Chapter 2
Nang makapasok na kami sa sasakyan niya ay agad na nilock niya ang bintana't pinto ng sasakyan. Hindi ko magawang buksan ito kahit na anong stratehiya ang ginawa ko.
"You're just wasting your energy. Hindi iyan mabubuksan hangga't hindi ang fingerprint ko ang nakarehistro," sabi niya kaya napahinto ako.
"Then should I cut your finger out?"
"If you can, yes."
Nginiwian ko siya at halos ibato ang sapatos sa mukha niyang nakakabanas.
Ano pang silbi? Eh sa lahat ng sasakyan ay ang ganitong klase ng lock system lang ang hindi ko nabubuksan. Bwisit. Pero syempre unless putulin ko nga ang kamay niya.
"Tomorrow, you will be studying at West Cannon Academy until you graduate. Your school requirements had been taken care of my assisstant so you don't need to worry. The school uniform will be delivered at five o'clock," patuloy niya nang magsimula na siyang magmaneho.
Hindi ko siya tinignan at pinanatili na lamang ang mata sa labas ng sasakyan na wala naman akong ibang makita kundi kadiliman lang dahil alas diyes pasado na naman.
Napabuntong hininga ako at kinalma ang naghihimagsik kong damdamin. Siguro nga, kailangan ko munang tanggapin ngayon nang pansamantala na may kumokontrol talaga sa buhay ko. Tiis-tiis nalang muna.
Buong biyahe ay pinipigilan ko ang sarili na makatulog. Kakarating ko lang ngayong araw sa Pinas galing sa Japan kaya medyo pagod ako. Idagdag mo pang tinapos ko lahat ng trabaho ko dun para wala na akong problema dito.
Nang marating namin ang bahay este mansyon nila ay dumeretso na agad ako sa itinuro niyang kwarto. Ni hindi ko napagmasdan ang magandang interior design ng mansyon. Hinatid niya lamang ako doon dahil may gagawin pa daw siya.
I took off the black satin dress that I was wearing when we signed the marriage certificate today. Black para malaman niyang ayaw ko talagang ikasal. I don't care if it's insulting or whatever. He doesn't mind it anyway. Pinasadahan ko ng aking kamay ang malambot na kama at agad na hinila ako ng antok. I think I should rest a bit.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko. Napadaing ako at sinubukang tabunan ang mukha ko mula dito para muling makatulog pero natandaan ko na may pasok na nga pala agad ako ngayon. 'Di man lang muna ako pinaabsent ngayon.
Bumangon ako at naligo. At totoo ngang may nakasabit na na uniporme doon sa isang rack.
May maikli na sleeve ang polo at kulay puti ito na may asul na hem. Tinirnuhan ito ng kulay dark blue at sky blue na stripes na palda na above the knee. May stripes din ito na dark blue at sky blue na necktie at ang pin ng West Cannon sa bandang itaas na kaliwa.
Sa baba ng kama ay may isang kahon na naglalaman ng flat black shoes. May knee sock na rin ito. Nice, talagang VIP ako dito.
Hindi ko na kailangang gumastos ng sarili kong pera. Not that I am really kuripot pero may pinaghahandaan akong gastuhin kaya mas mabuti kung hindi ako gagastos dito.
Ngayon, masasabi kong medyo okay rin naman pala ang magiging pamumuhay ko dito. Hindi lang ako maraming mahihithit sa kaniya kundi ang organisasyon din namin. Hindi ako dehado sa katangahan ko sa pagpirma sa papel nang hindi ito binabasa.
I'm sucking to him like a fucking leech. It's annoying but what else can I do? I don't want to spend years being stressed. That's being unwise.
Napag-isipan kong matalinong paraan ang pag enjoy ng pribilehiyo ko bilang isang McGregor. Ba't naman hindi diba?Nasa akin ang karapatan.
Pumasok ako sa walk in closet at nagulat ako sa laki noon. Sa kabilang banda ay puro pang lalaking gamit ang nakahilera. Maraming mga suits ang nakasabit pero itim lahat. Marami ring iba't-ibang klase ng sapatos gaya ng black shoes at mga rubber shoes.
Sa isang banda naman ay puro pambabae ang naroon. Mula sa mga formal dresses, killer heels, shining, shimmering accessories at iba pang gamit. Hindi ko alam kung akin ba ito lahat o mga gamit na ito ng mga babae niya. Malay ko bang may mga babae siyang dinadala dito.
Suot ang bagong uniporme ko ay tinignan ko ang sarili sa salamin. Sakto lang sa akin ang short-sleeved polo, komportable isuot ang telang ginamit pero nahirapan ako sa pagbutones malapit sa dibdib ko. Uh, medyo malaki nga itong parte ko dito. Matagal ko itong inayos kanina at hinanapan ng paraan para medyo lumuwag pero hindi na talaga maadjust.
Sakto lang din ang haba ng palda. Hindi naman ito nalalayo sa itsura ng uniporme ko sa Japan. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba at medyo maalon kong kulay itim na buhok. Nang makontento na ako sa hitsura ko ay lumabas na ako sa walk in closet.
"Ohayogozaimasu, Young Lady McGregor! Young Master is waiting for you at the dining area," salubong sa akin ng isang batang katulong nang makalabas ako ng pinto. Tumango ako at sinundan sya.
Napakalaki nga talaga ang mansyon na ito. Ngayon ko lang napansin ang hindi pangkaraniwan nitong laki kung ikokompara sa ibang mansiyon. Ang tema na kulay ng mansyon ay ginto at puti. Masyadong pormal. Ang sahig ay may nakalatag na red carpet na para kang aattend ng awarding ceremony sa Hollywood. Mayaman talaga.
Oo, marami na akong pera pero hindi naman ako bumibili ng ganito karami at kamamahaling mga bagay. Edi sila na!
Nagulat pa ako nang biglang huminto ang maid sa harap ng isang metal na pintuan at may pinindot. Isang elevator!Wow! Nagkakahalaga ng 8 digits ang ganitong klaseng ellavator ah.
Dahil gamit namin ang ellavator ay agad na nakarating kami sa baba. Tinungo namin and dining area at doon ko nga nakita si McGregor. Nasa panggitnang upuan siya nakaupo.
Nakasuot siya ng uniporme ng West Cannon at inaamin kong hmm... gwapo nga siya. Bagong ligo ito at magulo pa ang buhok nya. Sa gilid niya ay nakahilera ang limang butler at sa kabila naman ay may limang katulong.
Para siyang isang mayaman na spoiled at bastardong estudyante sa anggulong ito.
Nag angat siya ng tingin sa akin at nagtama ang paningin namin. Mas sumingkit pa ang singkit na nitong mata nang pagmasdan ako. Pumasada ang tingin nito sa katawan ko lalo na sa mga parte na medyo nakikita at hindi natatabunan gaya ng binti at konti sa dibdib ko. Mahina akong napatikhim upang maibsan ang hiya sa mga tingin niya.
Nakita ko ang pagkunot ng noo nito at saka sinenyasan ako na lumapit sa kaniya kaya lumapit ako. Umupo ako sa katabi niyang upuan.
"Your uniform is so fit," tipid niyang sabi matapos niyang paalisin ang mga alagad niya. Umirap ako at kinuha ang kutsara para magsimulan nang kumain. Nakatingin pa rin siya sa kabuuan ko kaya naasiwa ko siyang tinignan. Tumaas ang kilay niya.
"Your boobs are bulging out like it's waving at me."
Hindi ko napigilan ang sarili ko at naipasak ko ang isang kutsarang puno ng kanin sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...