Chapter 39

37.8K 1.1K 51
                                    

Chapter 39

"Congratulations! You made it to the end!"

    Walang salitang namutawi sa amin ni Ivronsen matapos ang siyam na oras na pakikipaglaban namin. Ni hindi ko maigalaw ulo ko na nakapaibabaw kay Ivronsen. Nagkabanggaan kasi kami sa last wave ng mga robot kanina at wala na talaga akong lakas para igalaw kahit daliri ko.

     Ang ulo ko ay nasa bandang tiyan ni Ivronsen at ang katawan ay nasa malamig na sahig. Naghahalo halo na ang pawis at kaunting dugo na nakuha namin sa mga daplis namin. Parehong mabibigat ang mga hininga namin at humahangos pa.

"T-tumabi ka. Ang b-bigat ng ulo mo," sa wakas ay nasabi ni Ivronsen. Sinubukan ko namang gumalaw at halos maiyak ako dahil talagang napakasakit ng katawan ko na parang hinihimay kahit na ang kaliit liitang ugat at mga cells sa loob.

"Fuck that man," asik pa ni Ivronsen habang dahan dahang gumagapang patungo sa pinto. Marahan ko namang hinaplos ang batok ko para lumamig ito at kumalma ang sistema ko. Dahan dahan akong umupo pero halos tumumba pa dahil parang umiikot ang paningin ko.

    Papatayin ko talaga ang lalaking iyon. Papatayin ko talaga 'yunn! Tignan mo lang!

"Ah, shit! I think I'm already crippled. Fuck. I think I'm dying!"

"Ang ingay mo naman!" naiinis kong sabi dito. Ngumiwi ito at pinasadahan ang basang buhok.

"Rapid mode?! Eh pamatay na 'yung level na 'yun!"

"Buksan mo kasi ang pinto nang malaman natin kung buhay pa ba."

"Ayoko kaya. Ano namang pumasok sa kokote noon?"

"Nagselos daw eh."

"Tangina. 'Yun lang?"

    Nabigyan ako ng pag asa nang marinig ang mga boses sa labas. Napahinga rin nang malalim si Ivronsen. Gumapang naman ako palapit sa pader para sumandal doon. Saktong sakto naman na nabuksan ang pinto at pumasok ang pitong tao. Sina Amelynx, Montenegro, Lopez, Aguirre, Fujiwara, Phallashton at Oliveros.

    Nanlalaki ang mga mata nitong pumalibot sa buong silid.

"I-ilang oras kayo dito?"

"Siyam," malamig na sagot ni Ivronsen.

"Buti buhay pa kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Montenegro.

"Ba't 'di nyo nalang kaya kami tulungan kaysa sa magdaldalan kayo dyan?" ani pa ni Ivronsen.

    Para naman silang natauhan at nilapitan kami. Binigyan ako ni Montenegro ng isang boteng tubig at agad ko naman itong tinanggap. Akmang pupunusan niya ang pawis ko nang umurong ako.

"Hoy, baliw! Mapapatay ka ni Iverson kapag hinawakan mo 'yan. Baka gusto mong pumalit kay Ivronsen?" natatawang saad ng singkit na si Fujiwara. Nagtawanan naman sila habang ngumunguso si Montenegro. Ibinigay niya sa akin ang panyo at ako na mismo ang nagpunas.

"Kikilalanin lang sana ang asawa ni berde eh."

"Curious din naman kami sa wifey ni berde," sabat naman nung may kulay yellow na mata na akala mo hybrid na si Aguirre. Curious sila dahil hindi sila madalas nakakasama sa grupo.

  Most of them, as of the moment are really busy. And there's nothing to be curious of.

"Ang chismoso niyo talaga, ano?" Puna ni Fujiwara.

    Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang likidong dumaloy galing sa ilong ko. Naisandal ko ang ulo ko at minasahe ang gitna ng ilong ko para mapigilan ito sa pagdugo. Tsk. Nabigla kasi 'yung katawan ko. Hindi ko rin naikondisyon, ilang linggo na ang nakalipas.

"H-hala. Nagnonose bleed ka!" bigla ay nagsalita si Montenegro. Napabukas ako ng mata at nagulat nang hindi ko na mapigilan nang idampi niya ang tela sa dugo.

   Tangina. Ba't ba dikit nang dikit sa'kin to?

"Hayaan mo ako, please. Matagal na kitang gustong makilala, Montero. Hindi ako makapaniwala na nandito kana sa harap ko at nahahawakan ko pa," parang tangang saad nito at para talagang nakakita siya ng stars na ako ang kaharap niya. Yuck!

     Ang mga mata nya ay parang naghuhugis puso na para bang matagal na niya akong crush. Ulol. Ayaw ko sa mga Amerikano. Gusto ko Koryano.

"Ano ba !Alis nga. Para kang tanga!" naiinis kong sabi dito. Ngumuso naman siya.

"Kapatid mo si Louige, diba? Matagal kana niyang kinukwento sa akin..." at nagpatuloy pa siya sa pagdaldal.

"Wala na. Nabaliw na. Ilayo nyo 'yan kay Montero. Mapapatay 'yan ni Iverson," narinig ko pang wika ni Fujiwara.

     Naiirita ko pa ring tinataboy si Montenegro. Ano ba! Hindi naman halatang magkapatid sila ni Alieth. Maayos yun eh pero abnormal 'to. Hindi ko nalang ito pinansin at may kung ano na hinanap sa wallet ko.

   Nanlaki ang mata ko at parang nawala yung pagod at sakit ng katawan nang makitang wala ang hinahanap ko. Napatayo ako na para bang walang iniinda. Nagulat naman sila at pinigilan ako nang tumakbo ako palabas.

"What the?! Ibang klase ang babaeng 'yun!" narinig ko pang komento ni Ivronsen. Napailing muli ako at balisa na tinahak ang daan patungo sa opisina ni Iverson.

   Bakit ngayon ko lang napansin na nawala 'yun?! Kapag nasa kaniya 'yun ay mababaliw talaga ako!

    Walang pasalitang binuksan ko ang pinto at humahangos pa nang hinampas ko ang mesa ni Iverson. Nakaupo siya sa swivel chair at malamig akong tinignan.

"M-may nakita ka bang picture?" agad na tanong ko, wala nang oras para intindihin pa siya. Wala na akong ibang taong naiisip na maaring nakakita nun.

"Ah, the picture," nakita ko ang pag iba ng emosyon niya nang sinabi nya iyon, pinipilt niyang itago ang ngisi. Shit! So nasa kaniya nga? Punyeta naman oh!
  
     May kung ano siyang kinuha mula sa bulsa niya. Binuksan niya ang wallet niya at inilabas ang picture na siyang hinahanap ko. Akmang kukunin ko ito nang inilayo niya sa akin ito. Naiiyak na ako sa sobrang hiya nang binasa niya ang nakasulat sa likod nun.

"My crush since then and now..."

"Iverson! Ibigay mo na kasi! Ba't na sayo iyan? Paano mo nakuha 'yan? Tangina naman oh!"

"Hindi ba't ako dapat ang magtanong niyan, Nemesis Louie Montero?" tanong niya na nagpalito sa akin. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin kaya sinubukan kong kunin ang picture pero napakataas niya at hindi ko maabot!

"Ano ba! Ibigay mo na!"

"Why would I return to you MY picture?" ang linya niya na nagpablanko sa isipan ko. Napatigil ako sa pag huli ng picture.

"A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

"This is a picture of me when I was just seven years old, Nemesis. I lost this when I was eleven years old. And now, I found it in your wallet and it looks like you've been keeping this since then."

    Andwae! Hindi. Hindi naman siguro ako ang nakahanap ng naiwala niyang picture, diba? Baka nagkakamali siya. Nahanap ko ito nung seven ako- Oh what the fuck! Eleven nga kasi siya nang naiwala niya ito!

"Nahanap mo ito noong party ng lolo mo, diba? Ibibigay ko kasi sana ito kay Nyx dahil nanghingi siya ng picture ko."

    Nawalan ang mukha ko ng ekspresyon sa sinabi niya. Hindi ko man lang alam na konektado pala siya sa mga Montero noon pa man. At kay Nyx na naman!

"Edi sa'yo na! At ibigay mo uli kay Nyx!"

     Walang gana akong naglakad paalis ng office niya. May Marga na nga may Nyx pa. Bwisit! Magsama sila! Akala mo naman kawalan siya.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon