Chapter 88
Louie's purple eyes were void of any emotions. A glint of murderous intent flashed through her eyes as she stabbed the man's neck with the kunai she's holding.
Bumulwak ang masaganang dugo mula sa leeg nito at maraming pulang likido ang tumalsik sa damit niyang kulay abo.
Wala na siyang suot na maskara kung kaya'y malayang nakikita ng lahat ng nakakasalubong niya ang kaniyang mukha. Ang ibang nakakakilala sa kaniya ay umiiwas kapag nakakasalubong siya at ang iba namang walang kaide-ideya kung sino ang babae ay umaatake't dumadanak ang dugo sa huli.
Napakarami ng tauhan ng The Sin at kasalukuyan nitong pinupolbos ang mga kalaban na organisasyon na hindi naman sila inaatrasan. The once vigorous atmosphere not too long ago was replaced with a frigid and scary one.
Nagkawatak-watak sina Louie. Nasa kay Amelynx ang mapa ng buong lugar kung kaya'y sumusulong siya papasok sa basement kasama si Montenegro, Ivronsen at iilan pang mga tauhan.
Ang basement ni Samson ang pinakacrucial dito. Naroon ang lahat ng mahahalaga na papeles at kung ano pang mga transaksyon. Nakapaloob din sa basement ang napakaraming baril, bala at iba pang kasangkapang pandigma.
Kaya ganoon na lamang ang inis ni Samson habang sinusubukang lumusot mula sa mga Montero. Nasa hospital sila ng mga Montero, may kalayuan sa mansiyon.
Ang lolo nina Louie ay balisa. Hindi lamang dahil nahimatay ang pinakapaborito niyang apo kundi sa natanggap din na senyales at babala kanina nang makarinig siya ng nabasag na mga baso.
Ang pagkabasag ng baso ay pinaniniwalaang palatandaan ng mga Montero kung sakaling may masamang mangyari. Hindi niya mawari kung kasapi ba nila ang gumawa noon o hindi lamang sinadya. Ngunit kakaiba talaga
ang nararamdaman niya.Kaya hindi na niya mapigilan ang sarili at inutusan ang iilan sa mga apo.
"Dione, Dike, Perseus, Tyche and Hestia. Go check the mansiyon and report to me if the matter onhand has taken care of."
Dione and the company were vicious ones. Malalaki ang mga ulo nito sa kadahilanang marami na silang naiambag sa organisasyon. Sa katunayan nga ay binubully din nila si Louie noong mga bata pa sila kaya ganoon na lang ang tuwa nila nang mabalitaang lumayas si Louie.
Uso ang ganitong kompetisyon sa mga apo ng Montero. Palamangan. Mga pabida.
Siyempre, ginagawa rin nila ito dahil doon nakasalalay ang magiging takbo ng buhay nila. In the underworld, there is a prey and a predator. And they prefer to be predators.
Everybody is eyeing the position of being the holder and leader of the clan. Napakaraming pribelihiyo ang isang lider kaya wala kang dapat na ikatakot na madehado.
"Sir, Leader of the Alpha platoon sir, reporting!"
Habang kinakasa ni Amelynx ang baril ay sinagot niya ang tawag.
"What's happening outside?"
"May limang Montero po ang bumalik at papasok na po. Anong gagawin namin?"
"Hayaan mo, Amelynx. Papasukin mo," balewalang sabi ni Ivronsen. Nagdadalawang isip namang napatango si Amelynx sa utos nito.
"Pero paano kung atekihin nila si Louie?Iverson and her are out of sight!"
"Naroon naman si Iverson para protektahan si Louie. This is also to lure out Samson na nasa hospital. He's the main target here. Magrereport ang mga 'yun kapag nakita nila ang nangyayari rito," paliwanag ng binata. Amelynx sighed.
"Zyrel! Sa likod!"
Agad na rumesbak si Amelynx nang makita ang isang rumaragasang shuriken sa likuran ng kaibigan. Dumagundong ang kaba sa dibdib niya nang makitang tumarak ito sa sementong dingding.
On the other side, Iverson was starting to feel tired. Buong araw siyang nakipaglaban sa mga kampon ng The Sin at ngayon ay ginagawa na naman niya. Nang pinaalis siya ni Louie kanina ay pumunta siya kabilang daraanan upang harangin ang lahat ng aatake. Sa pamamagitan noon ay mas mapapadali niyang mapalusot ang babae.
Ngunit nagtaka si Iverson nang halos isang oras na ang lumipas pero hindi pa rin niya nakikita ang babae. Amidst the circle of enemies whom he's fighting against now, alam niyang hindi nakaligtaan ng mata niya ang pagdaan ni Louie.
No, she wasn't able to move forward in the first place.
Just like others, Louie was also fighting non-stop. Hindi niya mawari kung bakit hindi maubos-ubos ang mga nakapalibot sa kaniya gayong dalawang katana na ang dala niya. Nasisigurado niya ring puro assassins ng The Sin lang ang nasa paligid niya dahil sa mga uniporme nito.
It was like she was creating a pool of blood as she continously chop, stab and rip off every human bodies' that have been attacking her.
Tila ba'y may sarili siyang mundo habang nakapokus ang sarili na burahin sa landas niya ang mga dagang ito. She knew she have to move forward pero hindi niya magawa.
She can't deny that her enemies have enormous strength and amazing speed. And she can't rely at her strength alone. Kadalasan sa mga nakakalaban niya ay lalaki at matatalo talaga siya kapag lakas na ang pag-uusapan. She was relying on her creative intelligent and unique tactics to overpower them.
"Holy shit!"
"S-si Louie ba 'yan?"
"Uh-uh. That's certainly her."
Siya lang ata ang taong ang elegante at kalmado pa ring tignan sa gitna ng pakikipagpatayan. The perfect harmony between her and her katanas was considered to be a spectacular scene. She was like an art- No. She is an art, trully.
Hindi mo makikita sa mga kilos niyang napapagod na siya at nasasaktan. Para siyang isang robot na nakafull charge at aabutin pa siguro ng ilang oras bago pa malow-batt at mag shutdown.
What's more is that the way she kill her target seems so gentle to see yet the outcome was too brutal. There's no way that anyone can deny her professionalism that's at its finest already!
The five Montero's went nearer and was able to witness Louie's ability even more. The swishing and swooshing in the air could be heard right after the woman relases her attack.
Napailing si Tyche at saka pumalakpak, kinukuha ang atensyon ng mga ito. They immediately recognized that's she's a Montero kaya akala nila'y aatekehin sila nito.
But what happened next shocked them!
"Nemesis Louie Montero... Welcome back, couz," malamya ang boses na ani ni Tyche habang ngumiti na para bang isang anghel.
'Oh, no. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat' nasabi ni Louie sa isip.
But this is beyond her control. May makakalaban at makakalaban siyang mga Montero, lalo na't wala sa panig niya ang mga ito. This would be very disadvantageous to her.
"T-tyche..."
Pailalim na napatingin si Dione sa babaeng pinsan. This is now their seemingly fragile and weak cousin. Who would have thought that one day, they will encounter her and she's even stronger than them!
Bumangon ang inggit at galit sa kanilang puso. Kahit pa na may ibang agenda sila sa pagkakaroon ng galit sa dalaga ay siya pa rin naman ang tinaguriang "The Daughter who Killed Her Own Father" character. And afterall, Louie's father was close to them.
"You should have been executed a long time ago, Louie. Kaya lang ay ang galing mong magtago. Tinalo mo pa ang ahas sa galing mo," wika ni Tyche. Nanatiling tahimik si Louie at pinasadahan ng tingin ang mga bagong dating.
"Pero ngayon na nakabalik kana, why not do it, right? It would be the perfect thing to do afterall and Lolo would be very glad to see you die."
Capturing Louie would be the biggest accomplishment that they would be able to give themselves when the time they have surrendered her already.
"Die, Louie."
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...