Chapter 89
Louie almost puked blood when a feet hit her again, sending her meters away from the latter. Iyon ang ginawa ng pinsan niyang si Tyche Jackelyn Montero Arsenon sa oras na naibaba ni Louie ang kaniyang dalang katana.
Natatakot si Louie. Na baka hindi niya mapigilan ang sarili. Na baka makasakit siya. At na baka mas malala pa doon ang magawa niya.
Napangisi si Hestia Mariella Montero Park. She knows they have the upper hand so eventually, they will use it.
Napakalakas ng sipa na iyon na para bang naramdaman niyang bumaliktad ang kidney niya kung saan tumama ang puwersa. It was one of her weak points at hindi niya alam kung tiyamba lang ba o alam ng pinsan niya ang kahinaan niya roon.
"Oh, stop with all your shits, Louie. You already killed your father. So, why not your cousins, right? Sa nakikita ko ngayon sa abilidad mo ay kaya mo na kaming kalabanin at patayin," wika ni Tyche. Sinubukang tumayo ni Louie at inilagan ang paparating na namang sipa nito.
It landed on her shoulder where the bullet was shot. Napakagat siya sa kaniyang labi upang pigilan ang sarili na sumigaw. Parang namanhid ang buo niyang balikat dahil doon.
"Hindi ko pinatay si papa! Ilang beses ko bang uulit-ulitin iyan?!"
"Ba't idenedeny mo pa? Alam ng lahat 'yan, Louie!"
Limang shuriken ang lumipad sa ere, deretso lahat kay Louie. Kung hindi siya agad nakaalis sa puwesto niya kanina ay malamang ay tatarak iyon lahat. The attack was from Hestia.
"Dami niyong satsat. Give her the torture that you want, Tyche. Take your time!"
Hindi naman ito binigo ng pinsan at hinablot niya ang kalibre na nasa lilim ng suot na dress saka binaril sa kabilang balikat si Louie. Kalibre lang iyon at hindi sniper pero parang kulang na lang ilang dangkal ay lulusot uli iyon sa balikat niya.
Hindi pa siya nakakabawi sa sakit nang sinipa siya nito sa dibdib. Napatihaya si Louie at habol ang hininga habang pilit na pinapahupa ang sakit. The woman walked near her and raised her foot to step on Louie's stomach.
Sinubukan ni Louie na hindi sumigaw pero may kaunting boses pa rin na kumawala sa lalamunan niya.
"T-tyche!" pigil ni Louie sa kaniya pero ngumisi lang ito at naglabas ng isang kunai. Walang pasubali niya itong isinaksak sa binti ng pinsan niya at saka binunot ito para saksakin na naman siya sa kabilang binti.
Para nang sasabog sa sobrang sakit na nararamdaman si Louie. May kaunti na ring butil ng luha sa mata niya na sumisilip.
If only she could use force to push her agitated cousin...
But no. She would kill her for sure once her hands will reach her dahil sa adrenaline rush at sakit.
"Tama na, Tyche," halos nakiusap na siya.
"Masakit ba, Louie? Puwes, kung nasasaktan kana, labanan mo ako! Huwag mo akong maliitin!"
"That's enough, Tyche!"
Nabaling ang atensyon nilang lahat kay Dike Jackson Montero Arsenon, ang kambal ni Tyche. Inayos niya ang suot na salamin at nilapitan ang dalawang babae. Hinablot niya ang braso ng kapatid.
"Let the laws punish her. Hindi maganda ang ginagawa mo, Tyche," pangaral ng nakakatandang kapatid.
"Shut up, Dike!"
"You shut up, Tyche! Ang mas mabuti pa ay tawagin niyo na si Tito Sam-"
"No need, young folks."
Napalingon sila sa kararating lamang na si Samson. Pero nagtataka sila kung bakit may dala-dala itong lalaki na malubhang sugatan.
BINABASA MO ANG
Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia Boss
ActionNemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from the depths of falling. He was named Iverson Jade McGregor, his name as cold as him. Nemesis belittle...