Chapter 26
Hinatid ako ni Iverson sa bukana ng sword room. The room is in a secluded area behind the school's biggest laboratory. Madilim ang pasilyo papunta roon.
"Keep yourself safe, Nemesis. Kapag hindi mo na kaya nandiyan lang si Kenshin."
"Magsisimula na ba kayo pagbalik mo?" pang uusisa ko. Tumango siya. Deretso ang tingin nito sa akin. Ang kulay berde nitong mga mata ay kuminang habang sa akin nakapokus.
"Kapag babalik ka sa aking may sugat, lagot ka sa'kin."
"Anong akala mo sa akin, hindi tao? Posible talaga iyon, McGregor," nang uuyam kong sagot.
"The training session will be for the whole day. Instructors will also survey the area and will observe. Hindi mo naman kailangang galingan dahil alam ko namang magaling kana diyan pero it's your choice. Do what makes you happy."
"Okay," tipid kong sagot at sinamaan niya ako ng tingin. Hindi ko siya pinansin at excited na tinignan ang loob.
"All students who chose swordsmanship as their sport will be competing with each other, nevertheless of their grade level. So, may makikita kayong mga bata pa sa grupo niyo."
"Hmm. Sige na, umalis kana at magsisimula na kami."
Hindi siya sumagot at hinalikan lang ako sa ulo.
"I'll be here at 5 pm."
Pumasok na ako at agad na napapalingon ang mga tao, marahil nagtataka kung bakit fencing ang pinili ko. Dahil ika nga ni Iverson, walang babae ang pumili ng fencing.
Hindi naman sa nagpapaka bida bida ako pero masyadong magaan para sa akin ang busog at pana kumpara sa espada. Mas mainam sa akin na makontrol ang lakas sa pakikipaglaban gamit ang patalim na iyon.
Hindi mga propesyunal o eksperyensyado ang mga estudyante rito at may mga bubwet pa kaya mas lalong kailangan kong mag-ingat.
"Miss Montero!"
"I'll be supervising the fencing sect this year. I am glad you showed up dahil kung hindi, ako lang ang babae rito," wika nito habang may malapad na ngiti sa mukha, na para bang nabunutan siya ng malaking tinik sa presensya ko.
"I'll be in your care then, Miss Aguinaldo."
"You flatter me too much. Wala nga akong masiyadong alam about fencing. Nagkataon lang na on leave si Mr. Inuyasha."
Kahit sa paglalakad ko ay nakasunod pa rin ang guro. Naaliw tuloy ako sa inakto nito.
"Oh, Montero. Didn't know you're interested in fencing," sa wakas ay nakita ko si Kenshin.
Ang hindi kahabaan at itim nitong buhok ay nililipad ng hangin. Pumasada ang mga mata ko sa kabuuan niya. May suot siyang itim na hakama at sa tindig ay para talagang totoong swords master.
"I'll look forward to your potential and performance," dagdag pa nito. Ngumisi lang ako.
Fujiwara assembled the attendees. Mga nasa 50 lang ata kami sa loob ng room at kadalasan ay mga college na. Nakikita ko ang pagkamangha sa kanila habang pinagmamasdan ako, habang ang iba naman ay klarong nangugutya.
Lumapit ako sa mga nakahilerang espada sa may gilid. Pinadulas ko ang hintuturo ko ng kaunti sa mga armas, sinusubukan kung saan ako dadalhin ng kamay. Wala lang, trip ko lang.
Katulad ko ay may mga lalaki rin doong namimili kung anong klaseng patalim ang gagamitin sa kompetisyon. Para namang hindi gawa sa kahoy ang practice swords nila. Sobrang seryoso nila. Nagmukha tuloy akong may sakit sa utak doon.
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...