Chapter 1
Nemesis
"Louie, okay ka lang?" salubong sa akin ni Shane nang makita ang busangot kong mukha. Nasa garahe na kami ng legal building at handa na pauwi. Kung makakauwi pa nga ba talaga ako.
May katawag sa cellphone si McGregor kaya agad na pinuntahan ko ang mga kasamahan ko na naghihintay sa akin.
"Nasecure na ang kontrata, " wika ko at ibinigay ang papeles. Pumalibot sila kay Shane at binasa ang nakasulat.
"Mabuti naman pala at worth it ang paglipad natin paalis ng Japan," nakangising ani ni Genessa at sabay silang tumango.
Paano na ito ngayon? Eh, mukhang wala namang balak ang lalaking iyon na pauwiin ako?
"If Mr. McGregor decides to let you stay in the Philippines then grant his request, Louie. Kakailanganin mo talagang pansamantalang ibaba ang pride mo. Anyway, after five years matatapos na naman ang kontrata. Medyo kailangan mong magtiis sa limang taon, Louie. And it's not like naman na masamang tao si McGregor. Arrogante at masungit nga lang," iyon ang naalala kong sabi ni Master Asuna, isa sa labin dalawang boss namin.
"Natali na si Nemesis Louie Montero. Sino naman kaya ang susunod?" humahalakhak na sabi ni Andrei. Sinamaan ko siya ng tingin para tumahimik siya.
"Tigilan mo ako kung ayaw mong masapak kitang, peste ka. Eh kung hindi ako pumayag na makasal sa hinayupak na iyon? Papatalsikin ko 'yang girlfriend mo!" banta ko sa kaniya at tinignan silang dalawa ni Shane.
"Wala kaya akong girlfriend," tanggi pa nito. Inosente naman akong tinanong ni Shane.
"Ba't ka nakatingin sa akin?"
Napairap na lamang ako at pinagkrus ang braso habang nakatayo sa harap nila. Deny pa. Kung pag-umpugin ko kaya ang mga ulo nito?
"Bakit kaya biglaan itong pasya ng mga nakakataas? Marami naman tayong mission na ginagawa ah? Ba't biglang nabankcrupt tayo?" sunod-sunod na tanong ni Hans na pumangalumbaba sa steering wheel. Nagkibit balikat ako at bumuntong hininga.
"Oo nga 'no? Parang biglaan lang talaga. Nakakagulat. Parang kahapon lang halos sobra sobra na ang pinapamimigay nila sa atin tapos ngayon kinapos na," nakakunot ang noong wika ni Genessa.
Napaisip ako sa sinabi ni Genessa. Nitong mga nakaraang araw ay biglaang nagkaproblema nga sa organisasyon namin. Kakagaling ko nga lang din sa isang misyon kahapon at ipinatawag agad ako sa meeting room para pag-usapan ang diskusyon tungkol sa problemang ito.
Ayon sa pagpupulong ng mga nakatataas kahapon, matagal na nilang kinukumbinsi ang organisasyon ni McGregor pero hindi ito pumapayag. Hindi nga namin maipagkakaila na mas malakas talaga ang puwersa nila kaysa sa amin. Kaya kami lang ang pumapangalawa dahil sa kanila.
Gipit na gipit na siguro kami kaya ay isang mabilisang paraan ang kailangan para maisalba ang organisasyon. At dahil may malaking utang na loob ko sa organisasyong ito, tinanggap ko. May pinirmahan naman kaming kontrata kaya hindi ako dehado dito.
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...