troupe?" wika ng emcee at naghiyawan ang mga tao, lalo na ang mga babae.

   Nabaling ang atensyon ko sa katapat na mesa nang maramdaman ang isang madilim na pagtitig. At nakita ko nga ang babaeng nakasuot ng golden silk dress. Suot niya ang kaniyang maskara pero ramdam na ramdam ko pa rin ang talim ng tingin niya sa akin. Ang kulay blue green niyang mata ay parang kutsilyo na unti unting tumatarak sa akin.

"Let us not prolong the ingniting fire. Let us all welcome the West Cannon Dance Troupe!" 

    Ipinagsawalang bahala ko ang babae na hindi ko naman kilala. Pinipigilan kong hindi makaramdam ng excitement sa paglabas nila pero nabigo ako. Mistula akong isang fan na hinihintay sila, hindi mapakali at gusto nang magtalon talon.

    Lalo na nang makita ko na silang lumabas. Nakasuot sila ng pants at itim na loose sleeveless shirt na may nakaimprintang WCDT. Napaawang ang labi ko nang makita si Iverson. Nakabandana siya at... at ang gwapo niyang tignan! Punyeta! Magkakacrush na ata ako sa kaniya.

"Ahhhhh! Iverson Jade!"

"Isajace!!!"

"Zyrel! Zyrel!"

    Halos mabuwal ako sa kinauupuan ko nang bumungat ng tili ang mga babae. Pahampas hampas pa ang iba sa mesa at nagwiwild na ang iba. Eh sino bang hindi kung makakita ka ng mga kalalakihang mistulang mga anghel na inihulog ng Diyos sa entablado!

    Pakiramdam ko ay nagniningning na ang mga mata ko habang pinagmamasdan sila. Para kong nakikita sa personal ang mga k-pop artists gaya nina Jungkook, Bobby at Sehun. Si Iverson ay parang si V na may pagka Jungkook. Nakalimutan kong may lahi siyang Korean! Ang ina niya ay isang bantog na Koreanang artista at ang ama naman niya ay British na may lahing Pinoy.

   Mas lamang sa hitsura niya ang pagka Koryano pero ang aura niya ay parang isang British Monarch.

    Lalong nagtilian nang pumailanlang ang music ng Ikon na kahit na nakita ko na ay hindi pa rin mawala ang paghanga ko. Ang sexy nilang tinignan habang sumasayaw sila. Bigla ay nagtama ang paningin namin ni Iverson. Binigyan niya ako ng ngisi na halos makapaglaglag sa panty ko. Kinindatan pa ako ng loko!

"Marie, kinindatan ako ni Iverson! Omg!"

   Napairap ako. Assumera!

    Madaling natapos ang sayaw nila, lalo na't nag eenjoy ang lahat. Akala ko ay aalis na sila pero muling pumailanlang ang isang musika! Kokobop ng EXO! Para na akong lalagnatin habang nakaupo lang at nakatingin sa kanila.

    Sumayaw uli sila nang sabay sabay ang mga hakbang. Para silang gumagawa ng apoy at pinapasiklab ito. Ang mga galaw nila ay may dalang kapusukan. Sa bawat galaw ni Iverson ay gusto ko nang pumalakpak. Madalas na walang emosyon ang mukha niya pero sa simpleng pagkagat ng labi niya ay nabibingi na ako sa hiyawan. Lalo na nang magsimula silang pawisan at dumidikit na ang tela ng damit nila sa katawan nila. Hayun na naman yung mga abs nila na bumabakat!

   At isa na namang musika ang pinatunog. Gusto ko nang sumugod sa stage nang marinig ko ang pagtugtog ng Boy Inluv ng BTS. Isa iyon sa mga kanta ng BTS na gustong gusto ko!

   Sa sayaw na ito ay para silang mga mababagsik na gangster, sinusunod ang awra at mode ng kanta. Sinong may sabing ang buhay ng isang mafia boss ay umiikot lamang sa pagpatay? Ibahin mo si McGregor.

    Dahil sa pagkawili ko sa panood ay hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala pabalik balik ang waiter sa mesa ko sa kakahatid ng champagne. Hindi ko alam kung ilang baso na ba ang naubos ko.

    Bigla silang bumaba at doon na hindi magkamayaw ang mga kababaihan. May dala silang rosas na ipinasa ng isang lalaki nang pababa sila. Ito yung parte na bibigyan nila ng bulaklak ang isang babae. Ang akala ko'y sa babaeng katapat ko sila tutungo pero nagulat ako nang maglakad palapit sa mesa ko si Isajace.

    Nakangiti siya sa akin. At nang marating niya ang mesa ko ay inabot niya ang kamay ko na nakahawak sa wine glass. Nagtilian ang mga babae na puro paghihinayang at inggit ang lumabalabas sa bibig. Habang hawak niya ang kabila kong kamay ay nakahawak naman ang isang kamay ko sa maskara ko.

   Inalalayan akong tumayo ni Isajace at iginiya patungo sa gitna. Ngingiti na sana ako nang maramdaman ko ang isang mainit na titig. Sa likod ni Isajace ay nakita ko si Iverson na madilim na nakatitig sa akin.

   Inabot sa akin ni Isajace ang rosas saka niya hinalikan ang kamay ko. Hindi ko alam kung ngingiti na ba ako o ano dahil naasiwa ako sa titig ni Iverson. Pagkatapos ni Isajace ay sumunod sina Zyrel, Dwayne, Raphael, Chancellor, Kenshin at Maximillian.

   Mabuti nalang at unti unti ko nang nakakabisa ang mga pangalan nila. Paanong hindi eh halos hindi na ako natulog kagabi sa kakastalk sa kanilang lahat.

   Ang pinakahuling nagbigay ng rosas ay si Iverson. Inabot niya ang kamay ko bago binigay ang rosas. Nagulat pa ako nang ipinagsiklop niya ang mga kamay namin at yumuko para halikan ako sa pisngi.

     Hindi na natapos ang tilian matapos akong halikan ni Iverson. Biglang tumutok sa amin ang spotlight. Ang mga kasamahan niya ay nasa gilid at nag aabang na para sa muling pag akyat.

"You look stunning tonight, wife," pahabol na bulong niya at binitawan ang kamay ko para umalis na. Parang hinihimay ang lahat ng ugat ko sa sinabi niya.

     Gusto ko nang mag hyperventilate!

   Saglit pa akong napatunganga bago bumalik sa mesa ko. Nang makaupo na ako ay napapikit ako nang mariin at umiling. This is not good. Parang fan na nga talaga ako nila.

    Pagkatapos nun ay doon na sila tuluyang natapos at umalis na. Nanghinayang ang lahat at pinakalma ang sarili.

"Shit! Sino ba ang nakaitim na babaeng iyan? Ang swerte!"

"Na! Sinabi mo pa. Hinalikan kaya siya ni Iverson sa pisngi!"

"Letse! Edi siya na!"

"Intense, isn't it? Don't worry! Our night had just started. More performances are coming. Moreover, the Face of the Night in the male and female category will be announced later."

"Who might it be?"

"The lady in gold or the lady in black?Please be reminded that the Face of the Night in female category will be given a chance to date any of the West Cannon Dance Troup's member and the male Face of the Night will be given a chance to date the female Face of the Night."

"And ofcourse, let us not forget that the Patron choosing will be held tonight. Choose wisely, West Cannon Studes!"

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon