Chapter 83

29.8K 791 13
                                    

Chapter 83

   Saktong-sakto na pagkapasok nina Louie sa airport ay nagsara ang malaking gate sa entrance. Para itong mga bala sa bilis habang papunta sa jet plane na hinanda nina Andrei.

"System will lock down in 10..."

"Bullshit," anas ni Spade nang nagsimula nang magcount down.

"9..."

  Tumunog ang security sa loob na mas lalo pang nakakapagdagdag sa kaba ni Spade at Ivronsen pero si Louie ay walang ekspresyon ang mukha, hindi nagpapatinag.

"8..."

   Nagsimulang maglabasan ang mga tauhan ng the Angelus. Nagulat at napamura ang tatlo dahil ang akala nila ay napatulog na nga nina Shane ang mga bantay dito. Hindi pa simple ang bilang ng mga ito.

   Kung tutuusin ay may 20 porsyento lamang ang posibilidad na matatapos nila lahat itong kalabanin sa loob ng walong segundo.

"7..."

    Napa 'tsk' si Louie nang makita ang iba pang mga kasama niya sa organisasyon na papunta na sa jet at sinusubukan silang pigilan. Pasimple lamang nilang dinamba ang mga tauhan na sinusubukang lapitan sila. They can't kill them. Aside from the fact that they are in the same organization, kulang din sila sa mga tao ngayon. Madami man ang bilang ng mga ito, hindi nila mapapantayan ang lakas at bilis ng tatlo.

"6..."

   Nagsimula nang mamatay ang mga ilaw at sumasara na ang mga pinto sa airport. Kung gaano ka kalmado si Louie ay sya namang pagpapanic ni Spade at Ivronsen. Spade knew the best that if they won't succeed in this and get caught, they will be facing a great and serious consequence after.

"5..."

"Umuna ka sa jet, Spade dahil ikaw naman ang magmamaneho. Susunod kami," Louie said hurriedly as she and Ivronsen started to block the men. Alanganing napatango si Spade bago kumaripas sa jet habang hinaharangan ng dalawa ang mga tauhan.

"4..."

"Kailangan na nating makalabas dito bago pa magsara ang mga pinto. Mas mainam na kalabanin nalang sa labas ang iba," wikang muli ni Louie kay Ivronsen. Tumango ang lalaki.

    They sped up. At saktong pagkalabas nila ay nagsara nga ang mga bakal na pinto. They sighed and went directly to the jet. 10 steps and they will be there. But there are only remaining 3 seconds. Apektado pa rin ng lock down ang sasakyan nila.

"2..."

    Nakahinga nang maluwag si Louie nang makasampa siya sa loob ng jet. Agad niyang inabot ang kamay niya kay Ivronsen na kinuha naman nito.

"1..."

    Without any warning, the door closed and the plane began to work. They flew in time.

    Saglit nilang pinatulog ang mga tauhan ng the Angelus na nakapasok sa jet bago tinulungan si Spade sa pagmamaneho. Napakahamog sa himpapawid at iyon ang naging dahilan upang mahirapan si Spade sa pagmamaneho. Given that winter is now creeping in the entire Japan. Louie slumped on a seat after she secured that their ride would be safe and sound.

   Kailangan nilang makarating sa Pilipinas ngayong araw na ito kung kailan gagawin ni Samson ang plano niyang pagpatay sa lolo ni Louie.

"Has Dad really gone crazy?! Bakit niya gagawin iyon kay Lolo?" Nyx exclaimed as they went nearer to the Monteros' mansion. Pabagsak nitong isinara ang pinto ng sasakyan na kasunod namang lumabas si Louige.

Louige sighed heavily and stressfully. Hindi na niya alam ang gagawin niya. May ideya na siya sa mga plano at gagawin pa ni Samson.

"Matagal mo ng alam na habol talaga ng ama mo ang kapangyarihan ng Montero, Nyx. You should have known better. You are the daughter."

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon