Chapter 36

39.5K 1.2K 49
                                    

Chapter 36

"So, you really won't tell me, huh?"

"Kitang nag-iisip 'yung tao, ang ingay mo!" bulyaw ko kay Ivronsen.

  Napangiwi siya sa pagsigaw ko sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin at pinatid ang katabing upuan niya sa inis. Malapit na akong mabaliw sa kakaisip sa problemang ito.

"Magkaibang magkaiba kayo," bulong nito na narinig ko naman. Napaayos ako sa pagkakaupo nang matandaan ang totoo kong pakay kung bakit nandito ako.

"Oo nga pala. Maari bang kilala mo ang ina ni Ace?"

"You said you are his mother."

"Huwag mo akong pilusupuhin, Ivronsen."

  Natahimik naman siya at nagbaba ng tingin. Nakakunot ang gitla ng noo nito kaya mas umigting pa ang pagdududa ko na kilala nga niya ito.

"You want to know why Iverson agreed to marry you?" isang tanong niya na nakapagpatigil sa akin. Paano naman napunta dito ang usapan? Napakunot ang noo ko habang sinasalubong ang mga seryoso niyang titig.

"Makakapagsagot ba ito sa tanong ko?"

"Maybe yes, maybe not," pamisteryoso nitong sagot kaya mas nabuwiset ako.

"Baka magselos ka kapag sinabi ko na sa'yo ang dahilan?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit? Ano ba ang dahilan? May kaselos selos ba sa dahilan niya?

"Five years ago, may isang dugong Montero ang nag aral dito-"

"Anong pangalan?" agad na naitanong ko sa pagkabigla. Five years ago...

"Nyx Dianne Montero Villaruel." Natigilan ako.

    Nyx... was indeed my cousin. Siya ang kapatid ni Hades. Napapikit ako ng mariin. Bwisit, parang alam ko na ang kuwento nito.

"Siya ang dahilan ng naging away niyo ni Iverson?" muli ko pang tanong at natagalan siya sa pagtango. Napasandal ako sa upuan at inilagay ang kamay sa bibig, gawain ko kapag hindi malaman ang sasabihin.

   Matagal na nagkatitigan kami ni Ivronsen. Mapupungay ang mga mata niya at kitang kita ko ang isang emosyon sa mata niya na parang hindi kumukupas sa paglipas ng panahon. Minahal niya si Nyx magpahanggang ngayon.

  Halos mapalundag naman ako nang may mapagtanto. Napatid ko nang malakas ang upuan sa tabi niya kaya muntikan na siyang tumimbawang.

"No way..."

"She left me four years ago. And she was pregnant. Hindi ako ang ama. Tinulungan siya ni Iverson na makaalis."

"Sinasabi mo bang niloko ka ni Iverson at Nyx? Na may relasyon silang dalawa at si Iverson ...ang ama ng dinadala niya?" sunod sunod ko pang tanong. Mabagal siyang tumango at bumuntong hininga. Napaisip naman ako.

   Si Nyx Dianne Montero Villaruel ay anak ng kapatid ni papa na si Auntie Hera. Ang asawa niya ay si Uncle Samson na isa ring boss at napakalapit kina Lolo at Lola. Si Uncle Samson ang pinakapaborito ni lola dahil sa tamis ng dila nito at sa galing na magpa ikot niya ng mga salita.

  Si Nyx ay ang pinakamalapit ko na pinsan sa lahat. Dati pa man ay nagrerebelde na siya sa mga magulang niya. Ayaw niya raw na matulad sa kanila. Gusto niyang mamuhay ng normal, iyon ang sabi nya. Ngayon lang uli ako nagkaroon ng balita sa kaniya at wala namang sinasabi si Hades sa akin na tungkol kay Nyx.

"P-pero si Spade Stavros ang ama ni Ace at hindi si Iverson," kontra ko pa sa kaniya at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Ang akala ko noon ay may namamagitan kina Iverson at Nyx dahil parang mas malapit pa silang dalawa kaysa sa akin. I even thought that he was the father of her child but I also have doubts."

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon