Chapter 61

34K 1K 55
                                    

Chapter 61

Tahimik lamang akong nakaupo habang nakikinig sa usapan nila. Nakayuko ang ulo at halos hindi ginagalaw ang pagkain na nakahain kahit na mukhang masarap naman dahil sa kawalan ng gana.

Nandito ako sa mansyon ng mga McGregor dahil isinama ako ni Iverson. Magsasabay daw ng agahan kasama ang magulang niya. Pero hindi ko naman makita ang dahilan kung bakit pa ako sumama. Wala naman akong silbi pa dito.

"Really, dear? Wow! It's great that you want to practice Kung Fu," puri ng mama ni Iverson. Kay Marga.

Nandito rin sina Ivronsen, Ivronnezeir, papa nila at si Dean. Magkatabi si Marga at Iverson sa kabila na kaharap ang mama niya at ang katabi ko naman ay si Ivronnezeir at katapat ay si Ivronsen.

Panay ang sulyap sa akin ni Marga, parang naawkward na ito dahil alam niyang siya lang ang kinakausap ng mama ni Iverson. Kapag tumitingin siya sa akin ay parang may paghingi ng tawad.

Nakita ko naman ang palaging pagbuntong hininga ni Iverson na para bang may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang isip siya. Si Ivronsen ay pabalik balik ang tingin sa akin at ang mama niya.

"Pagpasensiyahan mo na, hija at hindi ka pa pinapansin ng Tita Mess mo. Ganyan talaga siya sa mga hindi niya pa kilala," nag-aalangan na wika ng dean na nasa tabi ko. Ngumiti siya at ibinalik ko naman ang ngiti.

"Tita, Louie is so good in fencing. She has a great skill. Baka nga wala pa ako sa kalingkingan niya."

  Nagulat ako nang isali ako ni Marga sa usapan. Tumingin siya sa akin na para bang gusto niyang dugtungan ang sinabi niya pero hindi ko magawa.

  Saglit na natahimik ang hapag. Tumikhim ang ilaw ng tahanan bago nagsalita.

"Oh? You mean Nemesis Louie Montero?" parang nangilabot ata ako nang banggitin niya ang buo kong pangalan.

"Yes, Tita. She ranked number 1 in the over all result of West Cannon."

"Oh, yes. I've watched the replay of the three of them that day and I must say Louie deserved it," nakisali si Dean nang may pagkakataon, sinusubukan na mapasama ako sa usapan.

"Really? Louie's that good?" nakisali na rin ang ama ni Iverson na nasa kabilang banda. Humahalakhak si dean.

"Of course. I'm best at picking my grandsons' wives."

  Para akong nabilaukan sa sinabi ni dean. Nagpatuloy sila sa pag-uusap sa akin.

"At what age did you learn on how to use a sword, Louie?" mahinahon na tanong ng ina. Bumaling ang ulo niya sa akin nang tinanong ako.

"At the age of six, madam," sinubukan kong hagilapin ang magagalang na salita na alam ko.

"Hmm. And who taught you to do it?"

"Si papa," simple kong sagot. Hindi ko alam kung nagmamalik mata lang ako nung nakita kong saglit na nagliwanag ang mata niya sa sagot ko. Pero parang nakita ko talaga.

  Nasosobra na yata ako sa pagiging mapagmasid at binibigyan ko ng malisya ang mga kilos niya. Isinantabi ko ang isiping iyon. Marahil ay magkakilala lang talaga sila ni papa dahil natatandaan ko na malapit ang pamilya namin noon gaya ng sabi ni Iverson.

"Oh. Louige should be able to teach his children anyway," komento niya.

  Nagpatuloy sila sa usapan. Nasasali ako pa minsan minsan at sumasagot kapag tinatanong. Alam kong ginagawan lang nila ng paraan na maisali ako dahil wala namang balak na pansinin ako ng ina ni Iverson.

  Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang ang pakikitungo niya sa akin. Ilap na ilap siya sa akin na para bang isa akong nakakahawang sakit. Bagama't tinatanong niya ako paminsan minsan ay parang may pinapatama siya sa akin sa pagtanong niya sa mga bagay na iyon.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon