Chapter 62

35.7K 1.1K 60
                                    

Chapter 62

      Pagkapasok ko sa klase ay agad na ipinasa ko ang mga naging pending na paper works ko. Mabuti nalang at natapos ko na talaga lahat kahapon dahil nakakahilo na ang pagtingin sa mga letra.
 
     Ala una na nga nang matapos ako sa lahat ng ginagawa ko. Hindi pa ako nakakakain at ang sakit na ng ulo ko. Dumagdag pa ang sakit sa puson ko.

   Bakit ngayon pa? May ipapasa pa akong thesis mamaya.
  
    Pero parang inaasar talaga yata ako ng panahon dahil habang naglalakad ako ay mas lalong sumasakit ang puson ko. Ni hindi ko na magawang pansinin ang mga titig na iginagawad sa akin ng mga taong nalalampasan ko.

   'Pag liko ko sa isang pasilyo ay nagmadali ako sa pagbukas sa locker ko. Nahirapan pa ako sa paghanap ng napkin dahil napuno ng tsokolate at mga papel ang loob. Mahina akong napadaing nang mas lumalim ang sakit.

   Bullshit! Dysmenorrhea, layuan mo ako!

    Mabilis na naglakad ako patungong cr. Mabuti nalang at walang tao dahil nasa klase na lahat. Hindi sinasadyang napalakas ko ng bukas ang isa sa mga cubicle kaya halos masira ang pintong iyon. Masakit lang talaga ang puson ko.

    Namimilipit na ako sa sakit at pinagpapawisan na. Halos umabot ako ng kalahating oras sa loob. Mariin na napahawak ako sa lababo para makakuha ng suporta nang palabas na ako. Pero hindi ko pa man tuluyang nabubuksan ang pinto ay kusa itong bumukas. Nagulat ako nang si Iverson ang nakita ko.

"N-nemesis?" tawag niya sa akin. Hindi ako nakasagot at bagkus ay napasandal sa pader at napapadyak sa sobrang sakit.

"Nemesis? You're so pale! What the fuck is happening to you?" natataranta nitong tanong nang makita ang ginawa ko.

"M-masakit ang p-puson ko," nahihirapan kong sagot. Mariin na napakagat ako sa labi ko at napapikit nang mariin.

    Nagmamadaling nilapitan ako nito at binuhat. Hindi ko na magawang umayaw at nagpadala na lamang sa kaniya patungong clinic. Panay ang mura nito at pagtingin sa akin.

"Masakit lang ang puson ko! Hindi ako mamamatay," naiinis kong sabi nang mapansin ang over na reaction niya.

"Shut up."

    Padabog na binuksan niya ang pinto kaya nagulat ang nurse-on-duty. Agad na dinaluhan kami nito.

"Fucking treat her!" bulyaw ni Iverson. Napapiksi ito at natarantang chineck ako.

"Anong nangyari, Ms?" napailing ako at napakapit nang mahigpit sa braso ni Iverson nang bigla na namang tumama ang sakit.

"W-wala. Dysmenorrhea lang," mahina kong sagot.

    Pinunasan ni Iverson ang nagpapawis kong noo habang ang nag aalalang mata ay nakatutok sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko at hinawakan ang mukha.

"Will you be okay here or I'll bring you to the hospital?"

"Hindi na. Meron lang ako."

"Meron?"

"Period," naiirita kong sagot.

"Drink this pain reliever, Ms. Naproxen 'yan at uminom ka rin nitong chamomile tea para kumalma ka," ani ng medyo may edad nang nurse. Ngumiti siya at inalalayan akong umupo.

    Agad ko namang ininom ang gamot at tsaa dahil parang papatayin na talaga ako ng pesteng dysmenorrhea. Kung bakit pa kasi kailangan pang may ganito sa mga babae eh.

"Huhulaan ko. Hindi ka pa kumakain kaya ganun na lamang ang epekto sa'yo 'no?" muling tanong ng nurse. Tumango ako.

"What do you want to eat then? Is it marshmallows?" tanong naman ni Iverson. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko alam kung nanadya ba siya o ano. Inosenti niya akong tinignan.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon