Chapter 68

33K 1K 73
                                    

Chapter 68

"Louie, sige na."

"Ayaw ko nga kasi. Tinatamad ako."

"Answer my Biology and I'll answer your Calculus. Deal?"

   Nakakunot ang noong nilingon ko si Ivronsen sa likuran ko. Nakangisi ito habang itinataas ang dala niyang assignment sa Biology.

"Ilang items ba kasi iyan?" naiirita kong tanong.

"80 items only. Sige na. If I know, 150 items iyang Calculus niyo dahil galit si Prof Shi. Hindi niyo kasi naipasa ang kahapon na test niya," nanunuya pa nitong sabi habang naglalakad palapit sa akin.

  Ha! Sino ba namang maipapasa ang test na hindi pa niya itinuro sa amin? Hindi naman sa hindi ako nag advance reading pero wala lang talaga sa libro iyong ibinigay niyang test. Napakahirap at idagdag mo pang ayaw ko sa subject na iyon.

"Kailan ba kasi ipapasa?" tanong ko at tinanggap ang dala niya.

"Bukas. Kailan ipapasa ang Calculus mo?"

"Bukas rin."

"Let's answer together at the lib then," suhestyon niya pa. Agad na napataas ang kilay ko.

"Sa dorm ko na ito sasagutan. Naghihintay si Ace doon," tanggi ko at tinalikuran siya pero agad naman siyang humabol at kinulit na naman ako.

  Ganito palagi ang eksena sa mga nagdaang araw. Palaging si Ivronsen ang kasama ko at ginagawa akong taga sagot ng mga assignments niya at kapalit noon ay sasagutan din niya yung akin na hindi ko magawang sagutan. Pabor naman sa akin dahil malaki palagi ang puntos ko.

  Nitong mga nakaraang araw din ay wala si Iverson. Naiintindihan ko naman dahil masyado nga siyang abala sa pagpapatakbo sa organisasyon nilang nagkaaberya dahil sa akin. Nakakaguilty nga eh. Sinubukan ko naman siyang tulungan pero tumanggi siya. Hindi ko na naman siya pinilit pa.

   Napabuntong hininga ako habang sinasagutan ang kwaderno ni Ivronsen. Nasa tabi ko ito at seryoso ring sinasagutan ang mga assignments ko. Nasa lib kami ngayon at pasado alas sais na.

"Sa tingin mo, kailan kaya matatapos si Iverson doon?" wala sa sariling naitanong ko kay Ivronsen. Nakita kong natigilan siya sa tanong ko. Nag angat siya ng tingin at nginitian ako.

"Maybe soon. There's just a major problem there kaya medyo natatagalan siya. I'm helping him though he doesn't want me to interfere in his business. Kahit na ako ang second in command. Tsk."

"Ivronsen, kung sakaling magkita uli kayo ni Nyx. Ano ang gagawin mo?" bigla nalang iyong lumabas sa labi ko nang maalala si Iverson. Hindi ko alam kung bakit napasama si Nyx sa isipan ko.

  Ngumiti uli siya at ibinaba ang hawak na ballpen. Kumislap ang halos kulay pula na nitong mata at hinarap niya ako bago sinagot.

"Kukumustahin ko siya."

" 'Yun lang?" napataas ang kilay na tanong ko. Humahalakhak siya at napapailing pa sa akin.

"What? You expect me to kneel in front of her and cry like a fucked up man? No way! I have moved on," confident pa na sabi nito.

"Kung ganoon, bakit hindi mo magawang magustuhan si Marga?" may tono ng panghahamon sa tanong ko. Unti unting nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ito ng pagkaseryoso. Ako naman ang napangisi. Itinukod ko ang siko sa mesa at matiim siyang tinitigan.

"May iba akong mahal," ang sagot niya na nagpagulat sa akin.

Akala ko ba kaya hindi niya magawang suklian ang nararamdaman ni Marga ay dahil kay Nyx?

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon